Paunawa: Pakiunawa lang ng sobra

Satire; is a genre of literature, and sometimes graphic and performing arts, in which vices, follies, abuses, and shortcomings are held up to ridicule, ideally with the intent of shaming individuals, corporations, government or society itself, into improvement.

Sunday, September 05, 2021

Ikalawang Buhos

Mukang tama nga yung hinala ko sa simula't sapul. Hindi ko rin naman inakala na aabutin ng mahigit sinkwenta yung maisusulat ko sa "blog" na to. Bago ko kasi sinimulan tong pagsusulat dito, alam ko na, na kagaya ng mga ibang bagay sa buhay ko, magsasawa din ako. Ambilis ko kasi magsawa talaga. Hindi ako tumatagal sa isang lugar, tao, o sa isang sitwasyon. Pag alam kong tapos na ko, tapos na. Pero kung "mag cu-cut myself some slack" naman, alam ko namang ginawa ko lang tong blog na to kasi sobrang homesick ako at sobrang bored yung utak ko during my first year in Canada. Bukod dito, andami ko ring gustong sabihin na hindi ko naman masabi sa kung sino sino lang. Sobra dami ko ding hinaing na kailangang mailabas kundi baka masiraan na ko ng ulo dito.

Siguro nga ito narin yung dahilan kung bakit mag iisang tao na na ata bago ako makapagsulat ulit. Siguro kasi wala na kong gustong sabihin, o dahil siguro wala na kong masyadong hinaing. More importantly, hindi narin kasi ako "homesick". Hindi narin bored yung utak ko sa dami ba naman ng pinagkaka abalahan ko ngayon.

I guess this is one way of telling myself that I have crossed a certain phase, or that I have grown somehow. Or maybe it is as simple as not having enough time to write. Yes. Most likely. Kakulangan lang din sa oras.

Looking back at my previous posts, especially the older ones, reading through them... grabe sobrang cringy. Napakacorny tapos andming wrong gramming talaga, sama mo pa yung spelling. Pero sabagay expected ko narin naman yun.

Pero meron din namang ilan ilang statements sa mga naisulat ko na.. fucck..naisip ko talaga to? Minsan, aww talaga bang nasabi ko to? 

"Talaga bang nasabi ko to?" 

Tsk, eto talaga yung problema pag shinare ko yung "utak" ko sa public e. 
Bihira lang kasi yung mga taong nakakaunawa, o yung nakaka intindi kung alin yung totoong personalidad mo vs sa mga bagay na.. naikwento mo lang naman. 

Kung babalikan ko man ulit tong post na to after 2-3 years, ipaalam ko lang na may COVID parin... at oo nga pala, pang 7 month na kong kasal.

Oo, kasal. 

Lumagay sa tahimik. Kinasal.

Pano nga ba ikasal ang taong first paragraph palang umamin nang sobrang daling mag sawa. Na hindi tumatagal sa isang lugar, tao o sitwasyon. 

Ewan.

Baka kung Phase 2 man to ng pagiging tao ko sa mundong to, baka kelangan ko din mag bago bago. Kagaya ng mga pananaw ko sa mga luma kong posts, baka kelangan ko rin mag adjust para maging pang matagalan yung pag lagay ko sa tahimik. 

Nagkamali ako. Andami ko pa palang kelngan sabihin at mga hinaing na willing ishare. Nakakabadtrip lang siguro na kelangan ko na isa alang alang yung mararamdaman ng asawa ko kung may maisusulat man akong mejo kontrabersyal.

PHASE 2...

Bob Ong, bossing, hindi pa pala ako tapos tumae. 

Tuesday, December 22, 2020

Shooting ng Ina Naman...

There was a recent shooting involving a policeman, a mother and her child in Tarlac Province. There was also a video footage of the whole incident that circulated throughout social media and of course, naturally, everyone from regular people to celebrities to government officials and journalists voiced their opinions in their respective accounts. I haven't seen the video myself. I refuse to see it.


I know speaking about an issue that you haven't even seen or heard
is a bit off and just ridiculous so I won't dwell too much into this "unfortunate incident".


Besides, what is there to point out really? This isn't a matter of justifying the decisions and actions of either side. There is not even the slightest need to uncover their previous interactions. There should be no debate between two political parties. This is completely black and white. The policeman was at fault. Regardless of past events, regardless of whose perspective you'd like to understand, it is what is, the policeman made a rushed... terrible, horrible judgement. Fueled by years and years of experience dealing with the same scenario which held him high on the pedestal in the eyes of the people around him. People who can only tolerate his antics and egoistic ramblings.



I have no ifdea who the policeman is or his background, I didn't do any research on him, I can only assume based on the numerous comments describing the incident and the transcript of events from several journalists. It felt like he was way too confident, fuck this, arrogant about the whole situation. I have held a gun myself and I understand the weight that it bears and I'm not talking about its composition and atomic mass. The fact that he was able to point the gun against the victims' heads... there must be a higher power in the worst sense urging him to do the deed.

Oo, kasalanan talaga ni Jonel Nuezca. Sa mga oras na yun... mula sa oras na naisipan niya maging alagad ng batas, mula sa makatapos siya ng pagpupulis sa skul, hanggang sa madestino siya sa Tarlac, at hanggang sa nangyari na ang nangyari... lahat ng yun ay nauwi sa kasalanang hindi hindi na mabubura sa mata ng mga naapektuhan.


Natutunan ko habang lumalaki na mas karesperespeto ang pag-amin ng kasalanan kaysa manisi ng manisi ng iba. Mas kampante akong pasanin yung sisi kaysa gumawa pa ng mga palusot at magisip ng dahilan para mawala ang sintensya.

Pero sa sitwasyong to, pilit ko mang sisihin at ibuntong lahat nang galit kay Jonel Nuezca, Di ko mapigilang sisihin din ang ideology na inihain ng kasalukuyang gobyerno.

Totoo naman kasi, again, eto yung mga sitwasyon na wala ng maraming eksplanasyon.

Ang pagpasok sa cafeteria at sa library ay magkaibang magkaiba. Kung barubal ka sa cafeteria, pagpasok mo sa library isa ka nang maamong tupa.

Iba kasi ang nagagawa ng ambiance.. Mabigat ang ambag ng values, customs at lifestyle ng isang lugar sa mga taong naninirahan dito. Ang laki kasi ng epekto ng kultura na itinutulak ng isang lider sa kanyang mga sinasakupan.

Nakakainis lang na damay lahat ng kapulisan sa kademonyuhang to. Damay pati yung mga pulis na may sinserong pagmamahal sa serbisyo.
Nakakalungkot lang din na damay pati ang buong bansa sa insidenteng to.

Sagad na naman ang comments at tweets na: "Ang hirap talaga dito sa PINAS" "Ganto naman sa PINAS e" "Sana sa ibang bansa nalang ako nakatira" "Palala na ng palala ang PILIPINAS" 
 
PILIPINAS PILIPINAS PILIPINAS

Naiintindihan ko naman kung bakit yung bansa yung nasisisi. Syempre nga naman ang bansa ay binubuo ng mga tao neto, kultura, tipo ng gobyerno at iba pa... actually marami pa.

Pero baka naman pwede natin isisi kay Jonel Nuezca lang. Siya lamang.
Baka naman pwede i-edit out na natin yung Pilipinas sa social rant mo.

Hindi naman ganong kabango yung pangalan natin sa mundo, mismong sa pinas nga, di na maayus yung amoy e... baka naman pwedeng wag na nating babuyin pa.

"Hindi lang naman sa Pinas nangyayari yan e"

Alam ko masakit na sa tenga to.
Kasi this implies na "okay" lang mangyari to, kasi nangyayari naman pala sa ibang bansa e.

TSK!


Hindi naman talaga ganito ang implication ng "reasoning" na yan.

Lumaki kasi tayong iniisip na laging Pilipinas LANG ang mali. Na TAYO LANG ang ganito, na sa atin lang nangyayari to. "Only in the Philippines" diba?

Pero kasi tong putanginang "Only in the Philippines" na to, dinukdok sa isipan at kamalayan natin na dahil Pinoy tayo, kaya tayo ganito. Na dahil Pilipinong dugo ang nananalaytay satin, kaya tayo tamad, corrupt, laging late, ningas kugon, kelangan may lunch hours sa govt. office, mapanglait, sensitib, utak talangka, jejemon.


Laging "Pinoy kasi e".


Hindi man lang naituro satin ng fast food commercial na nagpauso ng "Only in the Philippines" na baka lahat ng Third World countries may ganitong kaugalian. Baka naman dahil sa topography at geographical landscape ng bansa kaya tayo laidback, Baka naman dahil na colonized tayo ng iba't ibang bansa kaya ang lakas ng appeal ng mapuputi satin. Baka naman kasi sadyang malapit tayo sa Equator kaya napipilitan tayong mag jay walk nalang kesa maglakad ng dalawang kilometro para umakyat sa overpass na may 195 steps.

Baka naman may ibang dahilan kung ba't tayo ganito't ganoon, bukod sa "Pinoy kasi e".

The thing is, living outside the Philippines taught me so many things about it. Dami kong nakasalamuha na taga ibang bansa na may same stories kagaya ng satin. Apparently lagi din sila late, may transaction "under the table", uso din pala sa kanila ung palakasan system, naniniwala din pala sila sa utang na loob sa mga magulang, priority din pala nila yung mga puti sa bansa nila.

Alam ko napaka hipokrito neto na ng galing sakin kasi dito na ko nakatira sa Canada. Napansin ko din naman na unti unti narin akong nawawalan ng sasabihin tungkol sa Pinas sa blog na to. Hindi kagaya dati na puro "Pinoy Pride" yung tema ng posts ko.

Para kasing nawalan narin ako ng karapatan mag ka opinyon kasi hindi naman ako direktang apektado sa kung anong meron sa Pinas. Napaka-hipokrito. Nakakalungkot kasi kelangan kong maramdaman to.

Lalo pa't nakikita ko yung mga kakilala kong post ng post tungkol sa Pinas. Punong puno na ng political rants, social comments at public discourse yung Sscial media accounts ko.

Not that I'm upset that my friends are very vocal about these important matters regarding my home country. Of course I'd like everyone to be involved. It is quite nice to know that they are intrigued enough to engage in a political discussion.

Mejo off lang talaga na when I think about how they were before the advent of facebook and twitter. Uhmm where were these people before opinions became cool and trendy.

You have been posting 853 selfies, sharing memes, and liking flirty timeline posts all your life then one day you wake up and suddenly you're a Pulitzer award winner for journalism. It's just... I mean.. I'm not mad nor bitter... but a bit surprised.. and confused.

But regardless, whether it's a trend or a genuine sentiment, if it will keep the news running until a resolution, then fucking why not.

Maybe post your tiktok video in an hour or two, after you post a heavy-hitting editorial piece, so people might believe you actually mean it.

Who knows, Rizal might be stating facts when he said jejemons and tiktokers are in fact the only hope for the country.