Paunawa: Pakiunawa lang ng sobra

Satire; is a genre of literature, and sometimes graphic and performing arts, in which vices, follies, abuses, and shortcomings are held up to ridicule, ideally with the intent of shaming individuals, corporations, government or society itself, into improvement.

Monday, August 21, 2017

Idol Idol Idol ko si Kap

Sana talaga mapatawad niyo pa ko sa kakornihan ng title. Ayan lang talaga yung naiisip ko tuwing naaalala ko yung salitang "idol".

Anlaking parte ng salitang yan sa buhay ng bawat isa kung tutuusin. Hindi lang talaga natin masyadong binibigyan ng pansin kasi nahihiya, mali, siguro naiilang tayong aminin sa sarili natin na me hinahangaan tayong tao na pakiramdam natin, ay mas nakatataas satin. Kumbaga masusugatan yung ego mo pag inisip mo na sana parehas kayo ng sapatos na sinusuot.

Pero nag-eemo lang talaga ako para may impact at para kunyari malalim yung topic. 

Growing up, we automatically consider our parents as our first "idols". We see them as role models who can't do wrong. Whatever they consider right and good will instantly be right and good in our eyes. Later on, we meet certain people who will teach us that the world is not exactly black and white. You start to formulate your own thoughts and beliefs. You eventually start to think that maybe there's another way to look at things. A different perspective. 

Suddenly you'll be asking yourself if you still consider your parents as role models. Whether in a good way or not, Because your parents might actually be a positive influence on you, but since you started living your own life, you get to decide if you go off the rails or stay in the righteous lane. 


Regardless, you search for someone to look up to. Again, this is a reality that we keep on shoving down the deepest part of our subconscious. We look up to our teachers, our seniors, our uncles, aunts, a freaking celebrity, a friend. You can't help falling in love with the idea that there's someone out there that you wanted to emulate, because why not? You believe that their life is the kind of life you wanted to have in the long run. 

Meron akong isang teacher dati, sobra sobrang idol ko siya. Napakatalino. Kumbaga nilamon ako ng husay niya sa pang-gagago. Sa mabuting paraan. Higit kasi sa lahat, bilib na bilib ako sa mga matatalinong tao, hindi ung tipong pinakyaw na lahat ng Best In... sa graduation a. Kumbaga marunong siyang makinig, at magisip, at alam niya kung kailan siya dapat magsalita at kung ano ang dapat sabihin, at kung kailan dapat tumahimik. Yung mga katangian ng isang matalinong tao para sakin. 

Tapos ayun na nga, one time, exam, nakaupo ako sa may malapit sa pintuan, bale malapit sa hallway, tapos kumuha siya ng upuan tapos umupo siya sa hallway, katabi ko. Tapos, edi ako tong focused na focused sa test diba, bigla ba namang nilabas yung pitaka niya tapos pinakita yung picture ng kabit niya sakin. HAHAHAHAHHA tangina talaga, tapos sabi niya, OUT OF NOWHERE, OUT OF NOWHERE, "Wag kang makukuntento sa isa." Tapos tumayo na siya tapos umalis nalang.

WTF!!! Hindi ko alam kung pumasa ako dun sa exam na yun. Pero hindi na mahalaga sakin, hanggang ngayon iniisip ko parin kung bakit siya lumapit sakin para sabihin lang yun, tsaka.... BAKIIIT???! 

Thing is, I placed him in a pedestal. I saw him as someone who believes in logic, morality, and all the right things in the world. And that moment, His casually dropping by to say that he's cheating on his wife, I felt betrayed. The fucked up part is that it's not even his fault. He doesn't owe me an explanation. He doesn't even know that I idolize him at all.

Pero ngayon, napapaisip narin ako, baka naman yung asawa yung may diperensya. I didn't know the whole story. I shouldn't have judge him right away. All things considered, I still respect him as an educator. Because he wasn`t  just great at it, he was excellent. 

Now, I can't really find one person that I truly admire. I don't know anyone who I wanted to be inspired by. Maybe because I've grown a lot since then. I've been exposed to a lot of inspiring shits that left me disappointed in the end. There's been a lot of times when I admire someone at first and later realized that it was just a cover, and what's underneath is nothing but flaws layered with mistakes sprinkled with wrong decisions. 

Mismo yung mga magulang mo, asa pedestal sila e. You respect and adore them all your life. Tapos gigising ka one time marerealize mo na tao lang talaga sila. Nagkataon lang na mas nauna silang naging Adults kesa sayo. Pero sa bandang huli, tao lang talaga sila na me karapatang magkamali. Meron kang karapatang husgahan sila, pero wala kang karapatan mag reklamo pag ikaw naman ang hinusgahan kapag oras mo na't ikaw na ang nasa posisyon nila. 

Sa bandang huli kasi, wala namang problema sa paghanga. Siguraduhin mo lang na kung hahanga ka, wag sana yung buong pagkatao ng isang tao dahil madidismaya ka lang. Piliin mo yung mga parteng makikinabang ka at yung may maidadagdag sa pagkatao mo. 

Lagi nalang kasing, Idol ko yan kasi mayaman, kaso maitim yung batok. Idol ko yan kasi maganda kaso mabaho yung paa. Idol ko yan kasi sobrang mabait kaso may buhoy sa utong. Tipong, Pili ka lang. Wag sugapa. 

On the other hand, paano kung ikaw naman ang iniidolo? Hindi ka naman masiyadong maapektuhan unless malalaman mo mismo na idol ka pala. Kasi kahit sabihin mo pang hindi mo ginustong ilagay ka sa pedestal,hindi mo mababago na may gustong sumunod sa mga pinaggagawa mo. Somehow mararamdaman mong dapat maging maingat ka kasi iingatan mo yung reputasyon at imahe mo. Unti unti mong mararamdaman na ginagawa mo na yung ibang bagay para sa kanila at hindi dahil sa kagustuhan mo.

Si kap, Idol mo pa ba talaga? Pagkatapos ng lahat ng pagpapatawa nila ni Ruffa Mae ng mahabang taon, Idol mo pa ba si Kap?

Wednesday, August 16, 2017

Ipis ka. Isa kang ipis.

Exactly 2 years ago,  I realized that things will never be the same- exactly 2 years ago when we board that plane and finally migrate to Canada. The start of a totally different life from what I'm used to - a clean slate. I learned that I have to step up my game and be as productive as I can. It finally dawned on me that life is catching up on me, and although I have always thought that I am a responsible, reasonable adult, I seem to fall short. 

Every year I set a goal for myself, and August 15 has always been the due date. By August 15 I should have this amount of money on my savings account, by August 15 I should have found a stable job. Last year, 2016, I was able to fulfill my goal which is to obtain at least a year of work experience in Canada. I was also able to acclimate myself to the environment, lifestyle, the freakin' weather, well basically everything that a newbie has to adapt to in a different country. 


Basically, My initiation is over. I no longer am a first timer. I no longer have the right to complain about things that I shouldn't be complaining about. I am done with drama and being the "victim" and all that shit. So yes, that was my first year and I'm grateful that I'm done with it. Achievement unlocked as they say. 


So life goes on and now that I'm on my second year, New job, new friends, new bank accounts, and new experiences have taken over, which only means one thing. A new set of first-world problems.


My goal by August 15, 2017 is to buy a house. A house. A fucking house. If you truly know me, you know that buying a house is one of my ultimate dreams. That is something that I have dreamed of ever since grade school.


For the past 3 months I have been looking nonstop for several houses. It was exciting and yet it was so scary knowing that it will mean more expenses in the future. Mortgage, property tax, condo fees, inspection fees, legal fees, insurance, loans, bank drafts shit hilong- hilo na ko. 'Eto na naman si ako sa katakot takot na kakaisip kung paano makakapag ipon sa gitna ng lahat ng gastusin. 


Honestly I have never thought it would be this fast. I keep on saying that I should be accomplishing something as an adult by now, but this, handling this type of situation, going through receipts, by-laws,insurance policies, bank contracts... something tells me that this is for people on their 30's or older. I should be making babies, and doing drugs and getting drunk in parties. Right? That's what 20+ year old's do now? Right? I guess I'm just fucking terrified that I'm on this stage now and there's no turning back. What will happen next is full-on grown-up shits. You know when they say "Be careful what you wish for coz you might just get it", I knew what it meant before, but now that I'm actually living it... It kinda makes me want to rethink and reevaluate the things that I already know. 


Taena talaga this. Kanina nung bayaran na ng downpayment, nung kinuha na ni ateng cashier sa bangko yung kabuuan, bigla akong nahilo, nagkabuhol buhol yung small intestines ko, yung pakiramdam ng natatae ka bago mag flag ceremony sa school. Namura ko na ng lahat ng mura si ate sa isipan ko kahit hindi niya naman talaga kasalanan. 


Isang taon kong ipon yun. Hindi naman mahirap magipon dito kung tutuusin, pero yung thought na andun ka na e, Pwede ka ng mag Boracay ng 30 days, me uwi ka pang souvenir... bigla nalang nilimas. 0.53. 0.53 dollars. Bumakat ng mejo sobra yung mga numbers na yan sa puso't isipan ko.

But yes,11:37am, August 15, 2017. I bought a house. I signed a contract. A contract that will determine the course of my life for 22 years. A contract that will validate if I'm truly the responsible, reasonable adult that I claim to be. 

I am incredibly grateful, don't get me wrong, whether this decision is way too early to make for my age or not, I am still grateful. And thrilled, and happy. I know that for a fact. I just don't feel it yet. I'll get there. It might take a while, but I'll get there.

This whole thing. It's pretty daunting. I have always been sure about what I'm supposed to do if all else fails. I'm a firm believer of expecting the worse and hoping for the best. I consider myself as a realist with a huge dose of pessimism. I always have a plan B. But with this, all my eggs are in the basket. I can't afford to lose this fight.  Having said that, I might have to break one principle that I have been holding on all my life- Independence.


I'm the type of person who will NOT ask for help as long as I can. I don't ask a lot of favors. I hate having to ask someone to do something for my benefit. Yes, I'm one of those. And I'm stubborn about it too. 

Laptrip nga dati, nung ihahatid ako ng tropa ko sa bahay, tinatanong niya ng tinatanong kung saan banda yung bahay para dun niya mismo ako ibaba, ako naman tong si tanga sabi ko sa bungad nalang, pwede na sa bungad, at lalakarin ko nalang kasi hassle sa kanya kung iikot pa siya. Tapos bigla niya kong sinigawan amp, tipong galit na galit siya kasi bat nagiinarte pa daw ako, ihahatid na nga. Tawang tawa nalang talaga ako pag naaalala ko yung yamot na yamot siya. Pakipot pa kasi si ako. Pero yun na nga e, Hindi naman kasi ako pakipot talaga. Ang akin lang ay kaya ko, at gusto ko rin naman talaga maglakad! Pero sino bang niloko ko. 

Pero narealize ko din sa isang banda, kaya siguro siya galit na galit, kasi siya yung tipo ng taong palautos. Siya yung laging pag maykailangan, kelangan me special participation ng iba. Kaya siguro nairita siya kasi hindi siya sanay sa ganung sistema.

Hindi ko alam kung san ko nadevelop yung ugaling yun exactly, (taena ang conyo ko dito) pero I feel like (haha tigilan na to badtrip) nanggaling yun sa takot ko na laging may kapalit ang pabor.

Isang bagay na malinaw sakin mula pa noon hanggang ngayon, ay lahat ay may kapalit. 

It's not necessarily a bad thing. I don't think so. It could pretty much be a coincidence as well that somewhere along the way, one will have to ask the other person for a favor too. 

If a person does something good for you, the person automatically thinks you owe him one. This idea is not something new, and I'm absolutely not the first person who thought of it. It's an obvious fact! Laging may kapalit guys. Haha aminin man natin sa sarili natin o hindi. There's no such thing as an absolute selflessness. Is selflessness even a word. I don't know and I don't care as long as I win this argument...against myself. Konti nalang kakausapin ko na sarili ko. 

Naalala ko yung prof ko sa History, eto yung mga kwentuhan ng titser na wala naman talagang kinalaman kay Mahatma Gandhi pero na share niya lang. Sabi niya sa malandi naming kaklase, "Hindi ka naman talaga nalibre sa date niyo ng boyfriend mo e" "Hindi naman libre yung popcorn mo sa sine, o yung Mcflurry mo sa Mcdo" Kasi daw, ang kabayaran nun e yung oras nung babae, kasi daw bayad yun nung nakuhang kaligayan nung lalaki sa date na yun, bayad yun ng paghaplos sa ego ni lalaki na meron siyang date nung araw na yun, at ultimately, babayaran din ng babae yun sa pamamagitan ng pagsagot nito sa lalaki sa bandang huli.

Kumbaga taena sir, nawalang saysay lahat nung hinagpis ni Gandhi dahil jan sa hugot niyo.
Kumbaga ang saya saya talaga nung klase na yun kasi ga-encyclopedia ba naman yung kapal nung libro namin, tas ganun lang yung topic, kami naman tong si udyok at si tanong para humaba ang usapang lablayp. Galawang early recess. Kawawa talaga si Gandhi.

But you get the point, Hindi lang ako sanay ng hihingan ng utang na loob. Kaya minsan badtrip ako kapag may hingi ng hingi ng pabor. Hindi rin naman kasi ako yung tipo ng taong naniningil ng sobra. Ironic no. Parang tuleg yung logic ko. 

I think at the back of my mind, I was preparing myself. You won't get too far in this life without the help of the people around you. Nobody became successful just on his own. Everybody needs help, you just have to be comfortable in the fact that you will have to eventually return the favor.


Gusto ko kung ano meron ako, kaya kong sabihin na kagagawan ko yun. Maybe it's my desire to be independent all my life. Maybe because I wanted to prove to myself that I can make things happen without having to depend on someone. Having this kind of mentality helped me through adolescence, and could've helped a lot of young adults too if they let it. 

See, if you're young and made... let's say a mistake. And you have to let your parents take care of that mistake because, you don't really have a choice. Because again, you're young. How can you live with that? You see, I guess depende talaga sa kapal ng mukha yan e. Siguro eto talaga yung pinupunto ng gulagulanit kong post. Kasi gumawa ka ng problema, tapos hahayaan mong iba yung magdusa at gumawa ng paraan para malutas yung problemang IKAW ang gumawa. Bukod sa pagiging tanga, sa anong aspeto ka pa naging pabigat sa mga tao sa paligid mo?

Lalo pa kung isa kang kagalang galang na palamunin. Yung walang kahit katiting na pangarap ba, yung wala na talagang drive para umasenso. Kahit man lang sana ikaw na yung maghugas ng plato, o kaya linisin mo man lang yung microwave. Kahit once a week lang talaga.

Never be a burden. Don't become a liability. If you decide to do something shitty, and stupid, please make sure you'll take full responsibility of it. Independence begins when blaming everyone is no longer an option. I know it's easier to just point fingers and absolve yourself from the shit you got yourself into, but believe me it feels so much better when you get out of it without anybody's help. Mainly because you don't have to share the glory. It's all you. You don't owe anyone but yourself. 

Sa bandang huli, pag wala ka na sa puder ng mga magulang mo't alam mo sa sarili mong matanda ka na talaga. Mas kampante ka, na kahit san ka ilagay, makakayanan mo. Kahit magkaleche-leche yung mga desisyon mo sa buhay, atlis alam mong ikaw ang gumawa nun sa sarili mo at hindi ibang tao.

Masarap parin mabuhay ng alam mong madaming tao sa paligid mong handang tumulong sayo. Hindi mapapantayan yung pakiramdam na alam mong may malalapitan ka kapag isa nalang yung yosi mo. O kaya yung may uutusan kang kumuha ng tubig. Maliit na bagay. Tropa, pamilya, kahit kakilala... tulong tulong naman talaga ang sikreto para mapagaan ang buhay. Pero siguraduhin mo lang din na handa kang tumanaw ng utang na loob lintik ka. Wag kang selpish.

Umasenso ka, maghirap ka, manalo o matalo, tuloy ka parin. Para kang ipis. Hindi dahil brown ka't mejo mabaho, Ipis ka dahil surbaybor ka.

Tuesday, August 08, 2017

Rugby Friends are the Best Friends

"Baka naman bukas makalawa, matutunan ko narin mahalin tong bansang umampon sakin. Baka bukas makalawa maniwala narin ako sa sabi-sabing mas maganda ang buhay dito. 

Sana nga. Sana nagdadrama lang ako. Sana epekto padin to ng Homesickness. Isang taong homesickness. Sana bukas makalawa."

Eto na ata yung bukas makalawa. Mukhang "pangalawang taon" pala yung tinutukoy ko. Two years ago mula nung nag-eemo ako dun sa NAIA hawak hawak yung passport ko pa-Canada. Aug 15, 2015. Grabi man, akala ko talaga tapos nang maliligayang araw ko.

One year ago, sinulat ko yang "post" sa taas. Bilang pag gunita sa Anniversary ng pagpunta namin dito. Halatang halatang ang dami kong hinaing jan, kumbaga inupakan talaga ko ng homesickness. Naalala ko yung hindi matatapos ang araw ng hindi ako nag bubukas ng panibagong tab para mag hanap ng murang ticket pauwe. Walang ibang app sa phone ko kundi Cheap flights, Flight Centre, Expedia at Clash of Kings. 

Pero ayun. Magdadalawang taon na ko dito! Napakabilis pambihira talaga. Matagal tagal na din akong di nakakapag sulat dito. Siguro dahil sumobra naman talaga yung pagka busy ko sa trabaho. Ikaw ba naman kumuha ng dalawang trabaho ewan ko nalang kung may oras ka pang magpa bibo sa blogspot. Kung may oras man akong sobra, ay itutulog ko nalang o kaya magaayus ng mga resibo, o mag gugupit ng kuko sa paa. 

Ganun kaboring ang buhay ko simula nung napagdesisyunan kong kumuha ng part-time job. Sobrang pagod din yung tipong napapaisip nalang ako kung bat ko ginagawa sa sarili ko to. Kumbaga ano bang pinaglalaban ko't kelangan ko ng dalawang payslips. 



Tandang tanda ko nung co-call center pa ko sa Pinas, partida night shifts pa yun, tipong kundi man araw-araw, siguro every week may gala ako. Kahit ba mga tatlong oras lang tulog ko nagagawa ko pading bumisi-bisita sa mga bahay-bahay ng mga tropa, o mga semi tropa, o sa mga extra curricular activities ng mga batang sabik. Basta lagi ako may time at energy para magcommute. Kahit sisingkwenta nalng yung pera ko masaya at masarap padin, katawan lang ang puhunan. 


Yung talaga ung namimiss ko. Kung meron man akong ipagmamalaking ugali, yun e yung pagiging kaladkarin ko. Yun talaga yun e. Kaladkarin, mabait, tapos humble. hahaha badtrip din. Pero ewan ko ba, pag me nag-aya sakin dati, basta may alak may balak. Basta tipong after class, tas niyaya mo ko mag Tugegarao, basta may "dabes" na reason plus adbentyur, game ako. 

Nakakmiss ng sobra yung ganong lifestyle. Pero mas nakakamiss talaga yung mga taong nakasama mo nung mga panahong ngiting tagumpay ka.

Narealize ko lang nung after ng 1st year ko sa Canada, nawalan nalang ako bigla ng connection sa mga kaibigan ko sa Pinas. Lahat sila. Kumbaga parang nawalan ako ng oras mangamusta o kahit man lang mag like like sa Facebook. Tagal nun. Gusto kong isisi sa pagiging busy ko, kasi wala naman talaga kong spare time para maglaan ng isa-dalawang oras para mag skype. Ang luma. Pero parang hindi lang kakulangan sa oras e, siguro kakulangan narin sa paguusapan, o sa kawalan ng "connection" ba. Ano ba naman kasi paguusapan! Yung mga throwback na naman? Hahaha pero laptrip din kasi pagusapan yun pag nakainom. 

Tapos unti unti naring lumalawak yung mundo ko dito. Sa pagdaan ng mga araw, nakakahanap narin ako ng mga taong parehas ng "wave-length" ng kagaya ng mga nakagisnan ko sa Pinas. Yung pang-Kantong gaguhan, yung tipong sakay lang ng sakay ng walang halong pagpipigil. Tas enjoy na! Yung tipong ang sarap na pumasok sa trabaho, kasi alam mo by the end of the week may session, o kaya may pupuntahang ganap. 

Kumbaga nabuhay yung diwa ko nung naramdaman kong shit, parang asa Pinas nalang din ako a! Mejo mahirap lang talaga kasi bukod sa trabaho, wala naring paghahanapan ng circle-op-prends. Kung nag sku-school sana, mas malaki yung tsansa na magkaroon ng madaming tropahan. Kagaya sa Pinas. Me college, Regular, at irregular friends, highschool, tuesday group, work friends, other work friends, friend of a friend friends, o kung sino man yung friendly sa Giligan's. 

Napaka hirap magsimula ng panibagong buhay sa ibang bansa. Meron akong kaopisina, ibang lahi, tapos pitong taon na sya sa Canada, pero wala parin daw siyang circle of friends. Tapos parinig sya ng parinig na lagi daw siya magisa, tsaka yung gusto niya daw mag ganito , mag ganon, pero wala daw siya kasama kaya wag nalang. E ako naman tong si gago ang sagot ko lang lagi e, "Well you can still have some fun alone" "Why don't you ask blah blah to join you?" Iwas mandirigma ako baka ako yung yayain e. Katakot takot na excuses siguro ang ibibigay ko. Wala naman kasi kaming pag uusapan. Malalaman mo naman kung magkakasundo kayo o hindi e. Right of the bat alam mo kung hanggang acquaintance lang kayo.

Hahanap ka kasi ng taong makakausap mo. Yung makakaintindi sayo. Yung two-way street. Yung kapag kasama mo yung tao e hindi awkward pag di kayo nagsalita in 2 minutes. Yung pag may problema ka ng 2 am willing parin siyang mag winter boots para tulungan ka. O yung kapag naagrabyado ka ay willing bumak-up. Kasi nga two-way street ba.

Naalala ko yung dati kong tropa, pinapasama niya yung loob ko kasi bakit daw ako namimili ng kaibigan. Sabi niya dapat daw lahat bukas kang kaibiganin. Tapos ilang bes niya inopen up yun sa twing grupo grupo kami. Siyempre nahiya naman ako sa mga tao sa paligid namin, kasi lumalabas na iilan lang talaga sa grupo yung tinuturing kong tropa. Para kasing, tipong, anong mapapala mo ba sa pinaparatang mo sakin? Pero dahil may saltik din ako, pinaglalaban ko talaga na kelangan naman din mamili ng kakaibiganin mo. Yung iba umagree ung iba hindi. Okay lang naman yun. Okay lang talaga kasi sa bandang huli, nabalitaan ko nalang na yung mga dating "kinakaibigan" niya e tinalikuran narin siya. Minsan masarap talagang maging tama palagi once in a while, all the time always ng konti.


Main point is, People seem to underestimate the importance of having true friends. When I say people, somehow it means your own family. People will throw in the mandatory "blood is thicker than water" bullshit. But who the fuck associated friends with water? Why can't "friends" be Aunt Jemima? Elmer's glue? Rugby? Tipong "Blood is NOT thicker than Rugby" 

Family is NOT everything! 

Nakakahiya din kasi sa mga taong inabandona ng pamilya tapos nakahanap ng pagmamahal sa mga tropa o sa sinasabi nilang "water". 
Anong karapatan mo para isantabi yung importansya ng kaibigan dahil lang pinagdildilan sayo ng mga ninuno ng ninuno ng ninuno mo na "Blood is thicker than water". Subukan mong sabihin yan sa mga ginahasa ng mga tiyuhin nila at sa mga anak na tinapon nalang sa inodoro ng Puregold. Hahaha ano ba talagang problema ko, galit na galit amp.


MAIN FUCKING POINT, Isa, dalawa, tatlo, it doesn't matter. Find a friend who will stick with you regardless of distance, time, and that one shitty flaw. Quality over quantity. Alagaan mo yung mga tropa mo. Kasi sila yung nanjan nung hindi mo kailangan ang pamilya mo. Sila yung mga taong nasandalan mo paglabas na paglabas mo ng bahay. Sila yung mga taong magpaparamdam sayo na hindi mo dapat saluhin yung problema ng mundo, lalo pa kung ang problema mo ay ang pamilya mo. Hindi sila pastime. Na kung kailan mo lang sila kailangan, saka ka lang magpaparamdam. 

Hindi rin naman nangangahulugan na kung di ka nag "hi" sa messnger in a year ay FO na kayo. Minsan hindi naman talaga sukatan yung constant communication, o yung physical presence mo para masabing kaibigan mo siya, o me totoo kang concern para sakanya. Pakiramdam ko, kung sapat naman yung pundasyon at history ng pagsasama niyo, tingin ko solb na yun para ma-maintain yung friendship. Ganun talaga e.

Napakaswerte ko nalang talaga at naramdam ko lang recently na sobrang blessed ko sa mga totoong samahan. Napakaswerte ko na satisfied na ko sa kung sino sino yung mga pinili kong samahan. Wala daw poreber pero dahil pabibo ako, pipilitin kong labanan ang sistema. Kahit pa sa mga tumiwalag, sana balang araw magbalik loob ulit tayo, hanggang may Tagaytay may pagasa.

 Marerealize mo nalang din minsan na iilan lang pala talaga sila. Bagong kaibigan, o yung datihan, hindi na importante kung sino yung mas matimbang, ang importante ay yung madaming kang mauutangan. 

pero biro lang.


Kaya siguro bihira lang sa mga Pinoy yung suicidal. Kasi feeling close tayo sa lahat e. Tipong kumpyansa ka na magkakaroon ka ng kaibigan, basta ba swabe yung introduction mo. Tipong sa next session mo na ilabas yung totoong ugali para solid. Kasi tingin ko lang, merong mga times na may pakiramdam kang gusto mo mag suicide dahil sa susnod sunod na problema mo, pero marerealize mo nalang na nakakatamad pala mag tali ng lubid, kumbaga tawagan mo lang si pareng ganito, shot nalang kamo. Enjoy pa. Kumbaga bago natin maisipan magpatiwakal, napagtawanan na ng mga tropa yung kagaguhan mo...kasi bakit? Ang lamig lamig ng redhorse magiiyak iyak ka jan. Bukas wala na yang sakit sa puso mo kasabay ng hungover mo.

Kaya homesickness? Shit, pang mga 1 year old immigrant lang yan. Sarap sarap ng buhay e. Bukas makalawa may session. Bukas makalawa may problema na naman, bukas makalawa may session na naman. Pero sa ngayon, bukas muna ulit ng bagong tab.