Paunawa: Pakiunawa lang ng sobra

Satire; is a genre of literature, and sometimes graphic and performing arts, in which vices, follies, abuses, and shortcomings are held up to ridicule, ideally with the intent of shaming individuals, corporations, government or society itself, into improvement.

Sunday, September 03, 2017

"Ano Gawa Mo?", "Bahay Ka Na?" at Iba Pang Kalandian

Nakakapagod din talaga minsan gamitin yung utak palagi. Mejo nakaka drain kasi parang andami mong iniisip. Kaya siguro eto na yung tamang panahon para magsulat tungkol sa phase ng isang tao kung saan utak-biya tayong lahat. Teenage love.

Sa mga intelektwal, mga rebelde, mga astigin, at sa mga cool kids, pagpasensya nyo na. Minsan masarap din pagusapan ang tungkol sa mga kacornihan nung mga bata bata pa tayo. Lalong lalo na pag lasing na lahat tas sabay tugtog nung "Especially For You" ng MYMP. 

Malamang sa malamang. May disclaimer na naman bago ako mag kwento. Hindi po tungkol sakin at sa mga nakalandian ko dati to, base po ito sa mga kwento ng mga tropa, tropa ng tropa, at mga experiences ng mga dating teenager. Chismis ba, in short.

I really can't believe I'm already 26. I just can't fathom the idea that it all happened just like that. If you're 18, or 19 now and you're reading this, Remember this moment, remember when I say that it will all go so fast you won't even notice. And life is absolutely bigger than your teenage love affair. 

Now that I'm 26, I am just realizing that there are actually so many people younger that I am. I know this doesn't make so much sense, or any sort of importance, but see... when you're young, you don't really notice age. It just isn't a thing. You don't consider it as a factor in your every day life. But now that I'm 26, I feel like I'm on the other side of the spectrum already. I have this feeling that most of the people around me are teenagers, even if they're just 2 years younger that I am. I used to be the one calling people Kuya or Ate. I used to be the one who makes fun of 'old' people. 

So my issue with the gap between my age and the rest of the younger generation lead me to write something about them and their most life-threatening ordeal, their love life.

Nagsisimula lang talaga yan sa tuksuhan e. Lalo na sa classroom. Pag ikaw ang napagdiskitahan ng class clown ipareha sa pinaka balahurang babae sa room, patay ka na. Matik crush nayan. Matik buong taon kayo na ang gagawing Escort at Muse. Itanggi man ng lahat, matik isa sanyo, magka ka crush sa isa. Imposibleng hindi.

It is a valid feeling. No matter how many adults tell you that it's a stupid thing to think about at that age. It is something real. Stupid, but very much real. The sensation is undeniable. It`s physiological.

Yung pag katabi mo siya, sobrang bilis ng tibok ng puso mo, tas hindi mo alam kung bakit parang tuyong tuyo ung bibig mo. Nagtatalo yung mga salita sa utak mo kasi hindi mo alam kung anong dapat sabihin para lang mapahaba yung conversation niyo. Multi-tasking nga. Lahat ng senses mo gumagana pati ilong mo hinahanap hanap ung amoy ng Patene niyang shampoo habang pinapakiramdaman mo yung bawat hampas nya sa braso mo pag napatawa mo siya. Tapos kapag napatawa mo siya parang pakiramdam mo kayo na agad. Tapos muka ka ng tanga kasi conscious na conscious ka na kung nahahalata niya ba na pilit kang umiwas sa mga mata niya. Parang tanga. Yun ka talaga. Kilig na kilig. Ito na ata yung pakiramdam kong sitwasyon na naranasan nating lahat nung bata pa. Pinagkaiba lang siguro yung brand ng shampoo.

Teenage love is a huge part of your life. You can't deny that it is essential in one's social life. Being able to appreciate and be appreciated by someone is a big deal. It teaches you how to invest feeling, and more importantly, time to someone you care about. 

Tipong matutunan mong mag sakripisyo. Yung tipong kahit kailangnan mo nang umuwe, willing ka padin ihatid siya kahit sa Zamboanga pa sya nakatira. Minsan yung kahit antok na antok ka na, kelangan mo parin siyang antayin matapos sa klase niya, o intayin siyang matapos magshopping kahit halatang halata na sa muka mong bugnot na bugnot ka na kakatingin sa sappatos mo habang nakaupo sa loob ng Forever 21. Kumbaga makikilala mo yung sarile mo, kung anong klaseng tao ka. Hanggan saan yung kaya mong ibigay para sa mga taong nasa social circle mo. Dahil sa teenage love, marerealize mo na hindi lang pala ikaw yung importante. Na okay lang paminsan minsan na magpahalaga ng ibang tao maliban sa pamilya o sarili mo.


Young love may sound insignificant but it's a phase that everyone should go through before dealing with the real thing. It's our way of testing the waters before going in for the dive. It is a place for practice. 

Dito kayo magpapractice e. Kumbaga unconsciously, tuturuan ka nito kung pano magreact sa, let's say, panloloko, o pambobola, o pagsisinungaling, o sa pagtanggap ng pagkakamali. Hindi mo naman marerealize to during that moment, kasi nga tanga ka pa talaga neto. Pero matututo ka parin talaga. Higit sa lahat, dito kayo mag papractice kung pano kayo magyayayaan mag sex. hahaha Seryoso, dati nung bata ako, mga Grade 4 ata ako nun, lagi kong iniisip kung pano magaaya makipagsex. Kasi awkward talaga, kasi pano yun? "Huy, busy ka? Sex tayo?" Tipong ganun ba. 

Yun pala, darating at darating pala yun, kumbaga pakiramdaman lang pala yun. Konting banggaan ng tuhod, yung mga tipong gagawin mong pabulong na husky ung boses mo pagnaguusap kayo, tas kunyari antok na. HAHAHAH natatawa ako. Lalo pa pag nasa sinehan kayo, jusku po, alam na after. 
Pero eto ay sabi-sabi lang naman, malay ko jan.
O kaya lasingin mo nalang, punyeta pag may alak may balak.


You'd think you know everything by then, but only when you're truly in an Adult relationship will you learn that being late on a date, or a vague text is merely a speck of dust on a desert compared to what's coming. In other words, Teenage love will make you grow as a person.

Badtrip kasi neto, kahit anong pangaral at payo ng mga matatanda satin nung kabataan natin, parang lagi nalang tayong may degree in Bachelor of Trust Love Faith, Major in Teenage pregnancy. Kumbaga mismong to, siguro me isang teenager na nagsasabing ano bang alam ko sa mga pinag sasasabi ko. Ang kulet natin talaga dati, tangina ang maigiit, lagi nalang "E wala kang alam sa nangyayari, "E mahal ko siya e!", Meron pang mga "Iba kasi yung panahon dati sa ngayon, generation gap kasi" Ay taena talaga, kung magulang ka na namomroblema sa kalandian ng anak mo, tas ganyan mga linyahan, ako na po nagsosori. Phase lang po talaga yan.

Pero pramis, pramis!! Taena paglagpas mo jan sa phase na yan, malalaman mo kung gano kaliit yung mga problema mo dati. Yung tipong pagtatawanan mo nalang talaga. Pagsisisihan mo pa kasi sobrang muka kang tanga dati, at higit sa lahat, NAKAKAHIYA! taena talaga pag naaalala mo nalang yung mga pagiyak iyak mo, tas yung mga nakakadiring "Mahal naman kita e", "I miss you na, bahay ka na?" "Kain ka na." "Ano ulam mo?" "Bakit gising ka pa?" "Tulog ka na!" "Kiss ko muna" (Mag muah! naman si tanga) at yun walang kamatayang "Ano gawa mo?" Putaena talaga kinikilabutan ako. Pero wag kayong timang, lahat naman dumaan jan diba??? diba??? please sabihin nyo oo! 

Most importantly, The pain of breaking up at a young age is no laughing matter. Even if it doesn't mean a thing now when your 26 and worrying about mortgage. You still don't get to laugh about how you endure the pain of letting go of someone you truly care about. The exact moment, when you both have the conversation. The words you have to say, there's no practicing on how or what to say. You are putting an end to a relationship that only the two of you truly understands, the relationship that made you feel important and that made you feel safe in a crowd of people. You know that you will always have that someone to depend on after everyone has left and is done with their business with you.

Masakit. Tsaka di mo makakalimutan yung mismong sitwasyon. Kasi corny man talaga, pero para talagang kinukurot yung puso mo, tapos ang gaan ng utak mo, para kang lutang after. Yung matik kelangan mo talagang uminom kasama tropa kasi para kang matutumba pag hindi mo nailabas yung sama ng loob mo. Yung kelangan mo talaga umiyak (Putangina lahat tayo umiyak a!! Walang sinungaling dito, lahat tayo dumaan jan mga unggoy), sabay shot ng empi. 

Hindi din lang kasi yung tao yung mamimiss mo e. Hindi lang yung pisikal na aspeto. Yung pakiramdam na anjan siya para sayo. Yung sense of ownership ba. Yung tipong alam mong Siya ay sayo, tapos ikaw ay sa kanya. Tapos yung mamimiss mo yung usapan niyong wlang kakwenta kwenta pero kumportable ka parin basta alam mong magkausap kayo, solb na. Mamimiss mo yung lagi kang may kasama manood ng sine, o yung mga panahong hinahatid mo siya, o yung laging may nakapatong na ulo sa balikat mo pag nagbabus kayo. 

At the end of the day. Teenage love may seem childish. It probably is. Perhaps it's nothing but a phase. a short, roller-coaster-of-a-ride, phase.
It may not be considered as your one true love, but it will forever be part of your history. All you really need to care about after everything has passed are the lessons it taught you. 

Habang tinatype ko to, bilang isang 26 years old, tinatanong ko din kung gusto ko pa ba yung mga ganung kakornihan, yung every minute may
magtetext sayo para itanong lang kung ano ginagawa mo, o kung anong ulam ko. Hindi na siguro. Parang mas maaapreciate ko na yung "Bayad na yung kuryente, ikaw na bahala sa gas." tipo ng text

Pero kung namimiss ko ba yung feeling na magkaholding hands kayo sa ilalim ng ilaw ng poste ng meralco ng disoras ng gabi... siguro. Hindi pa naman siguro huli ang lahat para maranasan ko ulit un... baka lang talaga mahamugan yung bumbunan ko. Manipis na e. Wag nalang pala, mapulmunya pa.