"Hindi talaga kami magkasundo ng anak kong yun. Napakatigas ng ulo." Sabay shot ng iniinum naming empi lights sa birthdayan ng tropa. "Naiintindihan ko naman na hilig niya yun, pero wala siyang mapapala kapag sinununod niya yung gusto niya" Dagdag ni Manong sabay subo ng singkamas pantagal pait ng alak.
"Ganun po ba, kanya kanya lang po sigurong trip yun no?, kasi baka ayaw niya naman po talagang mag nurse." Sabay abot ng tagay sa isa pa naming ka shot. "Hindi rin kasi, ako ang nagbabayad ng tuition niya. Hindi naman sa pag aano, pero dapat ako masusunod." Ramdam ko kay manong yung hinanakit sa mukha niya, o baka dahil nakailan narin kaming bote o baka sadayang crumpled lang yung mukha niya.
"Ganun po ba, marami naman po din namang pwedeng maging trabaho ung anak nyo pag graduate. Kasi lalo pa't in-demand din un sa ibang ba..." "Mas in demand ang Nursing sa ibang bansa, tiyaka pag naka graduate ka ng Nursing, alam ng mga taong matalino ka. Maipagmamalaki mo talaga.
Kasi tingnan mo, Bri, Ang engineering my board, lawyer, teacher... lahat ng may board o bar, magagandang course yan. Siya lang sa mga anak ko ang kumuha ng course ng walang board." Sabat ni Manong.
Sa mga oras na yun, lahat ng mga kainuman namin ay nakikinig na sa kanya. Busy naman ako sa pag lagay ng alak sa shot glass at pag refill ng "chaser". "Siguro po tingnan nalang natin yung mangyayari, importante naman po siguro na makagraduate. Pero ganun po talaga e" Habang pinipilit na tumawa ng kaunti at nangungusap sa iba na mag bukas ng ibang topic. Kabadong kabado na ko ng mga oras na yun at pakiramdam ko palapit na ng palapit yung tanong na mag papabaligtad ng sikmura ko.
At yun na nga, hindi nagpatalo si manong at hindi na nagpatumpik tumpik na tinapos ang foreplay namin. "Ewan ko ba sa anak kong yun, matalino naman, ewan ko ba kung ba't nag HRM yun. Ikaw ba Bri, ano bang course mo?" Sabay lagok ng isang punong shot glass ng empi. "HRM po" Tiningnan ko nalang sa mata si Manong habang inaantay yung reaksyon niya, kasi hindi ko rin alam kung paano ko iaahon sa hukay yung sitwasyon. Hindi ko matandaan masyado yung mga sumunod na ngyari, dala narin siguro ng kalasingan, o baka dahil parang dun narin ata natapos yung convo. Lasing na si manong, me tama narin ako.
Mahilig ako mag tanong. Lagi akong may opinyon o ako yung tipong mag bubukas ng topic tapos pag dedebatihan ng tao, sabay makikinig lang ako sa mga perspektibo ng iba't iba tao. Mahilig akong makinig, pero hindi ako mahilig magsalita. Kaya nung mga oras na yung kausap si manong, wala akong ginawa kundi makinig at pinigilang kontrahin yung pananaw niya. Dahil alam ko narin naman na pag umabot na sa ganoong edad ang isang tao, sarado na utak niyan. Based on experience narin siguro sa kakasalamuha sa mga ganoong klaseng tao kagaya ni Manong. Sila yung mga taong hindi papatalo, yung laging may sinasabi basta may nasabi, at hindi hindi magpapalamang.Pag dumating ka na kasi sa ganoong edad, at phase ng buhay mo, iniisip mo na alam mo na ang lahat ng dapat mong malaman. Tumatandang paurong. Sarado na ang isip. Dagdagan mo pa ng lason na nilulunok mo bawat ikot ng tagay, nawawalan ka na ng sense of control.
Hindi ko narin pinatulan sa kadahilanang, magaang ang loob sakin ni Manong, may respeto kami sa isa't isa, at dahil may respeto kami sa kaibigan ko na nagcecelebrate lang naman ng Birthday. Hindi ko din naman maitatanggi na sobrang awkward ng sitwasyon after kong sabihing pareho kami ng course ng anak na kinadidismayahan niya.
Ayoko narin patulan kasi, naniniwala ako na ang exposure niya sa term na HRM ay mga puro bobo lang ang kumukuha nun. Kasi may stigma naman talaga tyaka... haha.. basta. Isa pa, importante sa kanya na may BOARD o BAR exams yung isang course. Naiintindihan ko kung san siya nanggagaling, at nirerespeto ko yun.
Merong mga bagay na sadyang hindi mo na maitutuwid, o mababago. Lalo pa't naisara na ng matagal na panahon ang utak sa pagunawa ng mga bagong ideya.
Hindi na ako nakipagaway sa kadahilanang hindi naman ako naapektuhan. Kung tutuusin, mas naawa talaga ako dun sa anak niya. Habang nagkukwento si Manong, hindi ko mapigilan yung sarili kong tumingin mula ulo hanggang paa ni kuya. Kinikilatis ko kung
"worth-it" ba na magaklas ako at kontrahin siya point by point. Pero hindi e, kita mo naman kasi sa tao kung anong posisyon nya sa lipunan, at kung hanggang saan lang ang kahahantungan niya. Sa parehong paraang hindi binibigyan ng importansya ng elepante ang isang langgam.
I really felt sorry for the kid. I just hope that he has the same kind of mentality as I do when dealing with these kinds of situations, the "I hear you...but watch this" attitude. Thing is, If he tries to let his dad's insecurity get in the way of what he truly wants, it will only benefit his dad in the long run. One of the worst things that could happen to you when you're older is to live somebody else's dream. It's not the end of the world don't get me wrong, If he decides to follow his dad and become a nurse, he might be living a decent life, he might be very successful by now. But, I dunno if it's just me, but I'd rather be happy and content at the end of the day.
Thing is, my story right there is no different from the stories most people have. This has been the case for several parent-child relationships. It's not necessarily only about which course to take, but also for each future decisions a child will make.
The worst part of it all is when a child does something he hates, just to get his parent's approval.
I do not hate the person seeking validation, I also do not hate the person who he seeks validation from.
What I do hate is the effect it has on a person, once that validation is NOT given.
That person becomes insanely obnoxious towards every one he gets in touch with. You know that one kid in your class who keeps on bragging about the things he has, or has done? You know that one kid who doesn't shut up about his accomplishments and how great he is in something? That kid who will fucking degrade the shit out of you because you didn't really care about anything he has to say? Yes. That's a kid who didn't get any validation from his parents. That's a kid whose parents didn't really give a shit about his first stick-figure drawing.
Notice how I keep on referring him as a kid? Because I believe that once you become an adult, that kind of attitude should be left in grade school. You should try to be more sensitive about what you have to brag about.
These people are everywhere. In school, your workplace, at home, in Church, on Twitter, Facebook, everywhere. Nobody can erase them from the world but we can try to humiliate them as much as possible. :D
So again, Why is it so important for someone to get validated by anyone who they think is above them.
Whether its our parents, our friends, our relatives, or the society, why do we crave for their approval.
But then again, is it really that bad to seek validation from someone else, or is it just merely human nature. Of course it is a nice feeling when someone you look up to admires what you do. Of course it gives you comfort when they say they support you all the way. I think the only time it gets unappealing is the moment you compromise everything you believe in just to receive that validation; when you do what you do for the satisfaction of someone else's.
It might sound completely obvious, but we never really ask ourselves, if we are only living the life we're living because of someone else's influence. Have we ever evaluated a decision and figured if that decision is 80% beneficial to a certain individual?
Nakalimutan ko na talaga kung ano pinaglalaban ko dito, hindi ko rin alam kung bat parang galit na galit ako haha. Pero siguro kasi gusto ko lang ma-i-document yung inuman namin ni manong nung mga panahong yun. Hindi ko siya kilala, hindi nya ko kilala, pero yung kahihiyan na pareho naming naramdaman sa paguusap na yun, hinding hindi ko makakalimutan.
Hindi ako nakipagdebate, hindi ako kelan man kumontra, dun ko lang din napatunayan kung gano katatag yung tiwala ko sa sarili kong kakayahan na hindi ko kelangan patulan yung pagmamaliit niya sa larangang kinuha ko. Sa bandang huli, hindi niya naman buhay to, at hindi narin naman kami magkikita, at wala naman talaga siyang lubos na kaalaman sa mga pinagsasabi niya.
Sa bandang huli ulit , Yun nalang din naman yun. Basta secured ka sa mga desisyon mo sa buhay at sa mga pinaggagagawa mo, wag mo nang pinagtutuunan ng pansin yung mga sabi sabi ng mga manong o manang sa tabi mo. Patapos na sila e, ikaw naglalakbay pa. Papunta ka pa lang, pabalik na sila. Madami na silang nakaing bigas, Bigas na hinain sakanila ng nakaraang panahon. Ikaw, hindi lang bigas ang pwede mong kainin. Mag quinoa ka kung malandi ka. Mamili ka. Malaya ka.
Keep An Open Mind. Stories of pure fiction loosely based on true events which were probably not true more or less.
Nagpapaliwanag Lang
Paunawa: Pakiunawa lang ng sobra
Satire; is a genre of literature, and sometimes graphic and performing arts, in which vices, follies, abuses, and shortcomings are held up to ridicule, ideally with the intent of shaming individuals, corporations, government or society itself, into improvement.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment