This occurrence usually happens between the ages of 26 to 30. At this time, people tend to overthink about a lot of things that are happening in their lives, or worse, the things that are NOT happening that they wish they were. It is some sort of a "midlife crisis" but more like a build up of anxiety caused by the extreme pressure of the people around them and from the demands of society. I have already touched this subject more than once in some of my posts but I wanted to bring it up again under a different light.
Iba talaga nagagawa ng Redhorse at ng isang paketeng yosi sa usapan tuwing madaling araw. Parang biglang nagiiba yung hangin sa tuwing magsisindi ka ng isa at hihingang malalim. Kasabay ng pagbuga mo ng usok na hindi kailangan ng yong katawan ang pag buhos ng emosyon na nanggagaling sa limot na bahagi ng iyong isipan. Magugulat ka nalang na yung mga dumudulas na convo sa isip mo ay madulas na ding lumalabas sa dila mo.
Sabi niya, pagkatapos tunggain yung shot...
"Bakit yung ibang tao, parang nakalatag yung stars nila. Bakit parang lahat ng mga dapat mangyari, nangyayari sa kanila."
Habang unti unting nagpipigil ng luha at dahan dahang humihithit. "Tipong nakalatag na sa kanila yung mga dapat nilang gawin. Nagaral, grumadweyt, nagtrabaho, nagkashota, nagpakasal, nagkaanak, nagkapamilya..."
Habang nakikinig sa mga katotohanang naririnig ko, unti unti ko ding sinasalin ang gintong alak sa baso. Naglalaro sa isip ko kung ilang beses ko na narinig tong mga eksaktong salitang to.
"Bakit ako parang kalat kalat. Parang hindi sumusulong, sali saliwa, andaming stop overs."
Dito na bumuhos yung luha niya na may kasamang maliliit na tawa. Natawa nadin ako. Bumubwelo at nagtatagpi tagpi ng mga salitang kailangan marinig sa malamig na gabing yun.
"Kung pagiisipan mo, meron ka ba talagang gustong tanggalin sa mga nangyari sa buhay mo. Nagkataon lang siguro na pinili ng ibang taong laruin yung buhay nila ng easy mode. Kung daretso man yung mga stars na nakatadhana sakanila, iyon ay dahil pinili nilang sundan ng tuwid yung tinatahak nila. Pinili nilang sumunod sa nakaayon at dinidikta ng kapalaran nila. Iba ka e. Ginusto mong laruin ang buhay ng difficult mode. Nung mga panahong dapat nagaaral ka, pinili mong mag session kasama ang mga kaibigan mo. Hindi ko sinasabing mali yun, dahil may kanya kanya tayong rason kung bat natin ginagawa ang mga ginagawa natin, pero that time, would you have it any other way? Baka kung hindi ka sumama sa inuman, baka hindi mo nakilala ang mga totoo mong kaibigan ngayon na nasa tabi mo sa oras na hirap na hirap ka. Gugustuhin mo ba ang buhay na wala sila? Baka naman talagang tuwid talaga lahat ng stars natin, nagkataon lang na may mga tao talagang hindi madidiktahan. Mga taong nabiyayaan ng sariling pananaw sa buhay. Yung mga taong maswerte at nabigyan ng kalayaang mamili ng daang tatahakin."
Hindi man eto ang eksaktong mga sinabi ko nung mga panahong un, ganun narin un. Wag ka nang ano.
Natapos ang umaga ng maalwa at maluwag sa paghinga. Habang naglalakad ako pauwe, dun ko lang natandaan na nung nakaraang taon, nakausap ko din ang isa ko pang kaibigan tungkol sa usapang ito. Napangiti nalang ako habang iniisip na "Hindi lang pala ako".
Maybe it's the idea of having too many people around you marrying and starting a family life. Maybe it's the fact that when you open your Facebook account all you see are baby pictures and party invites. Or maybe it's the way people just stopped being considerate about your feelings in general. Maybe they figured, just because they follow a certain path, you should too, and they feel obligated to vex you until you lose your self esteem and belief that you still has a value in the society, even without the O' Holy blessings of the sacred sacrament of Matrimony, or the gift of an offspring who's entire set of values rely on a British Pig, or a canine cop.
Kung bakit ang hirap umiwas sa dinidikta ng lipunan hindi ko maintindihan. Bakit kaya parang ang hirap hirap umasa na may kakayahang umunawa ang mga tao sa paligid mo.
Sa bandang huli, ang pinaka importante naman talaga e yung tunay na kaligayahang nararamdaman mo. Yung sayo lang. Yung hindi mo pinipilit maging masaya para lang mapasaya sila.
Kung totoo man ang sinasabi nila na ang purpose ng bawat tao ay maging masaya, hinding hindi mo makukuha yun kung isa isa mong iintindhin ang boka ng mga tsismosang kapitbahay. Paligiran mo ang sarili mo ng mga taong marunong umunawa at may totoong pakialam sa ikakagagaang ng buhay mo. Yung mga taong hindi na mag tatanong kung bakit hindi ka pa nabubuntis. Yung mga taong hahawakan nalang yung kamay mo at sasabayan kang magaantay.
No comments:
Post a Comment