Paunawa: Pakiunawa lang ng sobra

Satire; is a genre of literature, and sometimes graphic and performing arts, in which vices, follies, abuses, and shortcomings are held up to ridicule, ideally with the intent of shaming individuals, corporations, government or society itself, into improvement.

Sunday, September 05, 2021

Ikalawang Buhos

Mukang tama nga yung hinala ko sa simula't sapul. Hindi ko rin naman inakala na aabutin ng mahigit sinkwenta yung maisusulat ko sa "blog" na to. Bago ko kasi sinimulan tong pagsusulat dito, alam ko na, na kagaya ng mga ibang bagay sa buhay ko, magsasawa din ako. Ambilis ko kasi magsawa talaga. Hindi ako tumatagal sa isang lugar, tao, o sa isang sitwasyon. Pag alam kong tapos na ko, tapos na. Pero kung "mag cu-cut myself some slack" naman, alam ko namang ginawa ko lang tong blog na to kasi sobrang homesick ako at sobrang bored yung utak ko during my first year in Canada. Bukod dito, andami ko ring gustong sabihin na hindi ko naman masabi sa kung sino sino lang. Sobra dami ko ding hinaing na kailangang mailabas kundi baka masiraan na ko ng ulo dito.

Siguro nga ito narin yung dahilan kung bakit mag iisang tao na na ata bago ako makapagsulat ulit. Siguro kasi wala na kong gustong sabihin, o dahil siguro wala na kong masyadong hinaing. More importantly, hindi narin kasi ako "homesick". Hindi narin bored yung utak ko sa dami ba naman ng pinagkaka abalahan ko ngayon.

I guess this is one way of telling myself that I have crossed a certain phase, or that I have grown somehow. Or maybe it is as simple as not having enough time to write. Yes. Most likely. Kakulangan lang din sa oras.

Looking back at my previous posts, especially the older ones, reading through them... grabe sobrang cringy. Napakacorny tapos andming wrong gramming talaga, sama mo pa yung spelling. Pero sabagay expected ko narin naman yun.

Pero meron din namang ilan ilang statements sa mga naisulat ko na.. fucck..naisip ko talaga to? Minsan, aww talaga bang nasabi ko to? 

"Talaga bang nasabi ko to?" 

Tsk, eto talaga yung problema pag shinare ko yung "utak" ko sa public e. 
Bihira lang kasi yung mga taong nakakaunawa, o yung nakaka intindi kung alin yung totoong personalidad mo vs sa mga bagay na.. naikwento mo lang naman. 

Kung babalikan ko man ulit tong post na to after 2-3 years, ipaalam ko lang na may COVID parin... at oo nga pala, pang 7 month na kong kasal.

Oo, kasal. 

Lumagay sa tahimik. Kinasal.

Pano nga ba ikasal ang taong first paragraph palang umamin nang sobrang daling mag sawa. Na hindi tumatagal sa isang lugar, tao o sitwasyon. 

Ewan.

Baka kung Phase 2 man to ng pagiging tao ko sa mundong to, baka kelangan ko din mag bago bago. Kagaya ng mga pananaw ko sa mga luma kong posts, baka kelangan ko rin mag adjust para maging pang matagalan yung pag lagay ko sa tahimik. 

Nagkamali ako. Andami ko pa palang kelngan sabihin at mga hinaing na willing ishare. Nakakabadtrip lang siguro na kelangan ko na isa alang alang yung mararamdaman ng asawa ko kung may maisusulat man akong mejo kontrabersyal.

PHASE 2...

Bob Ong, bossing, hindi pa pala ako tapos tumae.