Hail! Hail! Alma Mater! Hail to de LA SAAAALLEE!!!
Suot-suot ko yung puting uniform na may patch ng St. Francis Academy - La Salle Greenhills supervised. OO, hinding hindi pwede mawala yung La Salle Greenhills supervised. Dapat may La Salle Greenhills supervised kahit magang-maga na yung gilid ng mga daliri namin kaka fill-out ng forms.
Tandang-tanda ko pa nung una akong pumasok dun sa school na bagong gawa lang that time. Natatandaan ko pa nung kumuha ako ng entrance exam, na for sure ay mema lang talaga. Natatandaan ko kasi takot na takot ako baka bumagsak ako, kasi ineexpect ko, dahil La Salle, baka mahirap yung mga tanong. Pero ayun. Nakapasa naman, siguro dahil kelangan din nila ung tuition ko pampagawa ng 2nd floor. Pero kung dahil sa score ko o sa pambili ng semento, hindi na importante sakin. Ang pinaka importante, makakapasok ako sa school na de-tiles yung CR at may lock yung cubicle.
Time went by, we grew closer and closer. I guess when there's only 10 of you in the class, you don't really have much choice but to mingle with everyone. I was very lucky to have 9 different individuals at the start of my highschool life. Suddenly, the class clown started making jokes, the smart leader lead, the silent one stayed quiet, the car enthusiast talked about cars, the anime kid drew ninja signs, the rebel rebelled, the talented one danced, played the guitar and drew cartoons and so on and so forth, the bully bullied and of course the bullied got bullied. I was just there, observing. Adapting.
Dumami naman kami nung mga dumaang taon. Natuto na naman kami makisama, at higit sa lahat, mag-adjust. Iba ibang ugali na naman kasi e. Sa pag daan ng isa o dalawang taon, nadadagdagan din yung mga experiences namin. Kasama na dun yung mga bagay na magpapa-peak ng curiosity ng isang teenager.
Kaya siguro napaka memorable ng highschool. Kasi kadalasan ng mga ginagawa mo e FIRST TIME. Pinasasaya pa ng fact na, magkakasama kayong magkakaibigan. Naalala ko yung unang inuman. Matador na may Maxx red. Sa bawat tagay, unti-unti naming nakikilala yung totoong ugali ng isat isa. Kung sinong pikon, sinong may crush kay ano, sinong ugaling pinaka ayaw, sinong may family problems, sinong taga pag alaga pag may nalalasing.
Hindi rin maiiwasan sa highschool ang pag diskubre sa mga mas makamundong bagay. Dito mo mararamdaman yung "Nakakapulikat ng paa at nakakatirik ng mga matang" sensation. Binigyan tayo ng kaunting laya ng mga magulang namin na pinagpipilitan nating abusuhin. Every experiment has its own risks. Matututong mag sinungaling. Magtago ng sikreto. Maghugas ng kamay. Parang for some reason, laging agresibo yung feelings ng mga tao. Parang laging may pinaglalaban.
Pinaka na enjoy ko rin yung part na mga labtim labtim. Yung highschool lab story kasi parang considered as your first true lab ba. Matututo kayong tumambay sa poste ng Meralco hanggang madaling araw. Yung mararanasan mong maghatid sundo, o mag commute sa mga lugar na di ka pamilyar. Yung mag antay sa SM ng matagal na matagal. Yung masisira na ulo mo kakaisip kung ano na ireregalo sa monthsary. Ang totoo, ayoko talaga maniwala na "highscool-love" lasts, pero may classmate kasi akong nagpatotoo nun e, kaya maniniwala muna ko sa ngayon.
Pero kung meron man akong gustong balik balikan nung highschool, siguro yung pag may inter-level competition sa school. Yung pag nagpapractice kayo ng sayaw, kanta, play o pag momodel ng mga gulay sa nutrition month. Ang sarap sarap balikan nung mga awayan nang mga magkakalase pag di magkasundo sundo, ung kampi kampihan, tapos sa araw ng presentation mag babatian din...
Haaayyss...
Ngayon mo nalang marerealize pag pa trenta ka na, kung gaano ka liit at ka petty ng mga problema mo nung highschool. Pero kahit maliit o petty man yan, hindi nangangahulugan na walang ka kwenta kwenta. Naniniwala parin ako na ang laki ng inambag ng Highschool life sa kung sino ka ngayon. Eto kasi yung time na "Bata kapa, pero may utak ka na" phase. Kung saan ka dadalhin ng mga desisyon ng utak na yan, nasasaiyo na yun.
at higit sa lahat, alamin muna kung civilian ba bukas o uniform.
No comments:
Post a Comment