Daga... Wala pa kong nakikitang daga sa Canada. Meron squirell. Meron ding kuneho at iba iba pang mga mukhang taga gubat. Ung iba naka-coat pa nga e. Pero wala talagang daga!
Inabot ako ng 30-minutes bago masimulan 'tong post na to, kasi hindi ko talaga alam kung pano sisimulan. Ang daming reklamo, hindi ko alam kung sisimulan ko ba sa trapik, o sa pila sa mga ahensya ng gobyerno, o sa sobrang mahal na toll, o sa airport, o sa dumi ng kapaligiran. Aaminin ko, napakinggan ko kasi yung replay ng Tambalang Nicole Hyala at Chris Tsuper sa 90.7 Love Radio habang naliligo ako gamit ang built-in hot shower, (sa hot shower ko na sinimulan huh) kaya naisipan kong gumawa ng blog gamit ang topic na'to. Pinapatrend nila yung #ReklamoNgBayan sa twitter. Para paikliin ang storya, nagtrend yung hashtag. Sa dami ba naman ng reklamo ng mga Pilipino, hindi talaga malabong magtrend yun. Kung tutuusin, hindi na lumayo sina Nicole at Chris sa Buendia, naubos na agad yung airtime nila sa dami nang iregularidad sa Buendia palang yung huh.
Talking about the problems of the Philippines is no longer new to our senses. It has been constantly the one topic that all Filipinos can relate to. You open up the topic in a drinking session or a market place, o sa sari-sari store kasama ang mga tambay, and you'll definitely get a response. Everyone's gonna jump in to the hate wagon. We just love having a conversation about how shitty the country is. If you think the purpose of this article is to hate the country due to its flaws or that I'm merely bragging the fact that I no longer have to deal with any of these shits, you're not entirely wrong. haha. I love the Philippines sooo much though. I would still choose to live the rest of my life in the country...eventually. I still consider myself as an OFW more than a resident here in Canada...still looking forward to spending the rest of my life back home.
I feel like in order for me to fully understand the ongoing problems back home, I need to compare the life I have now from the life I had back then. Tipong galawang Jose Rizal
Every time I walk on the streets of Edmonton, I can't help missing the streets of Cavite. Namiss ko yung mga tao na naglalakad sa kalsada, namimiss ko yung pahinto-hinto mong lakad kasi ambagal ng nasa harapan mo, o dahil an daming nakaharang na poste sa sidewalk, o dahil may nagtitinda sa tabi ng sidewalk.
Oo, sobrang namimiss ko yung pakiramdam na hindi ka nagiisa sa kalsada, yung pakiramdam mong laging may makakakilala sayo, o may sisitsit nalang sayo bigla sa bus. Namiss ko magyosi sa tabi ng 7/11 habang nagaantay ng bus. Sa kabilang banda, sumasagi din sa isipan ko kung gaano kaganda ang kalsadang dinadaanan ko ngayon. SOBRANG LINIS. Sobrang organisado.
There are always garbage bins in every corner, bicycle parking, a well-situated bus stop, pedestrian lanes, perfectly working traffic lights, clean drinking fountains, well-painted benches...and basically anything that gives convenience to the public.
I sometimes try to intentionally find trash on the streets or vandalism on any city property just to make me feel better about the Philippines, knowing that we are not the only ones who doesn't care about orderliness, just to make me feel like there's still hope for us. But who am I kidding, of course no country is perfect. I do find cigarette butts or trash on the streets once in a while but it's quite seldom. And I'm pretty sure someone working for the city will eventually clean them up.
I hate that there is no "smart" urban planning in any of the cities in the Philippines. And as much as I'd like to say this in general, I just feel like I've been to so many places in the country and I can confidently say that we definitely are having problems in planning when it comes to building establishments, roads, pavements, electrical posts and the likes. I remember my American uncle giving a lecture about it while we're on a road trip. He mentions all the things that are wrong in the city and how it could have been improved with a little urban planning. I really didn't know what to say. Believe you me, I'm always the first one to defend the country whenever outsiders share their "opinions" on it, but I was stumped. How are you supposed to disagree to something you actually believe in.
Ewan ko ba satin, ngayon ko lang talaga nakita, at naintindihan ang importansya ng pagpaplano ng maayos. Kasi oo nga naman, kung aayusin natin yan ngayon, edi mas malaking perwisyo kasi gigibain na naman yang mga infrastructures, para magtayo ng mas maayus diba? Ewan ko ba kung bakit parang pabarabara nalang na nagtayo ng poste dito, o bakit napayagan mag tayo ng business jan kahit walang parkingan ang mga sasakyan, kaya napapapark nalang sa gilid ng kalsada ang mga customer. Bobo ba mga engineers natin? Bakit ang dumidumi lagi tingnan ng mga electrical cables sa kalsada. Bakit buhol buhol lagi? bakit ang daming naka paskil na mga "wanted tubero at mga tagapatay ng anay" o "mga phone nos. ng Malabanan" Ang messy. Ang sakit sa mata. Mukha talagang ang dumi dumi.
Isama mo pa yung mga skwater na kung saan-saan nagtatayo ng bahay, sila pa galit pag pinaalis. Pambihira, kelangan ba talaga ng edukasyon para matutunan ang common sense at disiplina. Ewan ko ba. And dumi talaga tingnan, tapos ang init-init pa, papakamot ka nalang sa ulo.
Pero siguro sa init narin ng klima kaya siguro ang halay tingnan ng mga syudad satin. Isipin mo kung may isnow sa Pasay, siguro ang linis. Siguro patay lahat ng mga pulubi o ang mga batang hamog sa kasada sa lamig. Hindi naman sa gusto ko sila mamatay para instant tanggal problema diba? Siyempre ayoko nun. Yung tipong pano kung mamatay na lahat sila, edi kompident ka na mag lakad sa Maynila diba? Pero siyempre masama yun, hindi dapat mamatay sila ng biglaan nalang. Masama talaga yun. Ayoko nun. Siguro wala ng titira sa ilalim ng kalsada. Siguro wala ng alikabok o wala na masyadong vandal sa mga building kasi wala ng lalabas sa lamig. O siguro wala na masyadong billboards na sobrang eyesore na, kasi delikado pag nadaganan ng snow. Ang linis siguro ng Pilipinas. Lalo na pag walang skwaters. Pero syempre kelangan mabuhay sila. Masama kasi na mawala nalang sila diba. Pero ang linis siguro ng Maynila... Kung lang naman.
Kaya hindi ko masisisi ang Starbucks para piliin mabuti ang lugar kung san mag fra-franchise e, para nga naman ma protektahan ang "high-class" image nila. Dun mo din mapapatunayan kung mayaman ang syudad, kapag may Starbucks na.
Naisip ko lang din, dahil napagusapan na, kung gaano ka normal ang starbucks sa mga asensadong bansa. Kumbaga kape ito ng parehong mga construction workers at ng mga business man. Hindi nasusukat ang social status mo sa laki ng baso mo.
Me puchasing power kasi mga tao dito. Kapag may trabaho ka, may kakayahan kang bumili ng mga pangangaylangan mo, at kung marunong kang magtabi, hindi malayong makabili ka ng mga pangluho mo...sa isang buwan lang. Tipong walang halong biro at yabang, dahil may trabaho ako ngayon, pwede akong bumili ng SLR, o ng PS4, o ng latest na Iphone ngayon mismo. Ngayon na. O kaya pwede na kong magpabook ng roundtrip ticket pauwe ng Pinas. Ngayun na mismo, mag-open lang ako ng tab. Pero syempre ang pinaguusapan dito ay "kung kaya", hindi kung "dapat bang gawin" :) Yabang mo uy tangina ka talaga. Naiintindihan mo ba ang gusto kong ipahiwatig? Bakit nung nag tatrabaho ako sa Pinas bilang call-center agent, kung saan higit na mataas ang sweldo sa pangkaraniwang trabahodor sa bansa, kelangan ko pang mag-ipon ng limang buwan para makabile ng mga lagpas dalawang libong piso? O bakit kelangan ko pang hindi mag tricycle at magtiyaga nalang maglakad para makaipon ng 500 pesos isang buwan?
Ang daya talaga no? Kahit ilang overtime mo sa Pinas, parang hindi parin sapat. Hindi mo parin maramdaman na umaasenso ka. Tipong alam mong sumuweldo ka na, pero hindi mo parin magawang kumain sa Outback ng maluwag sa loob mo. O kaya mamasyal sa ATC na kampante kang masusulit mo yung 50 pesos mong pamasahe sa vang mas malakas pa ung hinga ng katabi mo kesa sa aircon. Bakit ganon, kumikita ka nga sa Pinas pero pag sumasakay ka ng LRT o ng Jeep, pakiramdam mo deprived na deprived ka? yung nakailang palit ka na ng deodorant hindi parin hiyang sa katas ng kilikili mo.
Dati tinutukso ko pa yung mga kaibigan kong nasa ibang bansa na din, na ang taba taba nila, tipong papuntang beymax na, pero ngayon, ramdam ko na kung bakit. Naiintindihan ko na. Kasi kahit sa totoo lang, kahit hindi ka naman talaga mahirap o hikaos sa pagkain sa Pinas, pag tumira ka sa ibang bansa, malulula ka pa din sa chibog dito. Yung muffin na once every 3 months mo lang matikman, ginagawang pandesal dito. Tsaka ang ice-cream ay isang staple food na tuwing bubuksan ko ay laging meron laman at hindi galunggong.
May cake araw araw kahit walang may birthday. Tipong magsasawa ka sa chocolate kasi ayun yung kendi dito. At hindi mga White Rabbit, o Vi-Va. Ang nips dito MnM's talaga... with NUTS!! Tsaka yung mga concentrated juice dito na umaabot ng isang buwan satin dahil ga-tempra ang inom natin sa tipid, dalawang araw lang nauubos dito. Yung pag umorder ka ng "food for 2" sa kahit anong resto dito, pang pamilya na yung size.
Ga-arinola talaga yung mga mangkok, tipong ate hindi ko pa po bitay bukas. Iba talaga ang may trabaho dito, grabe, ang mga nabibili ng mga mayayaman, kayang bilhin ng mga simpleng mamamayan.
I could go on and on with the comparisons, and to think, these are only the tip of the iceberg. There are still so many, so many significant economic disparities between two worlds, I only mentioned the petty stuff. E masaya naman sa Pinas. hehe. Lagi naman e. I'm looking forward to a time when we can say something positive every time we're asked why the Philippines is still better other than "Mas masaya kase". Yung tipong, Mas maganda sa Pinas kasi libre transportation, o kaya mura tuition, o kaya malakas kasi sa export ng mga duhat, o kilala kasi sa mga importanteng imbensyon. Yung mga ganun ba. Yung tipong sasali tayo sa Guiness dahil tayo yung pinaka environmental friendly na bansa, o may pinaka mataas na standard ng edukasyon. Hindi yung puro pinaka mahusay magpatrend ng labtim, o yung may pinakamahabang bicho-bicho.
All things considered, I still am grateful that I got to experience both worlds. I am more grateful that I got to experience living in a 3rd-world FIRST, I mean, I don't think I'd be able to write a blog if it's the other way around. I'm still probably working my ass off by now to afford electricity or the internet for that matter.
I'm currently enjoying the free medical care most of all. I love that I wouldn't have to worry about the health of my parents. I appreciate the fact that I have seen how a 1st-world country looks like. That I am able to live in a very clean, and orderly environment.
I like that I get to buy the things that I want, and that I don't have to worry about traffic or being exhausted from walking along the polluted streets of Metro Manila.
Pero hindi ko talaga maipaliwanag e, bakit ganun. Kahit anong asenso dito, bakit mas masaya parin talaga satin?? Pikon na pikon na ko, kasi pinipilit ko talagang mandiri sa Pinas, sinusubukan ko nang kalimutan na uuwe ako at dun na maninirahan. Pinipilit ko nang hindi masyadong isipin ang kinabukasan ko sa may baybayin ng Cebu, o sa posibleng rest house ko sa Ilocos. Ba't ganun, dahil lang kaya jan talaga ako lumaki at nagkawisyo? Ewan ko ba. Ewan ko na talaga, sana lang pagbisita ko sa bansa sa March 2017, sana talaga mas masaya padin sa Pinas.
No comments:
Post a Comment