Paunawa: Pakiunawa lang ng sobra

Satire; is a genre of literature, and sometimes graphic and performing arts, in which vices, follies, abuses, and shortcomings are held up to ridicule, ideally with the intent of shaming individuals, corporations, government or society itself, into improvement.

Sunday, November 01, 2020

Tama ba yan?? INUMAN NAAA!!

Gabi ng Halloween dito sa Canada at graveyard shift ako sa hotel na pinagtatrabahuhan ko. Which means I am the one person who's gonna have to deal with the lewd, the drunk and the dirty. As I'm typing these very words, there is a group of young people waiting for their damn Uber at the lobby. It's been 30 minutes now and they are still waiting. One of them eventually gave up on the Uber and asked me to call a cab for them and I did. The two vans that I ordered came 5 minutes after and all of a sudden, silence. Immaculate silence. I have never appreciated the calm, the peace and the quiet ever before.

I started to realize if I was was ever that obnoxious when I was younger. Pfft, of course not, I was well-behaved and considera... You know what, I may have had some moments back then.


Iniisip ko kung ano-ano yung mga pagkakataon na sobrang gulo naming magtotropa dati sa mga public places. Lalo na siguro nung mga time na nasa hotel kami. Yung kahit ilang beses na kami pag sabihan na bawal uminom, gagawa at gagawa parin kami ng paraan para magwalwal sa kwarto ng may kwarto. Para bang wala nang ibang araw para maginom.

Mga Grade 4 ata ako nun nung first time ko maka "lagok" ng beer. "Beer na Beer" pa ata mga usong brand noon. Naaalala ko bahagya na sinubukan ko uminom dun sa bote ng tatay ko. Tandang tanda ko din na mga 2 minutes bago ko ibaba ung bote, suka na ko ng suka sa tabi ng mga manginginom sa lugar namin. Dun ko unang naitanong yung "Anong bang masarap dito?"

Lumaki ako sa environment na "OKAY" lang yung uminom. Kumbaga siguro Pinoy culture narin na laging may inuman kahit anong okasyon. Yung pag may maglulutong mga nanay, may mga tatay na magtatagay. Matik yun. Sa kahit san ako mapadpad, pag may handaan, laging may mga upuang nakaayos na paikot, aakalain mong "Trip to Jerusalem" kung hindi lang dahil dun sa lamesitang naka puwesto sa gitna.

Matik na yun, alas kwatro ng hapon, o kung ganado, alas syete palang ng umaga may session na yung mga manginginom pag may piyesta o pag may birthday sa looban.

Although I'm exposed to this "drinking culture", I never imagined myself being a part of it growing up. Siguro kasi pag nalapit kaming mga bata-bata noon sa inuman, laging sinasabi na "Bawal bata dito, dun kayo". Sheltered. Parang isda sa plastic balloon.

Siguro dahil sa paulit ulit.. ulit ulit na naririnig natin ung katagang "bata pa kayo, bawal kayo dito", subconsciously, sabik na sabik tayong tumanda nang makatikim narin sa wakas ng ganong lifestyle.

Kaya Boom! Pag tapak ng 15 years old, kala mong isdang pinakawalan mula sa aquarium papuntang lawa. Ang bibilis lumangoy. Ang gugulo, paikot ikot sa mga lugar na pwedeng ikutan. Pero dahil sa lawa lang naman kami napakawalan, limitado parin yung galaw namin. Tipong may mga times nga na nakakapag inuman kami lalo na pag may birthday, pero parang inom pato lagi. Yung patikim tikim lang ng isang bote ng san mig light, yung limitado lang sa San Mig light at Novelino yung alak na pagpipilian niyo. Yung ibang tropa mo, pinagbabawalan pang mag inom, yung iba naman, ayaw talaga mag inom.

Kaya ayun, nung highschool, mejo pabebeng inom lang kami lagi. Nung makaranas ng Matador, kala mong narating na namin ung Mecca ng inuman. Lingid sa kaalaman namin, sa mga susunod na taon, sa dagat na pala kami palalanguyin.

Grabe and college life. Kung akala mo sa highschool yung tugatog nang pagpapakyut mo, o yung sa highschool mo lang mararansan yung pagpupursige mong mag "paka cool", ibang level pala sa college. Kasi dito, pipilitin kang umastang ADULT samantalang 18 years old lang talaga kami non. Sa Pinas kasi, nung panahong wala pang K12, Kadalasan 18 years old, dapat 1st year college ka na.

So walang katapusang yabangan at pataasan ng ihi mula sa ibat ibang uri ng tao, mula Batangas, Laguna, Maynila at iba pa. Lahat ng maaangas nagkumpol kumpol para malaman kung sino ang may pinaka "astig" na experience nung higschool.

Haaays, patatagan talaga ng pasensya at pakapalan ng apog.

Swerte ko naman na yung unang session ko sa college e kainuman ko yung mga kaibigan ko parin hanggang ngayon. Tandang tanda ko yung inuman na yun kasi pilit na pilit. Bili sa 7/11 ng Gin bulag, yung panghalo na green, lime ata, tube ice at konting chichirya. Pagakyat sa dorm wala man lang baso o pitchel. Ending yung tabo yung ginamit naming pitchel. Habang hinahalo halo yung lime at gin sa tabo, pinipilit ko nalang na kalimutan kung anong bahagi ng katawan yung kadalasang pinaggagamitan nun. Bawat tagay ko ata may mga itim na langam pang kasama ung baso-basohan namin. Pero mejo babuy man, nagawa parin neto yung dapat gawin. Pagkatapos ng session, bigla nalang nagpaikot ikot yung mundo ko. Tipong kahit anong kapit ko sa sahig, bakit parang nag rorotate parin ako. Ano ba? Mahuhulog ba ko o hindi? Pilit ko mang hawakan yung ulo ko ng mahigpit, ikot parin sya ng ikot, sinabayan pa ng agos ng pawis ko kahit ginaw na ginaw naman ako. Nakukulam ata ako.

Ayoko na mag inom!!!

Lingid sa kaalaman ko, yun pala ang ibig sabihin ng lasheeng. First time yun. Pero yung first time na yun, practice pala ang ibig sabihin. Sa college pala, kahit wala kang talent, at kahit hindi ka naman talaga friendly, basta marunong ka maginom, makakahanap ka ng mga taong totropahin mo pangmatagalan.

Grabe yung nasamahan kong grupo, parang lagi kaming uhaw. Dumating sa puntong araw araw na kami nagiinom mula lunch hanggang uwian. Kasikatan ng "The Bar" nun, 2nd year college, 19 years old. Dahil mura, at dahil sagad sa sikmura din yung tama, naging staple drink namin to after namin kumain sa maliit na karendirya malapit sa school. "Ate, The bar po tsaka isang pitchel na Iced Tea." Kanya kanya ng tayo para mag handa sa laban. Yung isa bibili ng isaw sa tapat. Isa bibili Marty's, Isa bibila kaha ng Lights, Isa mag lalagay ng kanta sa videoke. Ako bibili ng Sugo.

Habang tumatagal, padami na din kami ng padami. At dahil lumalaki ang ambagan, nasusundutan pa ng "Ate, isang case pa nga po! Pang banlaw lang." Kapag tumayo ang isa kasi may klase na, may dadagdag namang irreg para umupo. Syempre bagong salta, bagong ambag na naman.

Siguro nagtagal ng dalawang taon yung ganung pamumuhay namin. Hanggang sa nagmahal na ang yosi, na phase out na ang The Bar, napalitan na ng Empi light, pero wala paring makakapigil sa mga sikmura naming uhaw na uhaw sa alak.


Dahil siguro sa pag araw araw ko ng paginom, sinabayan pa ng genes ng Tatay kong di rin nagpapaawat, siguro nagawa kong matolerate yung sumpa kahit papaano. Madalas kong nakikita yung sarili kong naglilinis ng pinaginuman after lasing na ang lahat at nasa kanya kanya ng "higaan". Proud na proud pa ko lagi sa sarili ko pag ubos na yung alak tapos ok pa ko. Parang lagi kong tinatayo yung bandera ng Cavite kahit wala naman talagang kumpitensya. Pero syempre, meron ding mga oras na talaga namang hindi ko maintindhan kung bakit ba naginom pa ko. Tandang tanda ko isang outing sa resort sa Laguna. Dalawa nalang kami natira ng kaibigan kong pinaka malakas maginom sa lahat ng nakainuman ko sa buong mundo, pinilit namin ubusin yung Isang case ng Red Horse kasi "sayang", tsaka "maaga" pa naman. Alam ko nang hindi ko na kaya. Yung pag umiinom ako ramdam ko na sa esophagus ko na puno na. Pero sige pa! Pambhira naman! Strong e! Tsaka masaya o, babad sa swimming pool na hot spring habang nagshoshot! Sige pa!

Tangina ending, umaga na lumulutang na pala ko sa swimming pool.
Wala na ko maalala. Binuhat na pala ko sa kwarto habang sumusuka sa bibig ko. Habang ramdam ko yung mga kanin-kanin na umaagos sa may pisngi ko, wala akong ibang inisip kundi... AYOKO NA MAGINOOMMM!! Kelangan na namin mag check out sa resort, amoy pambihira pa din ako habang akay akay ng mga tropa.
Hanggang makasakay sa auto, alaalalay nila ako. Habang may naghihimas ng likod ko, may nag hahawak ng plastic deretso sa bibig ko. Hanggang sa makauwe kami, ramadam na ramdam ko yung pag aalaga ng mga tropa nung oras na yun. Hehe, Haays, Napapangiti nalang ako pag naaalala ko. Ngayon alam ko na kung anong sagot sa "Ano bang masarap dito?"

Originally, seeing those teenagers at the lobby, I wanted to write something about how annoying and irresponsible this generation is now. I wanted to write about how being drunk is not really as cool as it seems. Or that alcohol is really unecessary to our body and shit. Narealize ko na mas gusto ko palang isahare yung magandang naidulot sakin ng pagiinom, kesa sa magmalinis ako at maging hipokrito sa mga kabataan ngayon.


Masarap naman talaga ang malamig na malamig na San Miguel Beer. Pero kahit anong sarap neto, wala din pag di mo naman trip yung kainuman mo. Sa tagal ko nang naging parte ng paikut na upuan, natutunan ko nang makinig sa mga gustong mag labas ng sama ng loob at umiyak. Nalaman ko na din kung kelan dapat mag salita at kung kelan hindi dapat mag payo. Natutunan ko ring makiramdam kung sino na yung mainit at malapit ng mapikon sa birubiruan. Natutunan ko nadin mag pasensya sa mga sobra kung makapagbuild up ng sarili kapag nalalasing. Napapakiramdaman ko narin kung sino yung mga dapat protektahang babae pag di na kaya. Nabibisto ko na kung sino yung mga ubod ng sinungaling at yung mga nagpapalusot. Natantya ko narin kung sino ang hindi na kaya at dapat ng laktawan.

Sobrang dami kong natutunan sa buhay na hinding hindi ko matututnan kung hindi ako uminom sa tabong kulay pink sa dorm.
Ngayon, hindi na ko masayado nainom. Kumbaga, dati pag tinatanong ako ng doktor kung nainom ako, di ko alam kung pano sasagutin... 

Dr: "beer o liquor?"

Bri: uhmm..parehas po

Dr: Mga ilan ang naiinom mo?

Bri: aaa mga isa pong..

Dr: isang bote?

Bri: isang case po.

Pero ngayon, taas noo ko nang sasabihing, OCCASSIONAL LANG PO DOK!

Sabi ng prof namin dati sa FnB, yung ibang lahi daw, umiinom dahil sa lasa o content ng alcohol, pero ang Pinoy, umiinom daw dahil sa mga katagayan nito.


Granted na hindi naman ako napariwara. Granted na in spite na araw araw ako nagiinom noon, mataas parin grades ko. Na kahit mahilig ako mag inom, pakiramdam ko successful naman ako so far sa buhay ko, gusto ko lang sabihin na walang kinalaman yung mga kaibigan ko o yung alcohol sa kinahatnan ko ngayon. Responsable lang talaga ako kahit dati pa. At mayabang man sa panlasa ng iba, wala na kong pakialam. Dahil sa umpisang umpisa, wala naman din talaga akong pakialam kung lasenggero ka, o kung mas malakas ka uminom kesa samin ng mga tropa ko, o kung namumurahan ka sa iniinom namin, ang importante lang talaga ay responsable ka. Importante na mapatunayan mo sa magulang o sa kahit sino man, na kahit manginginom ka, ay may silbe ka parin. Higit sa lahat, na kahit gaano ka kalasing, kaya mong panindigan at dalhin ang sarili mo. Sabi nga ng konduktor sakin ng Erjohn na byaheng Pasay to Dasma habang suka ako ng suka sa may likuran ng de-ercong bus, "Magbabaon kasi kayo pauwe, sinasagad niyo eh."

No comments: