Paunawa: Pakiunawa lang ng sobra

Satire; is a genre of literature, and sometimes graphic and performing arts, in which vices, follies, abuses, and shortcomings are held up to ridicule, ideally with the intent of shaming individuals, corporations, government or society itself, into improvement.

Tuesday, July 02, 2019

Ipahid mo. Pahiran Mo. Hanggang Mamanhid.

Ayun na.. Byahe na pauwe ng bahay. Siguro sa tatlong oras na byahe namin, siguro mga 859 na mura na yung naimbento ko sa utak ko sa katakot takot na trapik na sumalubong sakin. Para narin sa mga sasakyang hindi gumagamit ng signal light. Ilang beses atang pumasok yung kuyukot ko sa sikmura ko everytime na may mag ca-cut samin, o may pedestrian na bigla nalang tatawid sa kalsada.

Alam mo yung dasal ko na sana sa first day ng bakasyon ko makauwe man lang ako ng buhay. Ayon na agad yung iniisip ko. First day...ng Bakasyon. Makauwe lang ng buhay.

Mukha lang ang bitter bitter ko, pero hanggang dun lang naman yun.. after nung first day, umokey naman lahat. Although nung umaga ng second day ko, Dahil sa sarap ng tulog ko sa dati kong kama, sobrang sarap din ng gising ko. Yung ligaya ko di matatawaran, nasa PINAS NA ulit ako! biglang punyeta dumulas ung unang tapak ko sa hagdan. Nagtuloy tuloy yung paghulog ko. Damang dama ko bawat galabog ng pwet ko sa bawat baitang ng hagdan.Tugudugtugudugtugudug. Nagslow motion lahat ng nasa paligid ko. Nagtuloy tuloy yung hapis at pighati ko hanggang naramdaman ko nalang na nasa sahig na pala ko sa sala. Daig ko pa ung nahazing. Dahan dahan akong tumayo para icheck kung may kaluluwa pa yung katawang tao ko. Sabay higa sa sofa. Tapos di ko namamalayan nawalan na pala ko ng malay.

Pag gising ko, jusku ang sakit ng gulugod ko. Tipong unbearable pain. Saklap pa na ako lang mag isa sa bahay. Gustohin ko mang mag dial ng 911 wala namang 911 satin. Punyetang buhay to, Tawag ako ng tricycle agad para magpadala sa ospital. Kumbaga ang nasa isip ko lang, Lord bat ganito, talaga bang mag babakasyon akong nasa wheelchair?
Talaga bang eto yung simula ng bakasyon ko.
Ang saya. Bale dun umikot ung 2nd day ko from vacation.


Awa ng Diyos, pag dating ko sa ospital, pinauna agad ako nung receptionist. Tapos ayun, niresetahan ako ng gamot, at mag pa X-ray daw ako. Ayun nga, bali yung gulugod ko. Ikaw ba naman mahulog sa hagdan ng alas sais ng umaga ewan ko nalang. Ayun na nga, dang mahal ng gamot! Binigyan ako ng gamot na iniinum, tsaka ointment na pinapahid, lahat ng pampamanhid at pagtanggal ng pamamaga. 




But despite of having a shit ton of bad luck on my first 2 days in the Philippines ...I was still optimistic. I was so sure I'd enjoy it in the long run. And I did.
I got to see my closest friends. I went to some of the best beaches in the country with them. I get to eat the things that aren't readily available in Canada.


Although this was my second vacation back in the country, There were a lot of things that I've experienced for the first time. Most of them are way too private and extremely unpleasant to share with but nonetheless, very thrilling. 



I may not be as excited as I was compared to my first homecoming, that still didn't take away the fact that I needed the 30 day off. I still enjoyed everyday where I get to wake up at 9 am and walk around the neighborhood with just a pair of shorts and a torn white shirt. I stopped by every buko juice stand or sari sari store in sight, sabay pahid ng ointment sa gulugod, and buy any fucking thing I want. 
I enjoyed the part where I practically lived in SM Dasma during those days and when I get bored I just take a bus going to Makati and stay there until the next day comes.


Yes MAKATI. Yess BGC. YES NEWPORT!! I was never a party goer, I haven't actually been in a legit night club. I never liked those places. I'm more of a bar kind of guy. A table, a live band a bucket of beer, a pack of Marlboro's and an interesting conversation. That's it. But when all your friends are either at work or taking care of their babies... I was left with no choice but to succumb to that kind of night life. 
And it wasn't all bad... in fact it was not bad at all. 



Isang gabi. Drunk as fuck. paikot ikot lang ako sa Ayala, habang nagpapahid ng ointment sa gulugod, Naglalakad. Pasulyap sulyap lang sa mga building. Madaling araw na pala, lakad parin ako, paikot ikot lang sa  museum, sa triangle, RCBC, PB COM, Glorietta, sabay asa triangle na pala ulit ako. Lasing lang. Ewan ko ba kung ba't ko ginagawa to.

There is always something to do each day.There's always somewhere to go to every day.


Pero isa lang ang naglalaro sa isip ko. Para akong college ulit. I remember the exact same feeling back when I was 23 and drunk out of my mind. The exact same feeling where there's nothing but pure ecstasy. Yung natural high. Yung ang laya laya mo. Yung pakiramdam na ikaw lang ang inaalala mo at wala ng iba.


It was an experience.. It was an experience I'd wanna do over and over again next year. It was college all over again.


I guess I realized now that a vacation doesn't necessarily mean that you need to have fun all the time. In retrospect, when I was with my friends, we talked about things that are really important to us . Things that actually matter. We had our fun don't get me wrong, I still laughed hard at their jokes and shit and I can't wait to see them again next year. But I appreciated our conversations more than ever.


 
Eto yung bakasyon na may sense I guess. Kasi parang eto na yung sagot sa problema ko tungkol sa pagiinarte ko sa "Dito o Dyan". Lalo na siguro nung gumastos ako ng 5k para lang gumaling ung pwet ko.
Eto na yung bakasyon na nagduldulan sakin na maswerte na ko sa ngyari sakin at tangina ko, wala akong dapat ireklamo sa stado ko. At habang buhay kong utang na loob sa mga magulang ko kung asan na ko ngayon. Wag akong madaming demands. 
Habang sinusulat ko to, natatawa nalang ako kasi natatandaan ko pa tong post na to. Haha. Baka 2018 na pala ang kalinawan sa pagkalabo labo kong kagaguhan.



Hindi naman ibig sabhin neto na nabawasan na yung pagmamahal ko sa Pinas. Parang sa pagkakaibigan din siguro yan. Pag asa Canada na ko, bihira na kami magusap usap. Pero di naman nangangahulugan na hindi ko na sila mahal lahat. Ganon lang talaga ang buhay. Kelangan mag adapt.



Parang mga first two weeks ko sa Pinas, ang bait bait ko pa. Tipong "Good Morning po" "Kamusta po kayo?" Ako pa si totoy bukas ng pinto, si boy ngiti sa lahat ng madadaanan. Si tango ng tango sa lahat ng makasalubong. Pero nung hindi pinapansin ni ate yung bayad ko sa jeep, habang ngalay na ngalay nako kakaabot, magbabago din pala yung ugali mo. Ugaling skwater mode ulit. Masaya din. Masarap din talaga maramdaman na sa dinami dami ng pagbabago sa buhay ko, isang babaeng hindi marunong makisuyo lang pala ang pagpapa realize sayo na skwater parin palo ako. Ang saya. Ang sarap na nalalakaran mo ng sabay yung dalawang magkaibang kalsadang iisa lang naman ang patutunghan.



Ewan ko ba, habang pinapahid ang ointment sa gulugod. Two years... two years pala bago ko marealize na okay na pala ko sa Canada. 



Happy Canada Day 2019!
Although I don't think I'll ever get to laugh as much as I do in the Philippines, or enjoy every single day like I did during my vacation. I will have to choose Canada for now. It might not be the life I hoped for, but it is the life I deserve. I'm not sure if I can afford to go on vacation this 2019... I might have to pass on this year. Kinailangan pa palang maalog ung pwet ko ng 14 times para marealize na okay naman pala ako. Sana pala narealize ko nalang ng mas maaga. Pahid pa ng ointment. Para mamanhid.

No comments: