Paunawa: Pakiunawa lang ng sobra

Satire; is a genre of literature, and sometimes graphic and performing arts, in which vices, follies, abuses, and shortcomings are held up to ridicule, ideally with the intent of shaming individuals, corporations, government or society itself, into improvement.

Tuesday, December 22, 2020

Shooting ng Ina Naman...

There was a recent shooting involving a policeman, a mother and her child in Tarlac Province. There was also a video footage of the whole incident that circulated throughout social media and of course, naturally, everyone from regular people to celebrities to government officials and journalists voiced their opinions in their respective accounts. I haven't seen the video myself. I refuse to see it.


I know speaking about an issue that you haven't even seen or heard
is a bit off and just ridiculous so I won't dwell too much into this "unfortunate incident".


Besides, what is there to point out really? This isn't a matter of justifying the decisions and actions of either side. There is not even the slightest need to uncover their previous interactions. There should be no debate between two political parties. This is completely black and white. The policeman was at fault. Regardless of past events, regardless of whose perspective you'd like to understand, it is what is, the policeman made a rushed... terrible, horrible judgement. Fueled by years and years of experience dealing with the same scenario which held him high on the pedestal in the eyes of the people around him. People who can only tolerate his antics and egoistic ramblings.



I have no ifdea who the policeman is or his background, I didn't do any research on him, I can only assume based on the numerous comments describing the incident and the transcript of events from several journalists. It felt like he was way too confident, fuck this, arrogant about the whole situation. I have held a gun myself and I understand the weight that it bears and I'm not talking about its composition and atomic mass. The fact that he was able to point the gun against the victims' heads... there must be a higher power in the worst sense urging him to do the deed.

Oo, kasalanan talaga ni Jonel Nuezca. Sa mga oras na yun... mula sa oras na naisipan niya maging alagad ng batas, mula sa makatapos siya ng pagpupulis sa skul, hanggang sa madestino siya sa Tarlac, at hanggang sa nangyari na ang nangyari... lahat ng yun ay nauwi sa kasalanang hindi hindi na mabubura sa mata ng mga naapektuhan.


Natutunan ko habang lumalaki na mas karesperespeto ang pag-amin ng kasalanan kaysa manisi ng manisi ng iba. Mas kampante akong pasanin yung sisi kaysa gumawa pa ng mga palusot at magisip ng dahilan para mawala ang sintensya.

Pero sa sitwasyong to, pilit ko mang sisihin at ibuntong lahat nang galit kay Jonel Nuezca, Di ko mapigilang sisihin din ang ideology na inihain ng kasalukuyang gobyerno.

Totoo naman kasi, again, eto yung mga sitwasyon na wala ng maraming eksplanasyon.

Ang pagpasok sa cafeteria at sa library ay magkaibang magkaiba. Kung barubal ka sa cafeteria, pagpasok mo sa library isa ka nang maamong tupa.

Iba kasi ang nagagawa ng ambiance.. Mabigat ang ambag ng values, customs at lifestyle ng isang lugar sa mga taong naninirahan dito. Ang laki kasi ng epekto ng kultura na itinutulak ng isang lider sa kanyang mga sinasakupan.

Nakakainis lang na damay lahat ng kapulisan sa kademonyuhang to. Damay pati yung mga pulis na may sinserong pagmamahal sa serbisyo.
Nakakalungkot lang din na damay pati ang buong bansa sa insidenteng to.

Sagad na naman ang comments at tweets na: "Ang hirap talaga dito sa PINAS" "Ganto naman sa PINAS e" "Sana sa ibang bansa nalang ako nakatira" "Palala na ng palala ang PILIPINAS" 
 
PILIPINAS PILIPINAS PILIPINAS

Naiintindihan ko naman kung bakit yung bansa yung nasisisi. Syempre nga naman ang bansa ay binubuo ng mga tao neto, kultura, tipo ng gobyerno at iba pa... actually marami pa.

Pero baka naman pwede natin isisi kay Jonel Nuezca lang. Siya lamang.
Baka naman pwede i-edit out na natin yung Pilipinas sa social rant mo.

Hindi naman ganong kabango yung pangalan natin sa mundo, mismong sa pinas nga, di na maayus yung amoy e... baka naman pwedeng wag na nating babuyin pa.

"Hindi lang naman sa Pinas nangyayari yan e"

Alam ko masakit na sa tenga to.
Kasi this implies na "okay" lang mangyari to, kasi nangyayari naman pala sa ibang bansa e.

TSK!


Hindi naman talaga ganito ang implication ng "reasoning" na yan.

Lumaki kasi tayong iniisip na laging Pilipinas LANG ang mali. Na TAYO LANG ang ganito, na sa atin lang nangyayari to. "Only in the Philippines" diba?

Pero kasi tong putanginang "Only in the Philippines" na to, dinukdok sa isipan at kamalayan natin na dahil Pinoy tayo, kaya tayo ganito. Na dahil Pilipinong dugo ang nananalaytay satin, kaya tayo tamad, corrupt, laging late, ningas kugon, kelangan may lunch hours sa govt. office, mapanglait, sensitib, utak talangka, jejemon.


Laging "Pinoy kasi e".


Hindi man lang naituro satin ng fast food commercial na nagpauso ng "Only in the Philippines" na baka lahat ng Third World countries may ganitong kaugalian. Baka naman dahil sa topography at geographical landscape ng bansa kaya tayo laidback, Baka naman dahil na colonized tayo ng iba't ibang bansa kaya ang lakas ng appeal ng mapuputi satin. Baka naman kasi sadyang malapit tayo sa Equator kaya napipilitan tayong mag jay walk nalang kesa maglakad ng dalawang kilometro para umakyat sa overpass na may 195 steps.

Baka naman may ibang dahilan kung ba't tayo ganito't ganoon, bukod sa "Pinoy kasi e".

The thing is, living outside the Philippines taught me so many things about it. Dami kong nakasalamuha na taga ibang bansa na may same stories kagaya ng satin. Apparently lagi din sila late, may transaction "under the table", uso din pala sa kanila ung palakasan system, naniniwala din pala sila sa utang na loob sa mga magulang, priority din pala nila yung mga puti sa bansa nila.

Alam ko napaka hipokrito neto na ng galing sakin kasi dito na ko nakatira sa Canada. Napansin ko din naman na unti unti narin akong nawawalan ng sasabihin tungkol sa Pinas sa blog na to. Hindi kagaya dati na puro "Pinoy Pride" yung tema ng posts ko.

Para kasing nawalan narin ako ng karapatan mag ka opinyon kasi hindi naman ako direktang apektado sa kung anong meron sa Pinas. Napaka-hipokrito. Nakakalungkot kasi kelangan kong maramdaman to.

Lalo pa't nakikita ko yung mga kakilala kong post ng post tungkol sa Pinas. Punong puno na ng political rants, social comments at public discourse yung Sscial media accounts ko.

Not that I'm upset that my friends are very vocal about these important matters regarding my home country. Of course I'd like everyone to be involved. It is quite nice to know that they are intrigued enough to engage in a political discussion.

Mejo off lang talaga na when I think about how they were before the advent of facebook and twitter. Uhmm where were these people before opinions became cool and trendy.

You have been posting 853 selfies, sharing memes, and liking flirty timeline posts all your life then one day you wake up and suddenly you're a Pulitzer award winner for journalism. It's just... I mean.. I'm not mad nor bitter... but a bit surprised.. and confused.

But regardless, whether it's a trend or a genuine sentiment, if it will keep the news running until a resolution, then fucking why not.

Maybe post your tiktok video in an hour or two, after you post a heavy-hitting editorial piece, so people might believe you actually mean it.

Who knows, Rizal might be stating facts when he said jejemons and tiktokers are in fact the only hope for the country.

Tuesday, December 15, 2020

Anak ng Tupa Naman O!

Madami akong ugali na pinapasalamatan ko. Pero

kung meron man akong isang pinagmamalaking proud na proud ako, ay ang pagiging humble, pero joke lang, eto yung pagiging open-minded.

 

Siguro dahil nadin lumaki ako sa lugar kung saan meryenda ang tsismisan, o pass-time ng mga tao magkaroon ng issue sa isa't isa, nakasanayan kong makinig sa ibat-ibang bersyon ng storya. Natutunan kong pakinggan muna yung lahat ng sides bago magkaroon ng sariling opinyon.

 

Kumbaga yung concept ng perspective, masyado kong nabigyan ng importansya. Dahil dito, lumawak yung pagunawa ko sa mga bagay-bagay. Sa bandang dulo naman kasi, respeto lang talaga yung kelangan pairalin sa umpisa. Kasi kung walang respeto ang isang tao sa sasabihin ng isa, hinding-hindi siya makikinig sa opinyon ng sino man. At kung makinig nga di magawa, umintindi pa kaya. At Kung umintindi nga, pahirapan, pano pa kaya ang pag-tanggap.

 

Recently, napapadalas ang pagpunta ko sa isang "Christian" Church. Catholic ako talaga pero nagpaplano akong mag convert sa future. Maliban sa naeenjoy ko yung mini-concert, at libreng pakape, Naaaliw ako sa paraan ng pag-tuturo ng pastor ng Gospel. Parang classroom.

Matagal nadin naman ako naeenganyo sa "Christian" Church sa Pinas palang.(In quotes kasi wala ako idea kung Christian ba talaga yung tamang term.) Lakas kasi ng ercon, lagi pa katabi ng Shakeys.

 

Pero in all seriousness, besides the obvious reasons and the huge difference in their routine, the Catholic Church and the "Christian" teachings aren't really that different. So far a.. according sa pagiintindi ko. I'm pretty sure they may believe differently in some aspects, but

when you remove all the pretention and the glorified facade on both sides, parang pareparehas lang naman. God is good. Love one another. Truth will set you free. Home is where the heart is. Live laugh love, at kung ano-ano pang home decor quotes ng isang 27 years old na dalagang nakabili ng condo sa BGC.

 

Nagkaiba lang talaga sa paraan ng pag pi-preach at ng ceremony. Example, sa Catholic Church kasi sobrang routine-based. As in panahon pa ata ni Matusalem, ganon na ata yung routine. Song number, Gospel, Homily, song no., ostia, hingi pera, song no., hingi pera part 2 just in case may tinatago-tago ka pang bente jan, at yung pabati ni Father. Pero kahit ganito, na-aappreciate ko yung paraan ng "Homily" ng Catholic Church. Kasi, parang, G lang. Kwento lang siya ng experience niya o ng kapitbahay nya. I-rerelate niya lang yung Gospel sa totoong buhay. Tapos ikaw na bahala kung pano mo gagamitin un sa pangaraw araw mong buhay.

 

Sa "Christian" naman, simple lang, concert muna, 3 sets ng kanta, audience participation, welcoming speech ni pastor kasama yung asawa niya na amen ng amen sa tabi, tapos short powerpoint presentation, tapos pahapyaw ng pahingi pera din WITH! bible verse para mejo nakaka-uplift. Mas holy yung panghihingi, tapos lecture na ni pastor hanggang matapos.

 

Dito naman sa "Christian", wala ata Gospel, parang may curriculum na sinusunod. Kumbaga may pagdugtong-dugtong ng lessons every week.

 

Gulat ko nalang ng naglabas ng mga notebook at ballpen yung mga tao. Kala ko may exam!

Sa totoo lang, mas nagagandahan ako sa paraan ng pagtuturo ng Christians, kasi lecture talaga siya. Haha di ko maexplain. Pero gusto ko yung idea na pag may pangaral si pastor, may verse siya lagi for reference. Kumbaga gamit na gamit yung Bible. At dahil may "ebidensya" yung mga turo ni pastor based sa Bible, tingin ko mas "naniniwala" yung mga tao sa lahat ng sinasabi ni Pastor. Kumbaga may collective na "oonga oonga" yung buong auditorium everytime na mag-lilitanya siya.

 

Dito ngayon dapat papasok yung pagiging open minded ko diba? Yung pinagmamalaki kong pakikinig at paguunawa at pagtanggap sa bawat sides....

Boom! BAT ANG HIRAAAP!!!

Sa totoo lang, bakit hirap na hirap ako tangkilikin ng buong puso yung lecture ni pastor. Yung pag may sinabi siyang preachings, lagi may boses sa utak ko na "uhm... pero... kasi.. teka lang a... huh?? " Puro ganon, yun nga ata yung tinatawag nilang demonyo, kasi distraction siya sa pananampalataya mo e. Pero talong talo ako dito. Pero sa Catholic Church, once na lumuhod na ko, na may ostia sa bibig, daig ko pa si Tanjiro sa pagpatay ng mga demonyo. As in payapa, dasal talaga kung dasal.

 

Then I realized, It really has nothing to do with the scriptures. It has nothing to do with God, or the Christian teachings, it's with the People and the institution that I have a problem with.

 

I grew up questioning everything and I'm a natural born skeptic. I can't just accept things in an instant without questions asked.

 

Granted that I truly believe that God and the Bible means all the good in the world. That I respect them spiritually, that I believe in its glory and power. But somehow when The word comes out of someone, very human, I start to doubt its intentions and meaning.

 

Masyado kasi convenient.

Convenient talaga yung term na lagi ko naiisip when it comes to religion. It always benefits the one more than the other.

 

Parang, okay, you will be save for sure... pero, however, but, you have to be this, give that, sacrifice this, follow that, go through this....

Or We should all not be afraid, Fear is the demon. Stop being afraid...Uhm.. koya, ang hirap kasi hindi maging afraid kung andami mo ng kakilalang may Covid.

 

Klaruhin ko lang ah, kung talagang asa Bibliya man yung isang teaching, yung tipong as in lumabas sa bibig ni Papa Jesus, yung hindi lang conveniently sinulat ng "sumulat" ng Bible for self-serving purposes, FINE, I can respect that. Pero ang hindi ko lang matanggap e yung instant na pag "amen" ng mga tao. Yung 99% ata ng mga tao sa paligid ko "Yes", "Praise him", "Amen", tapos ako, "Talaga ba?"

 

Anak ng tupa talaga! Sheeps! sunod ng sunod. Sunod ng sunod kay Pastor at kay pastor lang.

And here lies the problem for me. When you follow blindly and solely in one person, you tend to believe him and him alone, and you stick with it. You fight for it.

 

So everytime the pastor says something like...

Water is wet!! Fire is Hot! When you're hurt, it's painful! Tomorrow is another day!

and his followers go wild with the yooohooos! and the raising of hands and shit. Don't get me wrong, I'm totally ok with that, different strokes, different folks kinda thing... but the moment they preach unto you, (which they do)... when they start correcting you and shoving what's right and wrong down your throats... that's when the least known Gifts of the Holy Spirit comes into play--- sarcasm and condescension. 

 

Bukod pa, kadalasan ng mga sumasali sa grupo na'to e yung may mga nakaraang hindi masyadong nakikita sa GMRC book. Kaya mejo masakit sa tenga pag sila pa yung numero unong mag sasabi sayo na "Huy, mali yang ginagawa mo kasi hindi siya tama" o "Dapat ganito ang ginagawa mo kasi naku naku naku sinasabi ko sayo... hays maniwala ka sakin".

Kung tutuusin naman, masaya naman ako sa pagbabago nila. I mean, ano bang alternative? maging mas masama sila? ofcourse I'd like them to choose THE better path. But once they succumb their identity to the "light", I only ask that they stay patient with us "sinners" and wait for us to learn from our mistakes.

 

They made a decision, they made a mistake, they struggled, they failed, they tried again, they gave up. They offered themselves to God. They basically asked for the cheat codes and got through the hard parts.

 

But there are still people out there who's fighting. There are still people who would like to enjoy the game, testing their limits, using the Gifts from the Holy Spirit. Fortitude, Wisdom, Understanding, Piety, Counsel, Knowledge and Fear of the lord and many more!

I'd like to think that God is more understanding of our humanity than our spiritual leaders on Earth.

Pero the worst part is yung sasabihan ka pa ng... "Masyado ka kasing matalino" kapag sagad na sila sa pader at wala na silang ma-isagot sa argument mo.

 

When I think about how I feel about any of these, I guess, ultimately, I just don't like when hipocrites lecture me about things that are completely common sense to me. Siguro nga masyadong "nagmamatalino" ung feeling nato, pero I would've been more "open" if there is actually an argument. If there is actually someone who would step up and become human and preach minus the God-complex.

 

In retrospect, I had a teacher in highschool who teaches Christian Living and he by far was the best "Father" or pastor I could ever had. He clearly had flaws and he wasn't embarassed or scared to show it to us kids at that time. He understood and explained that the whole institution is not perfect. That we can only do so much goodness, because we are human. I really did learn so much from him 'coz for one thing, he welcomed critisism without resulting to "masyado ka kasing matalino". In his teachings, I finally reconciled faith with logic wholeheartedly.

 

Hays, ewan ko ba kung bat dami kong litanya tungkol dito. Siguro naipon na ng naipon sa ilang buwan kong pakikinig kay pastor. Bakit nga ba ako nagtitiis kung dami ko naman palang reklamo. Ewan ko ba. Baka anak ng tupa din talaga ako.

Sunday, November 01, 2020

Tama ba yan?? INUMAN NAAA!!

Gabi ng Halloween dito sa Canada at graveyard shift ako sa hotel na pinagtatrabahuhan ko. Which means I am the one person who's gonna have to deal with the lewd, the drunk and the dirty. As I'm typing these very words, there is a group of young people waiting for their damn Uber at the lobby. It's been 30 minutes now and they are still waiting. One of them eventually gave up on the Uber and asked me to call a cab for them and I did. The two vans that I ordered came 5 minutes after and all of a sudden, silence. Immaculate silence. I have never appreciated the calm, the peace and the quiet ever before.

I started to realize if I was was ever that obnoxious when I was younger. Pfft, of course not, I was well-behaved and considera... You know what, I may have had some moments back then.


Iniisip ko kung ano-ano yung mga pagkakataon na sobrang gulo naming magtotropa dati sa mga public places. Lalo na siguro nung mga time na nasa hotel kami. Yung kahit ilang beses na kami pag sabihan na bawal uminom, gagawa at gagawa parin kami ng paraan para magwalwal sa kwarto ng may kwarto. Para bang wala nang ibang araw para maginom.

Mga Grade 4 ata ako nun nung first time ko maka "lagok" ng beer. "Beer na Beer" pa ata mga usong brand noon. Naaalala ko bahagya na sinubukan ko uminom dun sa bote ng tatay ko. Tandang tanda ko din na mga 2 minutes bago ko ibaba ung bote, suka na ko ng suka sa tabi ng mga manginginom sa lugar namin. Dun ko unang naitanong yung "Anong bang masarap dito?"

Lumaki ako sa environment na "OKAY" lang yung uminom. Kumbaga siguro Pinoy culture narin na laging may inuman kahit anong okasyon. Yung pag may maglulutong mga nanay, may mga tatay na magtatagay. Matik yun. Sa kahit san ako mapadpad, pag may handaan, laging may mga upuang nakaayos na paikot, aakalain mong "Trip to Jerusalem" kung hindi lang dahil dun sa lamesitang naka puwesto sa gitna.

Matik na yun, alas kwatro ng hapon, o kung ganado, alas syete palang ng umaga may session na yung mga manginginom pag may piyesta o pag may birthday sa looban.

Although I'm exposed to this "drinking culture", I never imagined myself being a part of it growing up. Siguro kasi pag nalapit kaming mga bata-bata noon sa inuman, laging sinasabi na "Bawal bata dito, dun kayo". Sheltered. Parang isda sa plastic balloon.

Siguro dahil sa paulit ulit.. ulit ulit na naririnig natin ung katagang "bata pa kayo, bawal kayo dito", subconsciously, sabik na sabik tayong tumanda nang makatikim narin sa wakas ng ganong lifestyle.

Kaya Boom! Pag tapak ng 15 years old, kala mong isdang pinakawalan mula sa aquarium papuntang lawa. Ang bibilis lumangoy. Ang gugulo, paikot ikot sa mga lugar na pwedeng ikutan. Pero dahil sa lawa lang naman kami napakawalan, limitado parin yung galaw namin. Tipong may mga times nga na nakakapag inuman kami lalo na pag may birthday, pero parang inom pato lagi. Yung patikim tikim lang ng isang bote ng san mig light, yung limitado lang sa San Mig light at Novelino yung alak na pagpipilian niyo. Yung ibang tropa mo, pinagbabawalan pang mag inom, yung iba naman, ayaw talaga mag inom.

Kaya ayun, nung highschool, mejo pabebeng inom lang kami lagi. Nung makaranas ng Matador, kala mong narating na namin ung Mecca ng inuman. Lingid sa kaalaman namin, sa mga susunod na taon, sa dagat na pala kami palalanguyin.

Grabe and college life. Kung akala mo sa highschool yung tugatog nang pagpapakyut mo, o yung sa highschool mo lang mararansan yung pagpupursige mong mag "paka cool", ibang level pala sa college. Kasi dito, pipilitin kang umastang ADULT samantalang 18 years old lang talaga kami non. Sa Pinas kasi, nung panahong wala pang K12, Kadalasan 18 years old, dapat 1st year college ka na.

So walang katapusang yabangan at pataasan ng ihi mula sa ibat ibang uri ng tao, mula Batangas, Laguna, Maynila at iba pa. Lahat ng maaangas nagkumpol kumpol para malaman kung sino ang may pinaka "astig" na experience nung higschool.

Haaays, patatagan talaga ng pasensya at pakapalan ng apog.

Swerte ko naman na yung unang session ko sa college e kainuman ko yung mga kaibigan ko parin hanggang ngayon. Tandang tanda ko yung inuman na yun kasi pilit na pilit. Bili sa 7/11 ng Gin bulag, yung panghalo na green, lime ata, tube ice at konting chichirya. Pagakyat sa dorm wala man lang baso o pitchel. Ending yung tabo yung ginamit naming pitchel. Habang hinahalo halo yung lime at gin sa tabo, pinipilit ko nalang na kalimutan kung anong bahagi ng katawan yung kadalasang pinaggagamitan nun. Bawat tagay ko ata may mga itim na langam pang kasama ung baso-basohan namin. Pero mejo babuy man, nagawa parin neto yung dapat gawin. Pagkatapos ng session, bigla nalang nagpaikot ikot yung mundo ko. Tipong kahit anong kapit ko sa sahig, bakit parang nag rorotate parin ako. Ano ba? Mahuhulog ba ko o hindi? Pilit ko mang hawakan yung ulo ko ng mahigpit, ikot parin sya ng ikot, sinabayan pa ng agos ng pawis ko kahit ginaw na ginaw naman ako. Nakukulam ata ako.

Ayoko na mag inom!!!

Lingid sa kaalaman ko, yun pala ang ibig sabihin ng lasheeng. First time yun. Pero yung first time na yun, practice pala ang ibig sabihin. Sa college pala, kahit wala kang talent, at kahit hindi ka naman talaga friendly, basta marunong ka maginom, makakahanap ka ng mga taong totropahin mo pangmatagalan.

Grabe yung nasamahan kong grupo, parang lagi kaming uhaw. Dumating sa puntong araw araw na kami nagiinom mula lunch hanggang uwian. Kasikatan ng "The Bar" nun, 2nd year college, 19 years old. Dahil mura, at dahil sagad sa sikmura din yung tama, naging staple drink namin to after namin kumain sa maliit na karendirya malapit sa school. "Ate, The bar po tsaka isang pitchel na Iced Tea." Kanya kanya ng tayo para mag handa sa laban. Yung isa bibili ng isaw sa tapat. Isa bibili Marty's, Isa bibila kaha ng Lights, Isa mag lalagay ng kanta sa videoke. Ako bibili ng Sugo.

Habang tumatagal, padami na din kami ng padami. At dahil lumalaki ang ambagan, nasusundutan pa ng "Ate, isang case pa nga po! Pang banlaw lang." Kapag tumayo ang isa kasi may klase na, may dadagdag namang irreg para umupo. Syempre bagong salta, bagong ambag na naman.

Siguro nagtagal ng dalawang taon yung ganung pamumuhay namin. Hanggang sa nagmahal na ang yosi, na phase out na ang The Bar, napalitan na ng Empi light, pero wala paring makakapigil sa mga sikmura naming uhaw na uhaw sa alak.


Dahil siguro sa pag araw araw ko ng paginom, sinabayan pa ng genes ng Tatay kong di rin nagpapaawat, siguro nagawa kong matolerate yung sumpa kahit papaano. Madalas kong nakikita yung sarili kong naglilinis ng pinaginuman after lasing na ang lahat at nasa kanya kanya ng "higaan". Proud na proud pa ko lagi sa sarili ko pag ubos na yung alak tapos ok pa ko. Parang lagi kong tinatayo yung bandera ng Cavite kahit wala naman talagang kumpitensya. Pero syempre, meron ding mga oras na talaga namang hindi ko maintindhan kung bakit ba naginom pa ko. Tandang tanda ko isang outing sa resort sa Laguna. Dalawa nalang kami natira ng kaibigan kong pinaka malakas maginom sa lahat ng nakainuman ko sa buong mundo, pinilit namin ubusin yung Isang case ng Red Horse kasi "sayang", tsaka "maaga" pa naman. Alam ko nang hindi ko na kaya. Yung pag umiinom ako ramdam ko na sa esophagus ko na puno na. Pero sige pa! Pambhira naman! Strong e! Tsaka masaya o, babad sa swimming pool na hot spring habang nagshoshot! Sige pa!

Tangina ending, umaga na lumulutang na pala ko sa swimming pool.
Wala na ko maalala. Binuhat na pala ko sa kwarto habang sumusuka sa bibig ko. Habang ramdam ko yung mga kanin-kanin na umaagos sa may pisngi ko, wala akong ibang inisip kundi... AYOKO NA MAGINOOMMM!! Kelangan na namin mag check out sa resort, amoy pambihira pa din ako habang akay akay ng mga tropa.
Hanggang makasakay sa auto, alaalalay nila ako. Habang may naghihimas ng likod ko, may nag hahawak ng plastic deretso sa bibig ko. Hanggang sa makauwe kami, ramadam na ramdam ko yung pag aalaga ng mga tropa nung oras na yun. Hehe, Haays, Napapangiti nalang ako pag naaalala ko. Ngayon alam ko na kung anong sagot sa "Ano bang masarap dito?"

Originally, seeing those teenagers at the lobby, I wanted to write something about how annoying and irresponsible this generation is now. I wanted to write about how being drunk is not really as cool as it seems. Or that alcohol is really unecessary to our body and shit. Narealize ko na mas gusto ko palang isahare yung magandang naidulot sakin ng pagiinom, kesa sa magmalinis ako at maging hipokrito sa mga kabataan ngayon.


Masarap naman talaga ang malamig na malamig na San Miguel Beer. Pero kahit anong sarap neto, wala din pag di mo naman trip yung kainuman mo. Sa tagal ko nang naging parte ng paikut na upuan, natutunan ko nang makinig sa mga gustong mag labas ng sama ng loob at umiyak. Nalaman ko na din kung kelan dapat mag salita at kung kelan hindi dapat mag payo. Natutunan ko ring makiramdam kung sino na yung mainit at malapit ng mapikon sa birubiruan. Natutunan ko nadin mag pasensya sa mga sobra kung makapagbuild up ng sarili kapag nalalasing. Napapakiramdaman ko narin kung sino yung mga dapat protektahang babae pag di na kaya. Nabibisto ko na kung sino yung mga ubod ng sinungaling at yung mga nagpapalusot. Natantya ko narin kung sino ang hindi na kaya at dapat ng laktawan.

Sobrang dami kong natutunan sa buhay na hinding hindi ko matututnan kung hindi ako uminom sa tabong kulay pink sa dorm.
Ngayon, hindi na ko masayado nainom. Kumbaga, dati pag tinatanong ako ng doktor kung nainom ako, di ko alam kung pano sasagutin... 

Dr: "beer o liquor?"

Bri: uhmm..parehas po

Dr: Mga ilan ang naiinom mo?

Bri: aaa mga isa pong..

Dr: isang bote?

Bri: isang case po.

Pero ngayon, taas noo ko nang sasabihing, OCCASSIONAL LANG PO DOK!

Sabi ng prof namin dati sa FnB, yung ibang lahi daw, umiinom dahil sa lasa o content ng alcohol, pero ang Pinoy, umiinom daw dahil sa mga katagayan nito.


Granted na hindi naman ako napariwara. Granted na in spite na araw araw ako nagiinom noon, mataas parin grades ko. Na kahit mahilig ako mag inom, pakiramdam ko successful naman ako so far sa buhay ko, gusto ko lang sabihin na walang kinalaman yung mga kaibigan ko o yung alcohol sa kinahatnan ko ngayon. Responsable lang talaga ako kahit dati pa. At mayabang man sa panlasa ng iba, wala na kong pakialam. Dahil sa umpisang umpisa, wala naman din talaga akong pakialam kung lasenggero ka, o kung mas malakas ka uminom kesa samin ng mga tropa ko, o kung namumurahan ka sa iniinom namin, ang importante lang talaga ay responsable ka. Importante na mapatunayan mo sa magulang o sa kahit sino man, na kahit manginginom ka, ay may silbe ka parin. Higit sa lahat, na kahit gaano ka kalasing, kaya mong panindigan at dalhin ang sarili mo. Sabi nga ng konduktor sakin ng Erjohn na byaheng Pasay to Dasma habang suka ako ng suka sa may likuran ng de-ercong bus, "Magbabaon kasi kayo pauwe, sinasagad niyo eh."

Friday, October 02, 2020

Haaayys Iskul!!

Hail! Hail! Alma Mater! Hail to de LA SAAAALLEE!!!

2nd year Highschool nung una kong narinig tong kantang to.

Suot-suot ko yung puting uniform na may patch ng St. Francis Academy - La Salle Greenhills supervised. OO, hinding hindi pwede mawala yung La Salle Greenhills supervised. Dapat may La Salle Greenhills supervised kahit magang-maga na yung gilid ng mga daliri namin kaka fill-out ng forms.

Tandang-tanda ko pa nung una akong pumasok dun sa school na bagong gawa lang that time. Natatandaan ko pa nung kumuha ako ng entrance exam, na for sure ay mema lang talaga. Natatandaan ko kasi takot na takot ako baka bumagsak ako, kasi ineexpect ko, dahil La Salle, baka mahirap yung mga tanong. Pero ayun. Nakapasa naman, siguro dahil kelangan din nila ung tuition ko pampagawa ng 2nd floor. Pero kung dahil sa score ko o sa pambili ng semento, hindi na importante sakin. Ang pinaka importante, makakapasok ako sa school na de-tiles yung CR at may lock yung cubicle.

First day. Yung araw na pinagdarasal mo maging ok ang lahat. Yung tipong lumipas lang ng araw na hindi ka mapapahiya. First day. Yung makaraos lang na hindi ikaw ang center of attention. Yung uuwe kang masaya at may excitement na bumalik kinabukasan.

First day. Ako lang ang naka uniform. Parang may piyesta pag pasok ko. Lahat ng nadadaanan ko puro makulay. Ang dami daming kulay. Para akong nasa kaleidoscope. Nag flag ceremony sa katirikan ng araw, lutang na lutang yung labang tide kong uniform. Kung alam ko lang sana hindi ko na nilabhan nang maging mukang yellowish. Atlis magkakulay man lang. Dito ko ata nasubukan kung ga'no "kamature" ang tingin ko sa sarili ko. Kaya ko to. Kaya ko to.

Medyo maswerte narin siguro ako kasi sampu lang kami magkakaklase. SAMPU. Kanya kanya kaming hanap ng upuan, nagpapakiramdaman. Nagkakahiyaan magtinginan. Kinaganda neto, puro kami bago sa school kasi nga kabubukas lang ng highschool division sa school na un. Masaklap, sampu na nga lang kami, apat pa dun, dating magkakaklase, yung dalawa mag kapitbahay, yung iba malayong pinsan pa. Ako na tubong Noveleta, na salta sa Dasma, walang kakilala. Kaya ko to, nakayanan ko ngang mag uniform kahit civilian e, kakayanin ko to.

Looking back, I kinda wanted to be just a fly on the wall and see how everybody got along. I wanted to know who initiated the conversation, or what was it about. There were only 10 of us in the room so it didn't really take a long time for us to get along.
 

Time went by, we grew closer and closer. I guess when there's only 10 of you in the class, you don't really have much choice but to mingle with everyone. I was very lucky to have 9 different individuals at the start of my highschool life. Suddenly, the class clown started making jokes, the smart leader lead, the silent one stayed quiet, the car enthusiast talked about cars, the anime kid drew ninja signs, the rebel rebelled, the talented one danced, played the guitar and drew cartoons and so on and so forth, the bully bullied and of course the bullied got bullied. I was just there, observing. Adapting.

Dumami naman kami nung mga dumaang taon. Natuto na naman kami makisama, at higit sa lahat, mag-adjust. Iba ibang ugali na naman kasi e. Sa pag daan ng isa o dalawang taon, nadadagdagan din yung mga experiences namin. Kasama na dun yung mga bagay na magpapa-peak ng curiosity ng isang teenager.

Kaya siguro napaka memorable ng highschool. Kasi kadalasan ng mga ginagawa mo e FIRST TIME. Pinasasaya pa ng fact na, magkakasama kayong magkakaibigan. Naalala ko yung unang inuman. Matador na may Maxx red. Sa bawat tagay, unti-unti naming nakikilala yung totoong ugali ng isat isa. Kung sinong pikon, sinong may crush kay ano, sinong ugaling pinaka ayaw, sinong may family problems, sinong taga pag alaga pag may nalalasing.

Hindi rin maiiwasan sa highschool ang pag diskubre sa mga mas makamundong bagay. Dito mo mararamdaman yung "Nakakapulikat ng paa at nakakatirik ng mga matang" sensation. Binigyan tayo ng kaunting laya ng mga magulang namin na pinagpipilitan nating abusuhin. Every experiment has its own risks. Matututong mag sinungaling. Magtago ng sikreto. Maghugas ng kamay. Parang for some reason, laging agresibo yung feelings ng mga tao. Parang laging may pinaglalaban.

Pinaka na enjoy ko rin yung part na mga labtim labtim. Yung highschool lab story kasi parang considered as your first true lab ba. Matututo kayong tumambay sa poste ng Meralco hanggang madaling araw. Yung mararanasan mong maghatid sundo, o mag commute sa mga lugar na di ka pamilyar. Yung mag antay sa SM ng matagal na matagal. Yung masisira na ulo mo kakaisip kung ano na ireregalo sa monthsary. Ang totoo, ayoko talaga maniwala na "highscool-love" lasts, pero may classmate kasi akong nagpatotoo nun e, kaya maniniwala muna ko sa ngayon.

Pero kung meron man akong gustong balik balikan nung highschool, siguro yung pag may inter-level competition sa school. Yung pag nagpapractice kayo ng sayaw, kanta, play o pag momodel ng mga gulay sa nutrition month. Ang sarap sarap balikan nung mga awayan nang mga magkakalase pag di magkasundo sundo, ung kampi kampihan, tapos sa araw ng presentation mag babatian din...

Haaayyss...

Ngayon mo nalang marerealize pag pa trenta ka na, kung gaano ka liit at ka petty ng mga problema mo nung highschool. Pero kahit maliit o petty man yan, hindi nangangahulugan na walang ka kwenta kwenta. Naniniwala parin ako na ang laki ng inambag ng Highschool life sa kung sino ka ngayon. Eto kasi yung time na "Bata kapa, pero may utak ka na" phase. Kung saan ka dadalhin ng mga desisyon ng utak na yan, nasasaiyo na yun.

Dito kasi yung period na pinipilit mo maintindihan (subconciusly or not) kung anong gusto mo, sino ka at saan mo gusto pumunta. So kung may mga taong tutulong sayo para makarating dun sa desisyon na yun, malaking bagay na yun.

Hindi naman talaga masyado importante yung subjects nung highschool para sakin. I mean back then of course I did what I have to do to get good grades, but it is only because 1) I CAN get good grades, and 2) because it was necessary for my ego.
But let's put that aside, In retrospect, I don't really remember much of what I learned in highschool. Mga bits and pieces lang. Mga terminologies na for fuck sakes hindi ko alam kung sang conversation ko gagamitin. Ionic bond, ahimsa, tan sin cosin, semi permeable substance, haiku, tagpuan sa asutea, geoffrey chaucer, liturgy of the word, liturgy of the eucharist, liturgy, litter h, litter i, ... Kung bakit etong mga naaalala ko hindi ko alam.

Ang highschool talaga ay isang malaking training ground kung pano makisalamuha sa ibat ibang tao sa hinaharap. Dito talaga ako natuto ng mga bagay na hindi ko matututunan kung computer lang yung kaharap ko.

10 things I learned  in Highscool

1) Lahat ng tao kahit gaano mo nirerespeto, may baho.
2) Mas cool pala pag kasundo mo lahat kesa yung pa mysterious effect.
3) Sana pala mas naging kumportable ako kaibiganin yung mga nabubully kahit kaunti.
4) Ang respeto ay hindi dinadaan sa edad.
5) Matuto makinig sa lahat ng panig at wag makinig sa emosyon pag nagdedesisyon 
6) Laging merong mas magaling sayo. Know where your strength lies.
7) Pagdating mo ng 4th year, akala mo ang mature mature mo na, hindi pa pala. Nagmamarunong ka lang pala talaga.
8) Lakas makahawa ng peer pressure! Learn to say no!
9) Pero minsan sumabay ka nalang din sa agos. Andami kasi rules. Minsan  subukan mo lang din mag kamali.
10) Wag ka mag madali. May tamang oras para sa bawat lesson. Isang mahabang curriculum ang buhay. May kanya kanya dahilan kung bat nauuna ang dapat mauna.

at higit sa lahat, alamin muna kung civilian ba bukas o uniform.

Friday, September 11, 2020

Layp Begins at Trenta!

It's been a long while since I've visited the blog and it's been a while since I felt the need to write something about.

I once said that the only reason why I decided to write is due to homesickness, and it's been 5 years since August 15 2015 and believe me when I say that I'm over it. Im here, not there, shit happened, Shit got done, everything's fine.

So at this point in my life, I don't think I have any "complaints" or "issues" that I struggle with, unlike a few years back when the smallest things seemed like the end of the world.

Now it's more chill. More tolerable. Tolerable in a sense that I know things will get better eventually.. gradually. I don't get stressed too much on the details, trust the process ba. Intay intay lang.

Ultimately, my biggest concern back in the day is of course, Money. I mean I ain't saying It's no longer a concern, but the worse got better. It just took time. Also, knowing that there are people who are suffering worse than I do, does make me feel a little bit better, and a little bit of a  jerk to be honest.


5 YEARS! My moving to Canada really gave me a "re-start". 'Coz I never really remember important dates at all, but for some reason, August 15, 2015, the date we landed in Vancouver, got stuck in my brain.

Sa kakanood siguro ng mga TV series, parang napag hati-hati ko yung mga events sa buhay ko. Kumbaga may seasons.

Season 1 - Ang bata sa Camalig
Season 2 - La Salle Adventures
Season 3 - The Gradute
Season 4 - Landed Immigrant
Season 5 - Trenta!

Pero sa susunod na kabanata ko nalang ikukwento yung bawat season. Ang hirap kasi mag blog lalo na pag asa trabaho talaga ako ngayon. Ang swerte ng kumpanya sakin talaga.

Bawat seasons, ang laki ng naiambag sakin. Parang walang itapon. Meron lang talagang mga instances na punyeta sana di nalang nangyari. Yung pag matutulog ka na, bigla mong maaalala na, "FUUUCKCK!! ginawa ko yun?!!"
Mapapatanong ka nalang ng Bakkiiiit??!!
Tas iisipin mo na sya hanggang 4am na dilat ka pa.

Pero, ganun talaga e, meron talagang mga bagay na hindi mo na mababawi. Andami ring mga bagay na sana nagawa mo. Although in my case, parang bihira lang yung mga bagay na sana nagawa ko.
Mas lamang yung, "Taena naman, bat ba naisip-isipan ko pang gawin yun!"

Sugod din kasi ako ng sugod. Gusto ko lahat nararanasan ko. Gusto ko lahat natitikman. Parang ang laking blessing na hindi masyado strict yung parents ko, o baka dahil makapal at malakas lang din loob ko dati. Ang mentality ko kasi noon, "Bata pa ko e." Tsaka, "Wala namang masyadong mawawala sakin."

Maganda narin siguro talaga na nagsimula ako ng blog tungkol sa mga experiences ko. Kasi nung binabalikan ko yung mga nakaraang posts, merong mga bagay na hindi na malinaw sa memorya ko, yung mga jokes nung gabi na yun, yung mga maliliit na detalye na ang laking bagay nung araw na yun.
Bigla nalang ako mapapangiti pag bumabalik yung mga alaala. Mas may cocorni pa ba sa mga sinasabi ko? Pero kasi totoo naman e. Alam mo yung bigla ka may maaala na joke ng tropa tapos bigla ka nalang tatawa. Gulat nalang yung katrabaho mo sa tabi. Mejo scary din.

Ngayon, sabi ko nga, panibagong season na. Season 5 na ko. Awa ng Diyos na renew! TRENTA!

Sa season nato, masusubukan kung worth lahat ng experiences ko from Season 1 to 4 para maging successful.

Lakas din makaimpluwensya talaga ng mga pangyayari sa paligid mo e. Kamamatay lang din kasi ni Lloyd Cafe Cadena ng mga araw na to. Isa sya sa mga Youtubers na sinubaybayan ko simula pa nung hindi pa talaga uso ang salitang youtuber o vlogger.

Hindi lang madaling tanggapin na sa dami ng mga magagandang bagay na nagawa nya sa mga tao sa paligid nya, sa dami ng naipundar nya para sa pamilya at sa sarili nya, bigla bigla nalang ma-cacancel yung buhay niya. Ambilis. Biglaan. Wala pala talagang retake especially kung Live.

Sa Trenta ko malalaman kung may mga susunod na seasons pa ba. Taena please naman! Pero seryoso, Kailangan ko talaga mag-ingat kasi eto na yung mga oras na pwedeng sabihin ng producer na, "Tama na, masyado na nating ini-stretch"
Sana sa season na to, wala masyadong fillers. Sana naman kadalasan may kwenta. Yung may saysay ang karamihan ng plot. Sana hindi maging parang "Ang Probinsyano" na dinarag na ng dinarag yung istorya, masabi nalang buhay at nabubuhay yung bida. Wala ng sense at realism.

Sana sa Trenta exciting parin. Sana may curiosity parin kagaya ng season 1, may tapang at dahas ng season 2, yung maturity ng season 3, at pagpupursige ng season 4.

I guess I really just wanna mark this moment as a line between, not being serious about the future and being intentionally focused on what's to come.

Basta tuloy tuloy lang. Parang commute lang talaga sa pinas.. daming stops, daming means of transpo, daming obstacle, madalas traffic, mabagal... nakakapagod.. kaya naman anong ligaya pag narating mo na yung paroroonan mo.



Saturday, February 29, 2020

Si Manong at Ang Nakakabwisit Nyang Pananaw

"Hindi talaga kami magkasundo ng anak kong yun. Napakatigas ng ulo." Sabay shot ng iniinum naming empi lights sa birthdayan ng tropa. "Naiintindihan ko naman na hilig niya yun, pero wala siyang mapapala kapag sinununod niya yung gusto niya" Dagdag ni Manong sabay subo ng singkamas pantagal pait ng alak. 

"Ganun po ba, kanya kanya lang po sigurong trip yun no?, kasi baka ayaw niya naman po talagang mag nurse." Sabay abot ng tagay sa isa pa naming ka shot. "Hindi rin kasi, ako ang nagbabayad ng tuition niya. Hindi naman sa pag aano, pero dapat ako masusunod." Ramdam ko kay manong yung hinanakit sa mukha niya, o baka dahil nakailan narin kaming bote o baka sadayang crumpled lang yung mukha niya. 

"Ganun po ba, marami naman po din namang pwedeng maging trabaho ung anak nyo pag graduate. Kasi lalo pa't in-demand din un sa ibang ba..." "Mas in demand ang Nursing sa ibang bansa, tiyaka pag naka graduate ka ng Nursing, alam ng mga taong matalino ka. Maipagmamalaki mo talaga.
Kasi tingnan mo, Bri, Ang engineering  my board, lawyer, teacher... lahat ng may board o bar, magagandang course yan. Siya lang sa mga anak ko ang kumuha ng course ng walang board." Sabat ni Manong.

Sa mga oras na yun, lahat ng mga kainuman namin ay nakikinig na sa kanya. Busy naman ako sa pag lagay ng alak sa shot glass at pag refill ng "chaser". "Siguro po tingnan nalang natin yung mangyayari, importante naman po siguro na makagraduate. Pero ganun po talaga e" Habang pinipilit na tumawa ng kaunti at nangungusap sa iba na mag bukas ng ibang topic. Kabadong kabado na ko ng mga oras na yun at pakiramdam ko palapit na ng palapit yung tanong na mag papabaligtad ng sikmura ko. 

At yun na nga, hindi nagpatalo si manong at hindi na nagpatumpik tumpik na tinapos ang foreplay namin. "Ewan ko ba sa anak kong yun, matalino naman, ewan ko ba kung ba't nag HRM yun. Ikaw ba Bri, ano bang course mo?" Sabay lagok ng isang punong shot glass ng empi. "HRM po" Tiningnan ko nalang sa mata si Manong habang inaantay yung reaksyon niya, kasi hindi ko rin alam kung paano ko iaahon sa hukay yung sitwasyon. Hindi ko matandaan masyado yung mga sumunod na ngyari, dala narin siguro ng kalasingan, o baka dahil parang dun narin ata natapos yung convo. Lasing na si manong, me tama narin ako. 


Mahilig ako mag tanong. Lagi akong may opinyon o ako yung tipong mag bubukas ng topic tapos pag dedebatihan ng tao, sabay makikinig lang ako sa mga perspektibo ng iba't iba tao. Mahilig akong makinig, pero hindi ako mahilig magsalita. Kaya nung mga oras na yung kausap si manong, wala akong ginawa kundi makinig at pinigilang kontrahin yung pananaw niya. Dahil alam ko narin naman na pag umabot na sa ganoong edad ang isang tao, sarado na utak niyan. Based on experience narin siguro sa kakasalamuha sa mga ganoong klaseng tao kagaya ni Manong. Sila yung mga taong hindi papatalo, yung laging may sinasabi basta may nasabi, at hindi hindi magpapalamang.Pag dumating ka na kasi sa ganoong edad, at phase ng buhay mo, iniisip mo na alam mo na ang lahat ng dapat mong malaman. Tumatandang paurong. Sarado na ang isip. Dagdagan mo pa ng lason na nilulunok mo bawat ikot ng tagay, nawawalan ka na ng sense of control. 

Hindi ko narin pinatulan sa kadahilanang, magaang ang loob sakin ni Manong, may respeto kami sa isa't isa, at dahil may respeto kami sa kaibigan ko na nagcecelebrate lang naman ng Birthday. Hindi ko din naman maitatanggi na sobrang awkward ng sitwasyon after kong sabihing pareho kami ng course ng anak na kinadidismayahan niya. 


Ayoko narin patulan kasi, naniniwala ako na ang exposure niya sa term na HRM ay mga puro bobo lang ang kumukuha nun. Kasi may stigma naman talaga tyaka... haha.. basta. Isa pa, importante sa kanya na may BOARD o BAR exams yung isang course. Naiintindihan ko kung san siya nanggagaling, at nirerespeto ko yun. 


Merong mga bagay na sadyang hindi mo na maitutuwid, o mababago. Lalo pa't naisara na ng matagal na panahon ang utak sa pagunawa ng mga bagong ideya.


Hindi na ako nakipagaway sa kadahilanang hindi naman ako naapektuhan. Kung tutuusin, mas naawa talaga ako dun sa anak niya. Habang nagkukwento si Manong, hindi ko mapigilan yung sarili kong tumingin mula ulo hanggang paa ni kuya. Kinikilatis ko kung 

"worth-it" ba na magaklas ako at kontrahin siya point by point. Pero hindi e, kita mo naman kasi sa tao kung anong posisyon nya sa lipunan, at kung hanggang saan lang ang kahahantungan niya. Sa parehong paraang hindi binibigyan ng importansya ng elepante ang isang langgam.

I really felt sorry for the kid. I just hope that he has the same kind of mentality as I do when dealing with these kinds of situations, the "I hear you...but watch this" attitude. Thing is, If he tries to let his dad's insecurity get in the way of what he truly wants, it will only benefit his dad in the long run. One of the worst things that could happen to you when you're older is to live somebody else's dream. It's not the end of the world don't get me wrong, If he decides to follow his dad and become a nurse, he might be living a decent life, he might be very successful by now. But, I dunno if it's just me, but I'd rather be happy and content at the end of the day.


Thing is, my story right there is no different from the stories most people have. This has been the case for several parent-child relationships. It's not necessarily only about which course to take, but also for each future decisions a child will make.

The worst part of it all is when a child does something he hates, just to get his parent's approval.

I do not hate the person seeking validation, I also do not hate the person who he seeks validation from. 
What I do hate is the effect it has on a person, once that validation is NOT given.

That person becomes insanely obnoxious towards every one he gets in touch with. You know that one kid in your class who keeps on bragging about the things he has, or has done? You know that one kid who doesn't shut up about his accomplishments and how great he is in something? That kid who will fucking degrade the shit out of you because you didn't really care about anything he has to say? Yes. That's a kid who didn't get any validation from his parents. That's a kid whose parents didn't really give a shit about his first stick-figure drawing.


Notice how I keep on referring him as a kid? Because I believe that once you become an adult, that kind of attitude should be left in grade school. You should try to be more sensitive about what you have to brag about. 


These people are everywhere. In school, your workplace, at home, in Church, on Twitter, Facebook, everywhere. Nobody can erase them from the world but we can try to humiliate them as much as possible. :D


So again, Why is it so important for someone to get validated by anyone who they think is above them.

Whether its our parents, our friends, our relatives, or the society, why do we crave for their approval. 

But then again, is it really that bad to seek validation from someone else, or is it just merely human nature. Of course it is a nice feeling when someone you look up to admires what you do. Of course it gives you comfort when they say they support you all the way. I think the only time it gets unappealing is the moment you compromise everything you believe in just to receive that validation; when you do what you do for the satisfaction of someone else's. 


It might sound completely obvious, but we never really ask ourselves, if we are only living the life we're living because of someone else's influence. Have we ever evaluated a decision and figured if that decision is 80% beneficial to a certain individual? 


Nakalimutan ko na talaga kung ano pinaglalaban ko dito, hindi ko rin alam kung bat parang galit na galit ako haha. Pero siguro kasi gusto ko lang ma-i-document yung inuman namin ni manong nung mga panahong yun. Hindi ko siya kilala, hindi nya ko kilala, pero yung kahihiyan na pareho naming naramdaman sa paguusap na yun, hinding hindi ko makakalimutan.


Hindi ako nakipagdebate, hindi ako kelan man kumontra, dun ko lang din napatunayan kung gano katatag yung tiwala ko sa sarili kong kakayahan na hindi ko kelangan patulan yung pagmamaliit niya sa larangang kinuha ko. Sa bandang huli, hindi niya naman buhay to, at hindi narin naman kami magkikita, at wala naman talaga siyang lubos na kaalaman sa mga pinagsasabi niya. 


Sa bandang huli ulit , Yun nalang din naman yun. Basta secured ka sa mga desisyon mo sa buhay at sa mga pinaggagagawa mo, wag mo nang pinagtutuunan ng pansin yung mga sabi sabi ng mga manong o manang sa tabi mo. Patapos na sila e, ikaw naglalakbay pa. Papunta ka pa lang, pabalik na sila. Madami na silang nakaing bigas, Bigas na hinain sakanila ng nakaraang panahon. Ikaw, hindi lang bigas ang pwede mong kainin. Mag quinoa ka kung malandi ka. Mamili ka. Malaya ka.

Thursday, February 13, 2020

Mga Madulas na Dila sa Gabing Madilim

It's funny how as you go through life, you reach a certain point when people around you talks about the same exact thing. Your conversation with a certain person seems to be no different from the one you had with another. I guess it only goes to show how every one deals with the same shit no matter who or where they are. There will be a time when an individual will just stop and think about what's next, to stop and ask what everything is for, or what exactly is the point of everything.

This occurrence usually happens between the ages of 26 to 30. At this time, people tend to overthink about a lot of things that are happening in their lives, or worse, the things that are NOT happening that they wish they were. It is some sort of a "midlife crisis" but more like a build up of anxiety caused by the extreme pressure of the people around them and from the demands of society. I have already touched this subject more than once in some of my posts but I wanted to bring it up again under a different light. 

Iba talaga nagagawa ng Redhorse at ng isang paketeng yosi sa usapan tuwing madaling araw. Parang biglang nagiiba yung hangin sa tuwing magsisindi ka ng isa at hihingang malalim. Kasabay ng pagbuga mo ng usok na hindi kailangan ng yong katawan ang pag buhos ng emosyon na nanggagaling sa limot na bahagi ng iyong isipan. Magugulat ka nalang na yung mga dumudulas na convo sa isip mo ay madulas na ding lumalabas sa dila mo.

Sabi niya, pagkatapos tunggain yung shot...

"Bakit yung ibang tao, parang nakalatag yung stars nila. Bakit parang lahat ng mga dapat mangyari, nangyayari sa kanila." 

Habang unti unting nagpipigil ng luha at dahan dahang humihithit. "Tipong nakalatag na sa kanila yung mga dapat nilang gawin. Nagaral, grumadweyt, nagtrabaho, nagkashota, nagpakasal, nagkaanak, nagkapamilya..."

Habang nakikinig sa mga katotohanang naririnig ko, unti unti ko ding sinasalin ang gintong alak sa baso. Naglalaro sa isip ko kung ilang beses ko na narinig tong mga eksaktong salitang to. 

"Bakit ako parang kalat kalat. Parang hindi sumusulong, sali saliwa, andaming stop overs."
Dito na bumuhos yung luha niya na may kasamang maliliit na tawa. Natawa nadin ako. Bumubwelo at nagtatagpi tagpi ng mga salitang kailangan marinig sa malamig na gabing yun. 

"Kung pagiisipan mo, meron ka ba talagang gustong tanggalin sa mga nangyari sa buhay mo. Nagkataon lang siguro na pinili ng ibang taong laruin yung buhay nila ng easy mode. Kung daretso man yung mga stars na nakatadhana sakanila, iyon ay dahil pinili nilang sundan ng tuwid yung tinatahak nila. Pinili nilang sumunod sa nakaayon at dinidikta ng kapalaran nila. Iba ka e. Ginusto mong laruin ang buhay ng difficult mode. Nung mga panahong dapat nagaaral ka, pinili mong mag session kasama ang mga kaibigan mo. Hindi ko sinasabing mali yun, dahil may kanya kanya tayong rason kung bat natin ginagawa ang mga ginagawa natin, pero that time, would you have it any other way? Baka kung hindi ka sumama sa inuman, baka hindi mo nakilala ang mga totoo mong kaibigan ngayon na nasa tabi mo sa oras na hirap na hirap ka. Gugustuhin mo ba ang buhay na wala sila? Baka naman talagang tuwid talaga lahat ng stars natin, nagkataon lang na may mga tao talagang hindi madidiktahan. Mga taong nabiyayaan ng sariling pananaw sa buhay. Yung mga taong maswerte at nabigyan ng kalayaang mamili ng daang tatahakin."

Hindi man eto ang eksaktong mga sinabi ko nung mga panahong un, ganun narin un. Wag ka nang ano. 

Natapos ang umaga ng maalwa at maluwag sa paghinga. Habang naglalakad ako pauwe, dun ko lang natandaan na nung nakaraang taon, nakausap ko din ang isa ko pang kaibigan tungkol sa usapang ito. Napangiti nalang ako habang iniisip na "Hindi lang pala ako".

Maybe it's the idea of having too many people around you marrying and starting a family life. Maybe it's the fact that when you open your Facebook account all you see are baby pictures and party invites. Or maybe it's the way people just stopped being considerate about your feelings in general. Maybe they figured, just because they follow a certain path, you should too, and they feel obligated to vex you until you lose your self esteem and belief that you still has a value in the society, even without the O' Holy blessings of the sacred sacrament of Matrimony, or the gift of an offspring who's entire set of values rely on a British Pig, or a canine cop.

Kung bakit ang hirap umiwas sa dinidikta ng lipunan hindi ko maintindihan. Bakit kaya parang ang hirap hirap umasa na may kakayahang umunawa ang mga tao sa paligid mo. 

Sa bandang huli, ang pinaka importante naman talaga e yung tunay na kaligayahang nararamdaman mo. Yung sayo lang. Yung hindi mo pinipilit maging masaya para lang mapasaya sila. 

Kung totoo man ang sinasabi nila na ang purpose ng bawat tao ay maging masaya, hinding hindi mo makukuha yun kung isa isa mong iintindhin ang boka ng mga tsismosang kapitbahay. Paligiran mo ang sarili mo ng mga taong marunong umunawa at may totoong pakialam sa ikakagagaang ng buhay mo. Yung mga taong hindi na mag tatanong kung bakit hindi ka pa nabubuntis. Yung mga taong hahawakan nalang yung kamay mo at sasabayan kang magaantay.

Sunday, February 09, 2020

Ang Byahe ng mga Hiwang Letsugas

Now, I'm 28, I start to struggle on what I wanna do in my life, career wise. I once talked about how I decided to take a Hospitality Management course because I didn't wanna do an office job. I didn't wanna be confined in a cubicle with just a computer to talk to. I said i wanted to interact with people with different background and different views. I was so full of shit back then. I guess I was still not exposed to what the real world has to offer.

After 5 years in Canada, I have been a "sandwich artist", a quick-service restaurant supervisor, a guest service agent, a restaurant manager, a Front-of-the house supervisor, and now a regular salad maker.


First job in Canada, I became a regular staff doing regular stuff for a well known sandwich place. I knew I'd get the job right of the bat. I went for an interview and I know I can ace that shit without a bit of hesitation. Humility aside, I know what I'm capable of. I know exactly how the interview is gonna go. I mean for fuck sake, if I fail an interview for a staff position in a fast food chain, I might as well go home and end it all. 

Yabang no? Pero kasi hindi ba dapat ganon yung attitude? Ewan ko lang a, kasi kung let's say, nabigyan ka ng pagkakataon mag aral ng 6 years sa elementary, tapos, sabihin na nating 4 years sa highschool, tapos, kung sinuwerte, nakapag college ka pa, kahit hindi tapos huh, diba parang dapat mataas pa sa hairline ko ngayon yung kumpyansa mong mapapasa mo yung interview sa isang first-level entry na trabaho? Kasi kung hindi mo pa nadedevelop yung ganong mindset, baka eto na mismo ung wake up call na may dapat kang iimprove sa sitwasyon mo.

Being a staff for a year gave me all the confidence and knowledge I need moving forward. I was new to the place and all I really needed at the time is to have a job and to earn something. It was a bonus that I got promoted right away as a supervisor. I wasn't necessarily proud of the promotion 'coz I know, even though I am qualified, I know anyone from our team could have handled the position, I was just lucky that I was a resident at that time. 

From then on, I was able to save some money to buy everything I needed, even having enough for an initial payment for a house. In a year, I realized life was good.. but it could be better. I understand fully that I was holding a position, but it didn't do much for me. I felt like it was just a title, it wasn't really much of a glow up. I experienced carrying a whole garbage bag full of lettuce from one store to another because we are about to ran out. I didn't have a car back then so I had to carry that shit on commute. 

Habang tumatawid ako sa overpass pasan pasan yung mga letsugas sa balikat ko, dun ko narealize na ayoko na. Kahit negatib 15 degrees na sa labas basang basa parin yung kilikili ko. Pinagtitinginan na ko ng mga tao kasi sa lahat ba nman ng pwedeng gamiting plastic bag, ung garbage bag pa ang available. Mangiyak ngiyak na ko sa inis at dismaya sa sarili. 

Kasi in my mind, as a new immigrant, as a supervisor, I felt like that was it. That I can live with the title and for the dollar increase in my paycheck. My heart and my whole being keeps saying I needed to get out!

Hinding hindi ko din naman pinagsisisihan yung pagtrabaho ko dun sa store. Dun ko rin kasi nakilala yung mga taong nagbigay ng inspirasyon sakin na maging matyaga, ang magtrabaho ng hindi angal ng angal. Trabaho yan e. Napakaswerte ko lang talaga na winelcome ako ng mga pinoy na masisipag at may respeto sa trabaho. Kumbaga ang swabe ng transition ko from unemployed to someone who has a job experience.

Of course, resigning is never an easy thing to do. I gave my 2-weeks and prepared for my new gig. A close friend of mine who used to work at the same sandwich place encouraged me to work for this world famous burger place as an assistant manager. I was little bit anxious of the transfer because I'm again, going to have to adapt to a new environment, and unlike the sandwich place where there are only 4 to 6 employees working, I have to deal, and ehem, manage, a team of 20 something. 

But again, all I know is I have to move on. And besides, assistant manager sounds better than a supervisor. Masarap lang pakinggan ung manager. Assistant nga lang. 

Napakahirap ng simula jusku po. Hindi ko alam kung san ko ilulugar yung sarili ko. Especially ang daming empleyado. Merong mga batang staff, merong mas may edad sakin ng konti, at meron ding mas matanda pa sakin kahit i-times three yung edad ko. 
Ang masaklap pa neto, dahil bagong salta ako, wala akong alam sa mga nangyayari, wala din naman akong malapitan agad bukod sa kaibigan kong nagpasok sakin. 

Naalala ko pa yung kwento ng kaibigan ko na nagtatrabaho sa Singapore, naikwento nya nung nagbakasyon sya sa Pinas , na napromote din daw sya sa trabaho nya, pero walang rumerespeto at sumusunod sakanya kasi mas bata sya ng gaano sa mga empleyado nya. Nung kinukwento nya sakin un, ramdam na ramdam ko yung hinagpis nya. Kumbaga nilagay ko yung sarili ko sa sitwasyon nya, inisip ko... "Ako kaya? Pano kung sakin nangyari yun?"

Pero ayun na nga, kelangan talaga tatagan ng loob at patibayan ng sikmura. Kung tutuusin, wala namang pasaway sa mga staff. Nasunod naman yung mga bata, at marespeto naman yung mga nakakatanda. Kaya lang iba din talaga yung bago ka at walang alam gawin kundi mang utos. Parang nahihirapan akong unawin yung idea na bakit ko sayo iuutos to e ako nga di ko kayang gawin yan. 

Dito ako mejo nagstruggle. Kasi bilang "manager" ang trabaho mo lang talaga ay mag "MANAGE!". Hindi ka magwawalis, hindi ka magluluto, hindi ka magbubuhat, hindi ka magpupunas. Isa kang inutil maliban sa paninita at pagoorganize ng buhay ng may buhay. Hindi ko talaga kaya yun. Kumbaga, ako din kasi yung tipo na bat ko pa iuutos e kaya ko namang gawin. Istorbo pa ko.

Pero apparently, that's just how it is, you were assigned to be in a position where you have to be there. TO BE PRESENT. To notice, to estimate every situation, to see the bigger picture, to move things around, to coordinate. TO MANAGE! 

I started to understand what it truly meant along the way. I learned what it really means eventually. But only when I learned how to be an efficient staff. I forced everyone around me to teach me how to do their job. I needed to learn the smaller details of the work to have a certain boost of confidence to do what is really intended. Little by little, I learned how to work every station. I was handling both front and back houses. It gave me all the confidence I need to command my staff to do what I want them to do, in return, it gave my staff the desire to respect my work. 

Sobrang hirap ng trabaho sa isang fast-food. Dito ko nasimulang makita yung totoong ibig sabhin ng customer service. Hindi mo pala masusukat yung pasensya mo hanggat hindi ka nakakasalamuha ng mga taong isusuko lahat ng dignidad nila para lang makalibre ng french fries. Dito ka makakakita ng mga taong pinsan na ata ni satanas kung makapag sinungaling para lang ma-upsize yung drink nila. 

Magiiba talaga yung paniniwala mo sa "the customer is always right" Parang ang sarap kuhanin yung karatulang yun at ihampas sa mga customers na walang modo hanggang pumutok lahat ng capillaries nila sa muka at mapisa ng parang tansan ung mga eyeballs nila habang unti unting nababasag ung bungo nila sa may drive thru window. 

Nung mga panahong ito ko rin naranasan mag part time. Nakapasok ako bilang isang Front desk agent sa isang hotel katapat lang ng store. 

I was incredibly proud of myself at that moment. I was a bringing more money than ever before. I was also able to save more and to buy things that I never really needed. Life was good. Tough as shit. 


It was my first time to work with a team with no Filipinos at all. I was outside my comfort zone but It never really bothered me. Besides, this is what I wanted ever since...dealing with people of different backgrounds. 

The job was pretty straight forward. You basically register the guest into the hotel and become their slave till they set foot out of it. The job was tough in way because I have to be very "professional" every single time. I have to become someone else I hate. I have to choose my words carefully as if I was at a dinner table with relatives on Thanksgiving.

I enjoyed the company of my team though. I started to become very comfortable with them as I am with my Filipino peers. I never really thought they would get my jokes and my antics, but they did. I realized people are really just the same all over the world as long as there is respect and relentless understanding to each other's shortcomings.

Meron lang din akong isang ka teammate na sobrang yabang. Jusku yung tipong lagi niyang ibibring up kung gano siya kagaling, o kung pano siya pinuri ng guest, o kung pano niya na solusyunan yung gantong pangyayari. Honestly, he was the only issue during my time there at the hotel.

Don't get me wrong, I want everyone to have that kind of confidence and shit. Confidence however, turns into arrogance when you feel the need to broadcast it every chance you get. 

I knew from the beginning I need to shut this fucker up. I need to find a way to shield myself from his bullshit and learn to work with him without wanting to bash his face in the computer screen and ctrl+alt+delete him in his narcissistic world of delusions. But then I realized violence and upright aggression are never the answer. So I relied on sarcasm and condescension to get me through this ordeal. 

This also inspired me to step up my game and just do better at my job. I strove to be better than that guy, because as much as I hated him, he was actually really good. If only he wasn't so full of himself, I would've praised him to his face, but he wasn't. So when the time came when the manager needs to choose someone to be the front desk supervisor, it was I who got picked instead of him. It was probably the biggest gloat of my entire life. I was't going to take the job anyway because I got a better offer as a Restaurant manager, but it still lead him to find another job. 

Yung mga balakid kasi minsan siguro anjan lang para bigyan ka ng rason para mas ganahan ka. Kung hindi siguro ako naalibadbaran sa kayabangan niya, baka hindi rin siguro ako nagkaroon ng paki sa trabaho ko. Minsan din, masarap lang talagang makasakit ng tao. Pero syempre biro lang. Ibig kong sabihin, wala na sigurong mas magandang ganting hihigit pa sa pagpapabuti ng sarili. 

I just got back from my vacation in the Philippines when my boss offered me to run a whole store by myself. As a restaurant manager, I will be in-charge of the whole decision making and its day to day operation. It prompt me to resign from my hotel gig and concentrate entirely to the job at hand. It was something that I really wanted to get. I know that I can do the job. I am confident that this is something that I will be doing in the long run. 

Taking that job would mean I have to adjust to the environment again, and to become a totally different person. A boss.

Hindi ko matandaan kung kinabahan ako nung mga panahong yun. Para kasing manhid na ko sa mga napagdaanan ko nung mga taong nagdaan. O baka siguro kumpyansa din ako sa mga natutunan ko along the way. Kumbaga first time in a long time na may baril talaga kong dala sa gera.

I wouldn't say it wasn't hard because God knows I struggled big time every now and then. There were times where I just don't know why I took the job in the first place. There were also times where I felt I've gotten more than I bargained for. It was too much, but I push through. I managed.

It wasn't all bad though. As a "Boss", I felt so secured. A feeling of relief or some sort of contentment. The people around me have shown respect and obedience which I am truly grateful for. I can only wish that they really did know that I cared for and appreciated all the work they have done, and that the feeling was mutual.

Still, the stress of the work has taken a toll on me. Especially when I was also struggling with some personal problems at that time. It was a point in my life where there were just too much shit going on and I am forced to take it without a break. Then I crashed.

It was Canada day when I was on my way home from work that a teenager crashed her car into mine that finally shook my head to finally quit and take back my life. 

It was at that moment when I realized that I didn't deserve that kind of stress. Whether or not I was being a bitch for quitting or if it was actually the right decision, I didn't care anymore. All I know is that I needed to get out.

That was the first time in my life where I didn't have any back up. I resigned my post without any direction to go to. I was so confident that I'd have a job right away with the resume that I got. But my luck ran out apparently. I was actually not planning on taking another management position at the time, I was only hoping for something "easy", for something where I didn't have to "think". But most of the entry level position that I applied for refused to call. I was jobless for a month or so. 

Dito na pumasok si depression ko, I was so helpless. I was broke as fuck. 

Only when a friend finally said "fuck it, let's give it another try" that I stood up, showered, and got out of my apartment to apply for a job once more.

When I got the call back from a small store that sells salads and wraps, I immediately went for it. Kahit ano pa yan. Magkatrabaho lang. 

Siguro bumalik narin yung confidence ko, o natauhan lang talga ako na mahirap talagang walang trabaho sa Canada, kaya nagapply ulit ako bilang manager sa isang Sportsbar sa Airport. Sa awa ng Diyos at sa galing ko sa pambobola, natanggap naman ako.

Pero culture shock par pagpasok ko sa Sportsbar. Grabe yung pagkakaiba iba ng ugali ng mga tao. Dito ko naranasan yung actual restaurant setting.

Sobra palang garapalan. Tipong kung di ka gago, gagaguhin ka. Buti nalang graduate narin ako sa ganyang paguugali. Kumbaga napag-aralan ko naman ang Art of Gaguhan nung college, especially sa inuman course. Pero isang buwan din bago ko nakuha yung loob ng mga tao, whew, hirap, pero sa tyagaan din at masinsinang "pakikipagkapwa tao", naging successful naman.

Pero siguro hindi ito para sakin. Pwede kong isisi sa schedule, o sa hassle ng pagpasok sa security sa loob ng airport, o sa hirap ng parking, pero hindi ko talaga makita ang sarili ko dun.

Sa ngayon, nakailang gayat na ata ako ng letsugas. Ilang daang salads na ata ang nagawa ko kakaantay ng trabahong inaasam ko. Hindi ko alam. Pag may nagtatanong saking kung anong trabaho ko ngayun, hirap na hirap akong isulat na "staff".

Tragis, hindi dahil kinakahiya ko ung trabaho, o dahil dinedegrade ko ang mga staff, kundi dahil hindi ko lang matanggap sa sarili ko na kinailangan ko pang bumalik.Na hindi ko parin masigurado kung ano ba talagang trip ko. Na baka sa kalagitnaan magsawa at mapagod na naman ulit ako. 

Pero isa lang sigurado ko, ayoko na ng ganito, Parang di ko na kayang inuutusan ng isang taong alam kong mas may alam ako. Parang bwisit na bwisit na ko pag ginagawa ko na, inuutusan pa ko. Namimiss ko yung kape sa umaga pag dating ko. Sa isang tingin ko lang alam na ng mga tao yung gusto ko. Wala na kong pasensya.

Higit sa lahat, dito ko napatunayan na hindi talaga sakin ang pagiging empleyado. Kung may rason man ako kung bakit nasulat ko tong experience na to, itoy para ipaalala sakin na balang araw, hinding hindi nako, kahit kailan, magbubuhat ng letsugas sa over pass.