Paunawa: Pakiunawa lang ng sobra

Satire; is a genre of literature, and sometimes graphic and performing arts, in which vices, follies, abuses, and shortcomings are held up to ridicule, ideally with the intent of shaming individuals, corporations, government or society itself, into improvement.

Tuesday, October 22, 2019

Ang Ika-pitong Resume

Alam mo yung sa movies kapag gusto nila ipahiwatig na malungkot yung sitwasyon, yung color scheme nagiging dim... yung tipong laging may palapit na bagyo. Mejo black and white. Parang may filter na grayscale lang yung theme. Lahat parang gloomy, laging parang malungkot.

August 15, 2019 nung mag resign ako sa trabaho. Sa wakas makakapag pahinga din ako, sa wakas nagkaroon din ng isang linggong para sakin lang. Isang linggong walang responsibilidad at walang pinapatakbong business. Paglapag na paglapag namin sa Canada ng pamilya ko, isang buwan lang ang ginugol namin sa pamamasyal. Sumabak na agad kami ng kapatid ko sa trabaho sa pangalawang buwan. Simula nun tuloy tuloy na yung trabaho. Wala ng pahinga. 


Isang linggo. Isang linggo lang ang palugit ko. Pagkatapos nun for sure may trabaho na ulit ako. 

Pasa ng resume dito, pasa doon. Parefer dito, pasuyo doon. Online job search paggising, Online job search bago matulog. 

Dalawang linggo na, wala paring email o tawag... o text man lang. 


Baka daw kasi namimili ako sabi ng tropa. Oo nga naman. Malapit na magkatapusan, si Judith palapit na ng palapit. 


Nagbukas ako ng kabinet sa kusina, sinalubong ako ng mga tsaa at garapon ng Nescafe. Binuksan ko yung ref, maliban sa liwanag na kulay yelo, bumungad sakin ang nanghihingalong ketchup at inaamag na peanut butter. 


Maghahapunan na. Padilim na naman pala. Di ko na namamalayan yung pagandar ng araw. Parang wala ng pagkakaiba yung umaga sa hapon. 


Ayun na nga, sumapit ang atrenta. Kundi dahil sa pagiipon ko't pagtyatyaga, baka napalayas na ko sa apartment. kalahati na ng buwan ang lumipas wala parin akong trabaho.


Ganun pala pag wala kang ginagawa sa buhay, parang ang haba haba... haba haba haba haba haba haba haba ng araw. Parang di matapos tapos. Sinubukan kong itulog umaasang pag gising ko kinabukasan na. Kaya lang malas, 11pm palang pala. 


Hirap na hirap na ko matulog. Sa mga araw na wala pala kong ginagawang prodaktibo, nagugugol pala sa pagkain ng marami't pag inom ng alak. Laking epekto pala ng pagkain ng kalahating kaldero ng kanin yung hindi ko paghinga habang natutulog. Wala ng trabaho, pataba pa ng pataba. Badtrip narin ako tumingin sa salamin. Puta papangit na ko ng papangit.


Gabi gabi takot na takot akong matulog kasi laging masama yung panaginip ko. Hindi ko maintindihan. Lagi akong nagigising every 3 hours. Napansin ko na yung iregularidad ng pagtulog ko kasi paulit ulit na siyang nangyayari sa gabi. Laging masamang panaginip sabay gising at hinga ng malalim, inom ng tubig. 


Mangangalahati na yung September, tambay parin ako. Magiisang buwan ng wala akong matinong tulog. Kumbaga ayaw ng katawan kong matulog kasi bakit nga naman? Hindi naman ako pagod sa trabaho. Yung utak ko laging gising. Pinipilit na magpuyat para daretso tulog. Baka sakaling makaisa at walang bangungot sa pagtulog ko. 


Nakakapagod pala talaga maging tambay. Jusku kala ko joke lang nina Jose yun sa Eat Bulaga. Pero totoo pala. Napakahirap mag bilang ng oras. 


Unti unti na kong nawawalan ng pagasang makahanap ng trabaho. Lahat na pinasahan ko ng resume. Kahit labag na sa kalooban ko at kahit wala nang kinalaman sa kursong kinuha ko. 


Pinaka masakit sa naging sitwasyon ko, kahit kasama ko yung mga kaibigan at pamilya ko, parang nagiisa parin ako. Kahit sa gitna ng inuman, pakiramdam ko nagiisa ako. May ganong feeling. Parang di ka makuntento. Tawa ka ng tawa sa mga session pero kinabukasan balik ka na naman sa realidad na hindi ka umuurong.


I never wanted to sound over dramatic. I was never a fan of self destruction or the feeling of being too helpless. There is always a way to enjoy the day or to smile from time to time. But this time is different.


I was at my lowest point. I am not certain if it is mainly caused by my unemployment, or the fact that I live by myself in an apartment. Regardless of the answer, I know for sure that I feel so alone. Even when around my friends, partying, I felt so lonely.

No amount of drugs, sex or alcohol can relieve the emptiness I was feeling at that time. It came to a point where I just didn't feel like having any of them anymore. I just want everything to be over.


I thought time for myself was necessary. I figured I can use this time to socialize and do things I've always wanted to do now that I don't have to worry about work stuff. There were so much time in my hands to "do life", and yet I feel so down that I don't even know where to begin. 

I don't want to go telling everyone that I am depressed. I surely don't think I am under the category. But crazy how ending my life became an option all of a sudden. Something I will never do or even had the guts to pursue. Crazy, but it was just there, floating around the apartment, reminding me that it could all end when I want to.


I am actually not entirely sure if I was indeed depressed, whatever my condition was, all I know is that everything seemed darker, and that I had difficulties in breathing. My nose were always stuffed and breathing through my mouth is harder than I hoped. I also can't find any silver linings in anything, which I always do when I was in a normal state. I can't find anything good in my situation.


Uulitin ko, hindi ako ganto, sobrang nababanas ako sa mga taong masyadong madaming drama sa buhay. Yun tipong "Ano bang problema mo? Masyado kang nagiinarte. Ayos ayos ng buhay mo e." Bilang ako yung nagsisilbing "Listener, or Adviser" sa grupo, kadalasan ako yung positibo parati. Tipong laging "There's a light at the end of the tunnel" o si "Lilipas din yan"

Malapit na mag tapos ang September... isang buwan at kalahati na kong asa ganitong sitwasyon. Si Judith nagpaparamdam na naman. Tapos na ko. Sukong suko na ko. Sa tuwing naiisip ko na kinakaltasan ng kinakaltasan yung account ko, at alam kong walang babalik sa akinse o atrenta, sobrang hirap kumilos. 

Hanggang napikon narin siguro ako. Napikon narin ang mga kaibigan ko sa sitwasyon. Tama na. Tama na yung isang buwan at kalahati. Para akong inahon sa kumunoy. Iba din talaga ang epekto ng kaibigang may totoong pakialam sayo. Pitong resume. Pitong resume at nanghihingalong gas tank. Walang mangyayari kung di ka kikilos at gagawa ng paraan. 

Baba sa kotse, pasa, sakay, drive, baba, pasa, sakay ulit. Aasa muli na baka sakali sa pitong resume na yun ang swerteng isang buwan at kalahati kong inaantay. 


Trabaho. Sa wakas. Corny man pero biglang lumiwanag lahat. Hindi ko man first choice yung tumawag sakin, sapat na yun para mabuhayan ulit ako ng loob. Biglang nag iba lahat. Biglang bumilis yung panahon. Nakakainis man sabihin pero parang ako na ang naghahabol sa oras. 


Maybe I wasn't really depressed. I might just have been restless. I wasn't used to being a burden. I have never felt so unproductive in my life. I guess I felt for the first time that I don't have any control of the situation. I was relying my future to an HR representative.

The first week of October gave me so much hope. I have been getting job offers left and right. If I can erase the whole month of September in my mind, I would. I can't even count how many times I have played "Wake me up when Sept. ends" in my head. As much as I adore Greenday, nobody deserves to be in that state. Subconsciously I know it was just a phase, but it only dawned on me that I actually have to do something different to pull myself together. And that one different thing was finally asking for help.

Without my friends I wouldn't have tried to get back on my feet every single day. To wake up early just to fall in line in that chilling Edmonton morning breeze, just to grab a couple of Chicken Joys and Yumburgers, those were the highlights of my September. I guess there is in fact a bright white light at the end of the tunnel... and a big fat joyous red bumble bee.


No comments: