Paunawa: Pakiunawa lang ng sobra

Satire; is a genre of literature, and sometimes graphic and performing arts, in which vices, follies, abuses, and shortcomings are held up to ridicule, ideally with the intent of shaming individuals, corporations, government or society itself, into improvement.

Friday, September 11, 2020

Layp Begins at Trenta!

It's been a long while since I've visited the blog and it's been a while since I felt the need to write something about.

I once said that the only reason why I decided to write is due to homesickness, and it's been 5 years since August 15 2015 and believe me when I say that I'm over it. Im here, not there, shit happened, Shit got done, everything's fine.

So at this point in my life, I don't think I have any "complaints" or "issues" that I struggle with, unlike a few years back when the smallest things seemed like the end of the world.

Now it's more chill. More tolerable. Tolerable in a sense that I know things will get better eventually.. gradually. I don't get stressed too much on the details, trust the process ba. Intay intay lang.

Ultimately, my biggest concern back in the day is of course, Money. I mean I ain't saying It's no longer a concern, but the worse got better. It just took time. Also, knowing that there are people who are suffering worse than I do, does make me feel a little bit better, and a little bit of a  jerk to be honest.


5 YEARS! My moving to Canada really gave me a "re-start". 'Coz I never really remember important dates at all, but for some reason, August 15, 2015, the date we landed in Vancouver, got stuck in my brain.

Sa kakanood siguro ng mga TV series, parang napag hati-hati ko yung mga events sa buhay ko. Kumbaga may seasons.

Season 1 - Ang bata sa Camalig
Season 2 - La Salle Adventures
Season 3 - The Gradute
Season 4 - Landed Immigrant
Season 5 - Trenta!

Pero sa susunod na kabanata ko nalang ikukwento yung bawat season. Ang hirap kasi mag blog lalo na pag asa trabaho talaga ako ngayon. Ang swerte ng kumpanya sakin talaga.

Bawat seasons, ang laki ng naiambag sakin. Parang walang itapon. Meron lang talagang mga instances na punyeta sana di nalang nangyari. Yung pag matutulog ka na, bigla mong maaalala na, "FUUUCKCK!! ginawa ko yun?!!"
Mapapatanong ka nalang ng Bakkiiiit??!!
Tas iisipin mo na sya hanggang 4am na dilat ka pa.

Pero, ganun talaga e, meron talagang mga bagay na hindi mo na mababawi. Andami ring mga bagay na sana nagawa mo. Although in my case, parang bihira lang yung mga bagay na sana nagawa ko.
Mas lamang yung, "Taena naman, bat ba naisip-isipan ko pang gawin yun!"

Sugod din kasi ako ng sugod. Gusto ko lahat nararanasan ko. Gusto ko lahat natitikman. Parang ang laking blessing na hindi masyado strict yung parents ko, o baka dahil makapal at malakas lang din loob ko dati. Ang mentality ko kasi noon, "Bata pa ko e." Tsaka, "Wala namang masyadong mawawala sakin."

Maganda narin siguro talaga na nagsimula ako ng blog tungkol sa mga experiences ko. Kasi nung binabalikan ko yung mga nakaraang posts, merong mga bagay na hindi na malinaw sa memorya ko, yung mga jokes nung gabi na yun, yung mga maliliit na detalye na ang laking bagay nung araw na yun.
Bigla nalang ako mapapangiti pag bumabalik yung mga alaala. Mas may cocorni pa ba sa mga sinasabi ko? Pero kasi totoo naman e. Alam mo yung bigla ka may maaala na joke ng tropa tapos bigla ka nalang tatawa. Gulat nalang yung katrabaho mo sa tabi. Mejo scary din.

Ngayon, sabi ko nga, panibagong season na. Season 5 na ko. Awa ng Diyos na renew! TRENTA!

Sa season nato, masusubukan kung worth lahat ng experiences ko from Season 1 to 4 para maging successful.

Lakas din makaimpluwensya talaga ng mga pangyayari sa paligid mo e. Kamamatay lang din kasi ni Lloyd Cafe Cadena ng mga araw na to. Isa sya sa mga Youtubers na sinubaybayan ko simula pa nung hindi pa talaga uso ang salitang youtuber o vlogger.

Hindi lang madaling tanggapin na sa dami ng mga magagandang bagay na nagawa nya sa mga tao sa paligid nya, sa dami ng naipundar nya para sa pamilya at sa sarili nya, bigla bigla nalang ma-cacancel yung buhay niya. Ambilis. Biglaan. Wala pala talagang retake especially kung Live.

Sa Trenta ko malalaman kung may mga susunod na seasons pa ba. Taena please naman! Pero seryoso, Kailangan ko talaga mag-ingat kasi eto na yung mga oras na pwedeng sabihin ng producer na, "Tama na, masyado na nating ini-stretch"
Sana sa season na to, wala masyadong fillers. Sana naman kadalasan may kwenta. Yung may saysay ang karamihan ng plot. Sana hindi maging parang "Ang Probinsyano" na dinarag na ng dinarag yung istorya, masabi nalang buhay at nabubuhay yung bida. Wala ng sense at realism.

Sana sa Trenta exciting parin. Sana may curiosity parin kagaya ng season 1, may tapang at dahas ng season 2, yung maturity ng season 3, at pagpupursige ng season 4.

I guess I really just wanna mark this moment as a line between, not being serious about the future and being intentionally focused on what's to come.

Basta tuloy tuloy lang. Parang commute lang talaga sa pinas.. daming stops, daming means of transpo, daming obstacle, madalas traffic, mabagal... nakakapagod.. kaya naman anong ligaya pag narating mo na yung paroroonan mo.