"Baka naman bukas makalawa, matutunan ko narin mahalin tong bansang umampon sakin. Baka bukas makalawa maniwala narin ako sa sabi-sabing mas maganda ang buhay dito.
Sana nga. Sana nagdadrama lang ako. Sana epekto padin to ng Homesickness. Isang taong homesickness. Sana bukas makalawa."
Eto na ata yung bukas makalawa. Mukhang "pangalawang taon" pala yung tinutukoy ko. Two years ago mula nung nag-eemo ako dun sa NAIA hawak hawak yung passport ko pa-Canada. Aug 15, 2015. Grabi man, akala ko talaga tapos nang maliligayang araw ko.
One year ago, sinulat ko yang "post" sa taas. Bilang pag gunita sa Anniversary ng pagpunta namin dito. Halatang halatang ang dami kong hinaing jan, kumbaga inupakan talaga ko ng homesickness. Naalala ko yung hindi matatapos ang araw ng hindi ako nag bubukas ng panibagong tab para mag hanap ng murang ticket pauwe. Walang ibang app sa phone ko kundi Cheap flights, Flight Centre, Expedia at Clash of Kings.
Pero ayun. Magdadalawang taon na ko dito! Napakabilis pambihira talaga. Matagal tagal na din akong di nakakapag sulat dito. Siguro dahil sumobra naman talaga yung pagka busy ko sa trabaho. Ikaw ba naman kumuha ng dalawang trabaho ewan ko nalang kung may oras ka pang magpa bibo sa blogspot. Kung may oras man akong sobra, ay itutulog ko nalang o kaya magaayus ng mga resibo, o mag gugupit ng kuko sa paa.
Ganun kaboring ang buhay ko simula nung napagdesisyunan kong kumuha ng part-time job. Sobrang pagod din yung tipong napapaisip nalang ako kung bat ko ginagawa sa sarili ko to. Kumbaga ano bang pinaglalaban ko't kelangan ko ng dalawang payslips.
Tandang tanda ko nung co-call center pa ko sa Pinas, partida night shifts pa yun, tipong kundi man araw-araw, siguro every week may gala ako. Kahit ba mga tatlong oras lang tulog ko nagagawa ko pading bumisi-bisita sa mga bahay-bahay ng mga tropa, o mga semi tropa, o sa mga extra curricular activities ng mga batang sabik. Basta lagi ako may time at energy para magcommute. Kahit sisingkwenta nalng yung pera ko masaya at masarap padin, katawan lang ang puhunan.
Yung talaga ung namimiss ko. Kung meron man akong ipagmamalaking ugali, yun e yung pagiging kaladkarin ko. Yun talaga yun e. Kaladkarin, mabait, tapos humble. hahaha badtrip din. Pero ewan ko ba, pag me nag-aya sakin dati, basta may alak may balak. Basta tipong after class, tas niyaya mo ko mag Tugegarao, basta may "dabes" na reason plus adbentyur, game ako.
Nakakmiss ng sobra yung ganong lifestyle. Pero mas nakakamiss talaga yung mga taong nakasama mo nung mga panahong ngiting tagumpay ka.
Narealize ko lang nung after ng 1st year ko sa Canada, nawalan nalang ako bigla ng connection sa mga kaibigan ko sa Pinas. Lahat sila. Kumbaga parang nawalan ako ng oras mangamusta o kahit man lang mag like like sa Facebook. Tagal nun. Gusto kong isisi sa pagiging busy ko, kasi wala naman talaga kong spare time para maglaan ng isa-dalawang oras para mag skype. Ang luma. Pero parang hindi lang kakulangan sa oras e, siguro kakulangan narin sa paguusapan, o sa kawalan ng "connection" ba. Ano ba naman kasi paguusapan! Yung mga throwback na naman? Hahaha pero laptrip din kasi pagusapan yun pag nakainom.
Tapos unti unti naring lumalawak yung mundo ko dito. Sa pagdaan ng mga araw, nakakahanap narin ako ng mga taong parehas ng "wave-length" ng kagaya ng mga nakagisnan ko sa Pinas. Yung pang-Kantong gaguhan, yung tipong sakay lang ng sakay ng walang halong pagpipigil. Tas enjoy na! Yung tipong ang sarap na pumasok sa trabaho, kasi alam mo by the end of the week may session, o kaya may pupuntahang ganap.
Kumbaga nabuhay yung diwa ko nung naramdaman kong shit, parang asa Pinas nalang din ako a! Mejo mahirap lang talaga kasi bukod sa trabaho, wala naring paghahanapan ng circle-op-prends. Kung nag sku-school sana, mas malaki yung tsansa na magkaroon ng madaming tropahan. Kagaya sa Pinas. Me college, Regular, at irregular friends, highschool, tuesday group, work friends, other work friends, friend of a friend friends, o kung sino man yung friendly sa Giligan's.
Napaka hirap magsimula ng panibagong buhay sa ibang bansa. Meron akong kaopisina, ibang lahi, tapos pitong taon na sya sa Canada, pero wala parin daw siyang circle of friends. Tapos parinig sya ng parinig na lagi daw siya magisa, tsaka yung gusto niya daw mag ganito , mag ganon, pero wala daw siya kasama kaya wag nalang. E ako naman tong si gago ang sagot ko lang lagi e, "Well you can still have some fun alone" "Why don't you ask blah blah to join you?" Iwas mandirigma ako baka ako yung yayain e. Katakot takot na excuses siguro ang ibibigay ko. Wala naman kasi kaming pag uusapan. Malalaman mo naman kung magkakasundo kayo o hindi e. Right of the bat alam mo kung hanggang acquaintance lang kayo.
Hahanap ka kasi ng taong makakausap mo. Yung makakaintindi sayo. Yung two-way street. Yung kapag kasama mo yung tao e hindi awkward pag di kayo nagsalita in 2 minutes. Yung pag may problema ka ng 2 am willing parin siyang mag winter boots para tulungan ka. O yung kapag naagrabyado ka ay willing bumak-up. Kasi nga two-way street ba.
Naalala ko yung dati kong tropa, pinapasama niya yung loob ko kasi bakit daw ako namimili ng kaibigan. Sabi niya dapat daw lahat bukas kang kaibiganin. Tapos ilang bes niya inopen up yun sa twing grupo grupo kami. Siyempre nahiya naman ako sa mga tao sa paligid namin, kasi lumalabas na iilan lang talaga sa grupo yung tinuturing kong tropa. Para kasing, tipong, anong mapapala mo ba sa pinaparatang mo sakin? Pero dahil may saltik din ako, pinaglalaban ko talaga na kelangan naman din mamili ng kakaibiganin mo. Yung iba umagree ung iba hindi. Okay lang naman yun. Okay lang talaga kasi sa bandang huli, nabalitaan ko nalang na yung mga dating "kinakaibigan" niya e tinalikuran narin siya. Minsan masarap talagang maging tama palagi once in a while, all the time always ng konti.
Main point is, People seem to underestimate the importance of having true friends. When I say people, somehow it means your own family. People will throw in the mandatory "blood is thicker than water" bullshit. But who the fuck associated friends with water? Why can't "friends" be Aunt Jemima? Elmer's glue? Rugby? Tipong "Blood is NOT thicker than Rugby"
Family is NOT everything!
Nakakahiya din kasi sa mga taong inabandona ng pamilya tapos nakahanap ng pagmamahal sa mga tropa o sa sinasabi nilang "water".
Anong karapatan mo para isantabi yung importansya ng kaibigan dahil lang pinagdildilan sayo ng mga ninuno ng ninuno ng ninuno mo na "Blood is thicker than water". Subukan mong sabihin yan sa mga ginahasa ng mga tiyuhin nila at sa mga anak na tinapon nalang sa inodoro ng Puregold. Hahaha ano ba talagang problema ko, galit na galit amp.
MAIN FUCKING POINT, Isa, dalawa, tatlo, it doesn't matter. Find a friend who will stick with you regardless of distance, time, and that one shitty flaw. Quality over quantity. Alagaan mo yung mga tropa mo. Kasi sila yung nanjan nung hindi mo kailangan ang pamilya mo. Sila yung mga taong nasandalan mo paglabas na paglabas mo ng bahay. Sila yung mga taong magpaparamdam sayo na hindi mo dapat saluhin yung problema ng mundo, lalo pa kung ang problema mo ay ang pamilya mo. Hindi sila pastime. Na kung kailan mo lang sila kailangan, saka ka lang magpaparamdam.
Hindi rin naman nangangahulugan na kung di ka nag "hi" sa messnger in a year ay FO na kayo. Minsan hindi naman talaga sukatan yung constant communication, o yung physical presence mo para masabing kaibigan mo siya, o me totoo kang concern para sakanya. Pakiramdam ko, kung sapat naman yung pundasyon at history ng pagsasama niyo, tingin ko solb na yun para ma-maintain yung friendship. Ganun talaga e.
Napakaswerte ko nalang talaga at naramdam ko lang recently na sobrang blessed ko sa mga totoong samahan. Napakaswerte ko na satisfied na ko sa kung sino sino yung mga pinili kong samahan. Wala daw poreber pero dahil pabibo ako, pipilitin kong labanan ang sistema. Kahit pa sa mga tumiwalag, sana balang araw magbalik loob ulit tayo, hanggang may Tagaytay may pagasa.
Marerealize mo nalang din minsan na iilan lang pala talaga sila. Bagong kaibigan, o yung datihan, hindi na importante kung sino yung mas matimbang, ang importante ay yung madaming kang mauutangan.
pero biro lang.
Kaya siguro bihira lang sa mga Pinoy yung suicidal. Kasi feeling close tayo sa lahat e. Tipong kumpyansa ka na magkakaroon ka ng kaibigan, basta ba swabe yung introduction mo. Tipong sa next session mo na ilabas yung totoong ugali para solid. Kasi tingin ko lang, merong mga times na may pakiramdam kang gusto mo mag suicide dahil sa susnod sunod na problema mo, pero marerealize mo nalang na nakakatamad pala mag tali ng lubid, kumbaga tawagan mo lang si pareng ganito, shot nalang kamo. Enjoy pa. Kumbaga bago natin maisipan magpatiwakal, napagtawanan na ng mga tropa yung kagaguhan mo...kasi bakit? Ang lamig lamig ng redhorse magiiyak iyak ka jan. Bukas wala na yang sakit sa puso mo kasabay ng hungover mo.
Kaya homesickness? Shit, pang mga 1 year old immigrant lang yan. Sarap sarap ng buhay e. Bukas makalawa may session. Bukas makalawa may problema na naman, bukas makalawa may session na naman. Pero sa ngayon, bukas muna ulit ng bagong tab.
No comments:
Post a Comment