Paunawa: Pakiunawa lang ng sobra

Satire; is a genre of literature, and sometimes graphic and performing arts, in which vices, follies, abuses, and shortcomings are held up to ridicule, ideally with the intent of shaming individuals, corporations, government or society itself, into improvement.

Friday, August 23, 2019

Mama, Papa Paano ka Ginawa?

Galing akong Calgary kahapon (August 19) para magpa renew ng passport. Roadtrip lang. Mga dalawang oras at kalahati siguro yung biyahe. Nakakapagod din pala yun lalo't wala ka masyadong tulog. Ayun, kinabukasan tinirankaso ako ng sobra sobra. Siguro dahil naambunan narin ako habang naglalakad lakad sa Calgary. Lintik na syudad ba naman kasi yun, kahit google maps problemado.


Bumangon akong parang hinazing yung lalamunan ko. Hindi ko alam kung bakit ang sakit sakit ng katawan ko, tas tumitibok tibok pa ung bumbunan ko. Meron pa naman akong tendency sa umaga na pag nahihilo ako, nahihimatay nalang bigla.

Biglang kong hinagilap ung susi ng auto at Apt. Daretso ako ng Asian store para bumili ng isang malaking bote ng Calamansi juice, isang banig ng Strepsils, at isang kahong NeoCitran. 

Iba na yung pakiramdam ko habang nagdadrive, bihira lang naman ako mag kasakit kaya siguro sinulit na ng pagkakataon. Daig ko pa uminom ng ginebra at nag chaser ng tanduay sa pagikot ng mundo ko.


Narealize ko nalang nagdadrive na pala ko papunta sa bahay ng mga magulang ko.

Thing is, My parents and I have not been in good terms for the past 7 months. Tipong hindi yung pabebeng away. Literal na hindi ko sila kinausap in 7 months. I was legitimately upset and incredibly hurt by how things were. It was a fight that determined where I stand in the family unit. It was like my way of saying "shit, I'm in control now".

It was the major push that I needed to finally move out and live on my own. Although I made it seem like it was the ONLY reason why I moved out, when in fact, I have been wanting to live by myself for a while now. Anyway, the fight lasted for a long time. Days pass, months.... Still no response to their apologies. 

I was unforgiving. I told myself there is no way I'm backing down. I have no intentions of making the first move, to make amends, to lower my pride. NO. 

I guess it did help that I can actually live without them at that time. I can fully function independently without their assistance or advice. I was okay.

I have no idea what's going through their minds. I shut down all emotions I can feel towards them. I didn't even bother reading the countless texts I received from them asking for my forgiveness. I was completely certain where I stood during this time.
I will not forgive nor forget.


I buried myself with work and focused my free time with making my apartment a better living space. I find comfort and joy from my friends while fighting every single urge to make peace with my parents.

Sana away bata lang talaga, o yung away na alam mong talaga namang kasalanan mo at naiintindihan mo kung bakit masama ang loob nila sayo. Sana ganon yung away namin e. E hindi.

Narealize ko lang din, habang hindi kami magkasundo ng mga magulang ko, naisip ko yung mga panahong humihingi ng advice yung mga kaibigan ko sakin tungkol sa mga magulang nila. 

Nakakatawa kasi madalas sa madalas, I know for sure na ipaiintindi ko sa kaibigan ko na mali sila, at tama ang magulang nila. Kasi halos lagi naman talaga silang tama e. Halos.

I still remember a friend of mine in high-school who was asked if she has the chance to change her parents, would she take it? and She didn't even flinch, She said yes. proudly.

I was so disappointed and utterly disgusted really, because back then, I didn't know shit. I judged her decision without trying to understand why she said it. 

There was also a time when I had a very sensitive conversation with a very close friend of mine about her parents and their constant marital difficulties.

Funny how these are the topics that we talk about during lunch at this age. We can really feel how time changed us, and made us think more about the better things in life. 

Parang pag dumating ka sa edad na 25 pataas, parang obligado ka nang mag mature...sa isip at sa gawa. Malalaman mo talaga kung mature ka na kung ang mga problema mo ay hindi lang naka sentro sa sarili mo. Tipong sa edad 25 pataas, problema mo yung bigger picture. Siguro kapag yung issues mo laging sagana sa "Ko, Ako, at Akin" Kaysa sa, "Siya, Sila, at Samin" parang wake up call na siguro yun na baka naman kelangan mong huminto at mag tanong tanong kung hanggang kelan ka magiging makasarile. 

Anyway, my friend's parents are constantly bickering and trying to make each other's daily lives miserable. What makes it harder for my friend is that they are very vocal and indiscreet about their fighting. If you haven't experienced or seen your parents fight in front of you, you are one lucky bastard. 

It has taken a very very heavy toll on my friend especially when coming home to them after a week of tedious work, is supposedly the only peace she can get. 

At one point, our conversation became very familiar. Something very common. A cliche. I realized that this issue has always been the case ever since the whole marriage thing existed. And my friend for sure is not the only child who is carrying this burden.

"Bakit parang walang karapatan magalit yung mga anak sa mga magulang nila?" 

"Bakit parang lagi kang obligadong mahalin yung mga magulang mo kahit gaano ka nila nasaktan?" 

"Tipong, kahit yung mga magulang mo ang may kasalanan, ikaw parin ang unang dapat humingi ng tawad."

"Bakit kahit gaano kasama ang trato ng mga magulang sa mga anak nila, inaasahan parin ng lipunan na wala ka dapat maramdamang galit sa magulang mo?"

Ang weird.

An daming tanong no. Wala naman kasing gustong sumagot e. Matik na kasi na dapat respeto, pagsunod, at paghanga lang ang mga salitang  
pinupugay sa mga dakilang ama't ina. 

Naalala ko pa yung mga storya ng mga matatanda, kung san laging may kabit yung mga lalaking matatanda. Kumbaga noong araw, para siyang requirement. 

Society: Uy, Buhay ka na nung panahon ng Hapon, eto si Lydia, asawahin mo din. You deserve it! 

Matandang Lolo: Hindi ba magagalit yung mga anak ko pag ginawa ko to?

Society: Unggoy ka ba, karapatan mo mangabit. Lalaki ka e. Hindi sapat ang asawa mo ngayon, kelangan buntisin mo din si Erma.

Matandang Lolo: Sabagay, mga anak ko lang naman sila. Wala silang karapatang magalit sakin. Ako ang dahilan kung bakit sila nasa mundong to. Mga ingrata.

Society: Yey! 

Noong nag lilitanya na yung kaibigan ko sa mga katanungan niya, nakita kong naka tatlong baso na pala kami ng beer nang ala una ng hapon. Natatawa nalang ako sa isip ko kasi fuck, atlis meron din palang nagiisip at nagtatanong ng mga tanong ko. Normal din palang makaramdam ng hinanakit sa magulang.

Ngayon, abala akong nagluluto para imbitahan sila sa Apt. Siguro pasasalamat ko narin kasi nung inatake ako ng trankaso sila din naman yung naabala at naistorbo. Haha bigla nalang akong dumausdos sa kwarto ko't bitbit bitbit yung mga prutas na apaw na apaw sa vitamin C. 

Kumbaga napakadaya. Biruin mo, hindi ko sila kinausap ng matino for 7 months. Tapos makaramdam lang ako ng sore throat daig ko pa yung umarkila ng private room sa St. Lukes sa pag-aalaga nila.


Hays, sarap din yung wala ka ng dinadalang sama ng loob. Totoo din naman yung pag ikaw ang hindi nagpatawad, ikaw din ang mahihirapan. Kumbaga lahat ng mga lintik na "Words of wisdom" tama e. Klasik yung, "Kayang tiisin ng anak ang ina pero di matitiis ng ina ang anak". Bwisit lang. Di naman mag ka rhyme.

Tapos din yung dinner. Tapos na din yung pagfree-load ng Pride sa balikat ko. Hindi ko alam kung gusto parin ipagpalit ni tropa ung mga magulang niya. O kung nagkaayos na yung mga magulang ni isa pang tropa... Di ko rin sure kung sa panahon ngayon tanggap parin ng lipunan ang broken family sanhi ng pangangabit.

Ang for sure lang e, wala talagang perpektong magulang. Walang may karapatang magsabi na lahat ng magulang ay kapakanan lang ng mga anak nila ang mahalaga. Sa parehong paraang hindi ko din masasabing lahat ng magulang ay tama. Dumaan din sila sa pag ka bobo dala ng murang kaisipan, hindi rin naman sigurado kung natuto sila nung 25 na sila.

Kung ipagpipilitan mong walang magulang ang kayang makasakit ng anak... Hindi ka ba mahihiya sa harap ng isang batang iniwan, inalipusta o pinabayaan ng mga magulang?

Kung ilalagay natin sa pedestal ang LAHAT ng mga magulang...baka sa kabilang banda, mayroong mga anak na hindi makaintindi sa pananaw mo.